Sa Buhay, dapat marunong Kang lumaban tungo sa sarili mong tagumpay. Dahil darating ang oras na susubukin ka ng panahon. Mga minutong gusto mo nang sumuko pero kailangan mong tumuloy sa bahagharing iyong dinaraanan. Kapag may katwiran ka, dapat sa TUWID ka kakampi. Dahil mas mabuting mamatay sa katutuhanan kaysa mabuhay sa kasinungalangan at mapaglinlang na mundong ginagalawan. Dahil ang kabutihan sa kapwa ay madadala sa kabilang Buhay. Ngunit ang KASAMAAN sa lupa kailan man'y di mabubuhay sa alala ng naiwan. Walang impossible kung gustuhin mong makuha ang iyong nais. Pero kung alam mong di pwede, umiwas ka na. Dahil masasaktan ka lang. LAHAT Tayo may karapatang magmahal, pero dapat marunong tumanggap at magpatawad. Walang perpekto sa Mundo, pero Minsan yong mga Hinala nagiging Tama. Kung pwede pang ayusin, huwag ng patagalin pa. Dahil sa bawat oras na nasasayang, ay sya ring daming nababagong pag-asang humahantong sa Wala. LAHAT Tayo may damdamin. Minsan marupok at Lalo lang nasasaktan. Pero Hindi iyon ang katapusan. Maraming bagay ang pwedeng Gawin para sa ikabubuti ng marami. But in reality, aminin man natin sa hindi, humahantong Tayo sa maling Tadhana. Minsan nga, kung kailan handa kana mahalin sya Saka Naman may mahal na syang iba. O kaya, Gusto ka man nya ipaglaban, pero di na pwede. Kasi may tao ka na iniingatan. At Minsan, sa di inaasahang pagkakataon ay bigla nalang Tayo makakakilala ng mga taong babago at makakasama natin sa Buhay sa maikli o mahabang panahon. But mostly, at the end of the day, nawawala Sila sa Buhay natin. Tanging Sarili nalang natin ang kakampi sa Buhay. Dahil LAHAT ng bagay ay magbabago, Lalo na Ang tao. Masakit tanggapin, ngunit iyon ang katutuhanan. Bilang Persona, dapat alam natin ang takbo ng Mundo sa pang araw-araw na Buhay. Kahit na alam natin mahirap magpakatao ngunit madaling maging tao. Dahil ang tunay na tagumpay, saya at kalayaan ay nasa puso't-isipan.
7 parts