CHAPTER 16

5.6K 142 1
                                    

Talk

Pagod na sumandal ako sa swivel chair habang naka pikit ang mga mata.

Tiningnan ko ang pangbisig na relo, alas nuwebe na pala ng gabi.

Bumuntong hininga ako bago tumayo at kinuha ang coat na naka sabit sa likod ng aking swivel chair kinuha ko na rin ang shoulder bag ko bago lumabas sa aking opisina.

“Kate? bakit hindi ka pa umuuwi?” takang tanong ko nang makita ko itong nagtrarabaho pa rin

“ah Miss Lanna good evening po, tatapusin ko lang po itong mga gowns na isinulat nyo para maipatahi na po sa team.” saad nito

Tumango tango ako “basta make sure you lock the office when you got home okay?” bilin ko tumango na lang ito sa akin.

Pagka labas ko nang opisina ay saka ko lang natanto na wala pala akong dalang kotse.

Papara na sana ako nang taxi ng mayroong pumaradang sasakyan sa aking harapan.

Bumukas ang bintana nang kotse at bumungad sa akin si Luke na naka ngiti.

“hey Lanna hop in.” naka ngiti nitong saad

I smiled at him bago sumakay sa passenger seat ng sasakyan nito.

Ang huli naming pag uusap ni Luke ay nuong dinalaw nya ako nang ilang beses sa hospital at ngayon ay nakita ko na naman sya.

“how are you?” tanong nito sa akin habang naka focus ang tingin sa pag mamaneho

“Im fine, you, how are you? nung huli tayong nag kita ay na sa hospital ako.” mahinang saad ko

“Okay lang naman ako, by the way bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?” nagtataka nitong tanong

“ah isinabay na lang kasi ako kanina ni Zeus sa mga bata na ihatid.” mahinang saad ko habang naka hilig sa salamin nang kotse.

“oh, so kamusta kayo ni kuya?” mahinang tanong nya

Bumaling ako sa kanya naka ngiti ito habang diretso lang ang tingin sa daan.

“w-what? Wala,nhindi pa kami nakaka pag usap pero okay na rin naman sya sa mga bata.” mahinang saad ko

“hmmm. that’s good pero kailangan nyo ring mag usap dalawa.” saad nito bago ipinarada ang sasakyan sa harap nang gate ng bahay.

“yeah I know that. sige salamat sa pag hatid.” saad ko

“you're very much welcome.” naka ngiting saad nya

Binuksan ko na ang pinto ng kotse saka lumabas at naglakad papunta sa harap ng gate.

“ingat.” saad ko kay Luke tumango na lang sya bago tuluyang pinaharurot ang kotse.

Papasok na sana ako ng gate ng may nag salita sa gilid hindi kalayuan sa akin.

“so? si Luke ang sumundo sayo?” malamig nitong saad

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyun at nakita ko si Zeus na naka sandal sa labas ng kanyang kotse habang madilim na naka tingin sa akin.

Tumikhim ako bago sya sinagot.

“yes. what’s wrong with that? at saka you know, wala akong kotse.” I said while looking at his dark eyes.

“tinawagan mo na lang sana ako. susunduin naman kita.” malamig nitong saad habang naka tiim ang kanyang mga bagang.

I rolled my eyes.

“okay na nga 'di ba at saka hindi na kita inistorbo.” saad ko

Nagugulahan ako sa kanyang inaakto. Why is he being like this all of the sudden?

“tsk don't tell me you're flirting with my brother, Zian.” saad nito habang umiigting ang panga. My jaw dropped because of what he said.

“what are you talking about!? ano bang mali sa paghatid sa akin ni Luke pauwi ha? nag kataon lang naman iyun ah, teka nga ba't ba ako nag e-explain at saka bakit ka galit?” nalilitong tanong ko rito

“I am jealous Zian! Don't flirt with my brother! You're mine! mine and mine alone! Baby can't you understand it?” nanghihinang saad nito

Nakatanga lang ako sa kanya habang sinasabi nya iyun.

“you know what? I think we really need to talk. Pero hindi dito kasi alam mo kanina pa ako nilalamok” saad ko

“yeah we need to talk. Get inside my car“ malamig niyang saad

Pagod akong napabuntong hininga bago naglakad sa pinto ng kanyang kotse at saka pumasok roon.

Makalipas ang ilang minuto’y binuksan nya rin ang driver seat at seryosong umupo roon.

Malakas ang kabog ng puso ko at rinig na rinig ko iyun.

Kung ano man ang pag uusapan naming dalawa sana maayos ang patutunguhan nito.

I just want to end this day peacefully.

My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now