C16

475 41 1
                                    

Brei's Pov

Nakapasok na kami ng resthouse na ito , sobrang laki nito at namangha ako sa sobrang ganda din nito.

"Is that true?! Girlfriend ka ng anak ko iha?! Magsabi ka sa amin ng totoo" Tanong ng mommy niya samantalang yung dad niya ay nakamasid lang sa akin.

Panay naman katok sa labas si lara ngunit wala atang balak pagbuksan siya ng daddy niya.

"Opo---" hindi pa man natatapos ang aking sasabihin ay pinutol na kaagad iyun ng kanyang ama.

"Masaya ako na ngayon ay natuto na siyang magmahal,. Ilang buwan na kayong magkarelasyon? Tsaka anong pangalan mo?" Malambing na sabi ng kanyang ina , mabait naman siya sadyang nasaktan din ako siguro sa part ni lara dahil sa ginawa nila sa kanya sa past.

Kinokontrol nila siya, hindi ibig sabihin na siya lang ang natatangi nilang anak ay gaganunin na nila , tinakwil na nila si lara dahil nung di niya sinunod yung kagustuhan ng kanyang magulang.

"Actually ngayon lang po kami naging opisyal na magkasintahan , I'm Aubrey Binuya po" magalang na sabi ko pero bakas pa din ang kaba ko sa ngayon na nakakausap ko na yung magulang niya.

Nakita ko naman ang daddy niya na may hawak ng cheque , mukhang alam ko na ang nais niyang gawin sa ngayon.

"Napakaganda mong dilag at nababagay ka nga sa anak namin , mabait yun si Lara sadyang malaki lang talaga ang naging kasalanan namin sa kanya kaya hindi ko siya masisisi sa inaakto niya ngayon" malungkot na sabi ng kanyang ina sabay hinawakan ang aking kamay.

"I'll give you 50 million, please stay away from my daughter , Miss Binuya" napakagat naman ako sa may ibabang labi ko sa sobrang inis sa sinabi ng daddy niya.

Ano ba akala niya sa akin na pera lang ang habol ko sa anak niya? Ganyan na ba siya kababaw? Kahit ako kakamuhian ko siya dahil sa inaasal niya.

"Hindi po pera ang habol ko sa anak niyo Mr. Layar , Alam ko pong may kaya lang ang magulang ko at hindi kami kasing yaman niyo ngunit ang pagmamahal namin sa isa't isa ni lara ay hindi kailanman matutumbasan ng pera" ewan kahit ilang milyon pa yanh ioffer niya sa akin ay hindi ko lalayuan si lara.

Alam kong parang nagtutunog na matagal na kaming nagmamahalan at magkasintahan ni lara pero i know that she's worth it pa sa 50 million na inooffer niya.

Walang halaga ang pera na niyan kung ang kasiyahan ko naman ang igigive up ko.

"Alam mo bang ilang taon niyang pinaghirapan na makapasok sa idol group?!" Nakataas kilay na sabi niya napatayo naman na yung mommy ni lara at pinuntahan yung dad ni lara.

"Opo alam na alam ko po sapagkat hinaharang niyo palagi yung audition papers niya na sanhi upang hindi siya mapili" matapang na sagot ko sa kanya halata naman ang pag kainis sa mukha niya.

Tsk ikaw ang nauna tapos ngayon mapipikon ka? Tsk nararapat lang sayo yang mga sinasabi ko.

"Alam mo naman pala eh?! At ikaw din ang baka makasira ng pinaghirapan niya at nang lahat ng isinakripisyo niya" oo alam ko naman na hindi pwede na makipagrelasyon ako sa kanya sapagkat pag may nakaalam nito ay maaari siyang mapaalis sa idol group.

Hindi naman sa bawal ang magkajowa sa Winkle pop ngunit pag nag submit ng petition yung nga fans na mapatanggal yung idol na kumpiradong may karelasyon na unknown personalities ay tiyak na dun magwawakas lahat ng pinaghirapan nung idol na yun.

"Stoo saying anything dad!" Biglang bumukas yung pintuan  dahil na din siguro sa panay sipa ni lara doon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at masama ang tingin niya ngayon sa daddy niya.

"Hindi pa ba sapat lahat ng pinanggagawa niyo dati ah?! As you can see tahimik na ang buhay ko! Wala akong hiningi ni singkong duling sa inyo nung nagsikap ako na maigapang yung sarili ko! Kaya please lang kung may natatangi pa kayong respeto sa sarili niyo at pati na din sa akin,. Magkalimutan nalang tayo!" Galit na galit na sabi niya habang yung mommy niya naman ay hindi na maiwasang hindi maiyak sa sinasabi ni lara ngayon.

"Pera lang ang habol niyan sayo lara! Katalino lino mong tao baka naman gusto mong gamitin yang utak mo kahit ngayon lang" rebat naman ng daddy niya abay sumusobra na tong impakto na to ah kung hindi ka lang daddy ng magiging future asawa ko ay baka naheadlock na kita.

"Grabe kana dad?! So sa tingin mo ba na pera lang din ang habol sa inyo ni mom dati? Diba galing din sa hirap si mommy? Wala akong pakialam kung pera man or kung ano ang habol sa akin ni brei! Mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya na hindi yun ang nais niya!" Medyo naiiyak na sabi ni lara , this was the first time na nakita ko siyang umiiyak ,alam ko naman kanina na umiiyak siya pero hindi ko siya mismong nakita.

"Hindi naman sa ganun anak---" natigilan naman ito sa pagsasalita nang biglaang sumigaw si Lara yung tipong hindi ko inakala na magagawa niya yun.

"Don't you ever call me na anak kung hindi mo kayang respetuhin yung nararamdaman at nagpapasaya sa akin" sabi niya pa sabay talikod at maglalakad na sana kami palabas nang biglang magsalita ang mom niya.

"I'm really sorry anak,. Sa lahat ng pagkukulang at ginawa namin sa iyo , we want the best for you kaya namin nagawa yun" naiiyak na sabi ng mommy niya habang nakaluhod na sa may sahig, pilit naman siyang itinatayo ng daddy ni lara.

"No mom! You only want the best para sa pangalan na iniingatan niyo at sa mga business niyo hindi para sa akin na kaisa isang anak niyo?!" aniya niya pa sabay hila na talaga sa akin palabas habang magkahawak kami ng kamay.

Patuloy lang kami sa paglalakad at hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin ngayon.

"Saan tayo pupunta lara?! Nakakalayo na tayo sa pwesto nila Ella at ng ibang members baka hanapin nila tayo" tanong ko sa kanya , patuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa may bandang kubo dito sa resort.

Pumasok na kami sa loob at sinarado niya yung pintuan at binuksan nito ang ilaw.

Napalapit naman ako sa kanya nang makita siyang umiiyak pa din hanggang ngayon, mukhang nasasaktan pa talaga siya ng labis dahil sa sarili niyang magulang.

Ganito pala siya ka soft at nagmumukha at pinipilit niya lang maging malakas nang sa ganun ay maprotektahan niya yung sarili niya.

"Wag mo akong iiwan brei ah? Kahit anong mangyari? Ikaw nalang ang meron ako" sabi niya pa habang nakayuko iniangat ko naman yung mukha niya at pinunasan ko na yung nga luha niya gamit ang kamay ko.

"Hindi kita iiwan lara kahit anong mangyari , mahal na mahal kita!" Sabi ko dito , pati ako nakokorinihan na sa mga sinasabi ko pero ito kasi ang nilalaman ng puso ko at nais nitong sabihin.

Hinawakan niya naman ang mukha ko at sabay hinalikan , dahan dahan niya naman akong binuhat at inihiga sa may parang upuan na gawa sa kawayan.

Pinatay niya muna yung ilaw nang sa ganun ay dilim lang ang pumalibot at saksi sa ginagawa namin ngayon , sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay handa akong ibigay ang lahat sa kanya.

I DATED AN ANTI FAN Where stories live. Discover now