C13

466 46 8
                                    

Brei's Pov

Andito kaming lahat sa may office , pasikretong nakatingin lang ako kay Miss Ella I don't know parang kahit araw araw ko siyang nakikita dito ay hindi pa din talaga ako makapaniwala na totoo itong lahat.

On the other hand nagbalik na naman yung original Lara Mae Layar na boss ko yung napakasungit na kala mo ang laki ng galit sa mundo.

"Winkle Pop Girls?! As a celebration na din sa album niyo na nirelease kahapon which is naging successful ay magpupunta tayo ng beach! Wala tayong gagawin kundi ang mag refresh at mag enjoy lang! So mag ayos na kayo ng gamit niyo ngayon sapagkat mamayang gabi ay magtutungo na tayo sa boracay!" Masayang balita na sabi ni Miss Mae na sa amin, sobrang saya ng mga ibang member dito nung marinig yung sinabi nito liban lang sa babaeng katabi ko may saltik ata talaga utak nito.

Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama, nagkakaganyan ba siya dahil nung nahimatay ako? Tapos inalagaan niya ako at nasayang ang precious time niya na lagi niyang nababanggit sa akin? Kung ganun edi sorry naman.

"Tara na lara ano pang tinatayo tayo mo dyan? Bakit ang lungkot mo? Di ka ba masaya na sa boracay tayo pupunta?" Tanong naman ni ella dito sa babaeng may saltik na to, napabunting hininga naman siya at tinignan si ella.

"Hindi ako sasama kayo nalang gusto kong magpahinga sa may kwarto ko ngayong araw, enjoy!" Wala sa ayos na sabi niya saka naglakad , ano ba talagang problema ng babaeng to?

"Teka lang lara! Minsan lang tayo mag liwaliw , alam mo naman na next week na tayo babalik ng japan diba?" Aniya ni ella muli habang hinahabol si lara, so babalik na pala sila next week ng japan? So ang ibig sabihin niya ay this week ko nalang siya makakasama as a secretary niya.

Wait brei bakit ka naman malulungkot? Di ba dapat masaya ka kasi hindi mo na makikita tong moody at walang modo na lara na to?

"Pag sinabi kong ayaw ko ella , ayaw ko kaya please wag ka nang magsalita pa at naririndi na ako" pumasok naman siya sa may kwarto at ganun din naman si ella , sinenyasan niya ako na sumunod din sa loob.

"Is this about pa din ba sa parents mo? Baka ito na yung time para harapin mo sila lara! Hindi yung para kang nagtatago sa baul sa tuwing may pagkakataon na magkita kayo" malungkot na sabi ni ella habang nakatalikod lang si lara, ano bang meron sa pagitan niya at ng magulang niya?

Talagang hindi ka talaga pwedeng mag judge ng tao lalo na at hindi mo alam kung may pinagdadaanan sila na mabigat.

Im very well guilty sa mga masasamang binitawan ko sa kanya noon, dati ang mahalaga sa akin ay masabi yung nilalalaman ng utak ko without knowing na baka nakakasakit na din ako.

"Ano bang paki mo ella ah?! Labas! Ayoko na itong pag usapan pa! Dahil mas nababadtrip lang ako!" Sigaw niya pa kay ella na naluluha na , ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit , well galit naman siya lagi sa akin araw araw pero mas matindi ata yung pinaghuhugutan niya ng galit ngayon.

"Lara kaibigan mo ako! May pakialam ako lalo na kung yang galit sa puso mo ay hindi mawala wala alam kong nahihirapan kana kaya please sana harapin muna yung mga taong mag papa move forward sayo nang sa ganun ay makatakas kana at makawala kana sa sakit ng kahapon" naiiyak na sabi ni ella lumapit naman na ako dito upang icomfort siya , gusto kong magalit kay lara dahil sa paninigaw niya kay ella pero hindi ko din kasi alam yung behind sa story na pinag uusapan nila ngayon.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now