𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹

2.7K 158 47
                                    

CJ's POV:

School building ba talaga 'toh? Parang mas papasa pa'tong Haunted Building eh. Nakakatakot. Creepy. Tas yung feeling na parang may nakatingin sayo? Panay rin ang lingon ko salikod.

Mamaya nyan nay nakasunod na pala saking mumu!

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may biglang kumalabog. Kasunod non ay may narinig akong yabag ng paa na palapit saakin kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Bumilis di ang yabag ng paa na para bang hinahabol ako kaya sobrang bilis na ng lakad ko ng may biglang

"Miss--"

"AY KABAYONG BUNTIS! TANGINA!" Sigaw ko sabay angat ng kamao ko. Pero agad ko ring binaba ng mapagtanto kong teacher pala.

umayghad! paktay tayo neto!

"Ano ba kayong mga kabataan ngayon?! Aba eh mas malulutong pa kayo magmura kesa samin ah?" Sabi ni Sir. Oo. Sir.

"S-sorry Sir. Nagulat po kase ako hehe." Sabi ko sabay peace sign. Natawa nalang siya tsaka ginulo ang buhok ko.

Kalma selp! Teacher yan! Bawal saktan!

"I'm Kylo Langston. Adviser of Section 5." Pagpapakilala ni Sir Kylo. "Are you the transferee?" Dagdag na tanong niya.

"Yes po Sir." Sabi ko habang nakayuko.

"Ah. Sge tara na. Sumunod ka sakin." Sabi niya tsaka naunang maglakad.

Sumunod lang ako saknaya. Habang naglalakad ay tinitingnan ko yung mga bakanteng classroom. Ang gaganda pa sana. Kaso puro vandalized. Pero maganda parin eh. Konting pintura lang tapos spray paint okay na.

Dahil sa pahtingin tingin ko ay hindi ko napansing tumigil si Sir kaya nauntog ako sa likod niya.

Infairness ang tigas ng likod ni sir. tengene eng seket!

Hinimas himas ko yung noo ko. Ang sakit mga tol!

"Ano pang ginagawa niyo dito? Pasok na. Magsisimula na ang klase." Sabi ni Sir na parang may kinakausap.

Ay selp 'wag tanga. Meron talaga siyang kausap.

Tiningnan ko kung sino yung kausap niya pero likod nalang ang nakita ko sakanila. 3 sila at sa tingin ko ay lalaki sila. Nakita ko pa na may hawak silang upos ng sigarilyo. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at nakaramdam ako ng pagkasabik.

Oo. Naninigarilyo ako NOON. Itinigil ko din at ginawang pamalit ang lollipop. Atleast may nakasalpak sa bibig ko kaya hindi ko na masyado hinahanap hanap yung sigarilyo.

Nagpatuloy sa paglalakad si Sir tsaka pumasok sa room na maingay. Dito na ata classroom ko. Tiningna ko yun at mas malala yung ma pader dito. Pati narin yung pinto may kung ano-anong nakasulat.

"Please sit down and be quiet." Sabi ni SIr habang papasok. "We have a new student." Sabi niya tsaka sumenyas saking pumasok.

Pumasok ako with poker face. Para kunwari snob tayo HAHAHAHAHAHAH.

"Please introduce yourself." Sabi niya na agad ko namang ginawa.

Bago ako makapagsalita ay may biglang sumigaw.

"UY! MISS 'I DON"T CARE'!" Sigaw ng kung sino kaya agad akong napalingon sa kung sino yung sumigaw na yun at agad na sumama ang tingin ko.

Taga dito pala 'tong kumag na'to?

"Mr. Cohen! I said quiet!" Sigaw ni Sir kaya tumahimik lang si Kyle pero nakangisi parin.

Sinenyasan ako ni Sir na magpatuloy.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now