SIX

3.9K 98 11
                                    

Mas lalo akong humanga habang pinagmamasdan si Juaquin nang magsimula ang basketball game. Kakampi niya ang mga tropa niya na sina Jordan, Andrei, Phillip at Howard. Matatangkad ang grupo nila kaya lugi ang kalaban.


Mahigpit ang depensa ng kalaban kaya nahirapan si Jordan kung paano mapapasok ang bola sa ring. Tumakbo naman sa direksyon niya si Juaquin at hinihintay na ipasa sa kanya ang bola.



"Go Jordan!!!" sigaw ng mga estudyante nung ma-shoot ni Jordan ang bola.



Ilang 3 point shots din ang nadagdag nina Andrei, Phillip at Howard kaya tambak ang kalaban sa 1st set ng game. Kaagad silang lumapit sa pwesto ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Juaquin nang abutan ko ng tubig sina Jordan.



Umupo sa tabi ko si Juaquin habang hinihintay na magsimula ang 2nd set. "Bakit di kita nakitang nag-cheer sa'kin kanina?" he whispered at me.



I cleared my throat. "Ahh, kasi marami na kayong supporters kaya hindi na siguro ako kailangan."




"Hindi naman sila yung gusto kong marinig." he murmurred.



Lumapit ako nang bahagya sa kanya. "A-Anong sabi mo?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinabi niya.




Tumayo siya agad nang pumito ang referree. Kagaya ng sinabi niya ay pilit akong sumasabay sa pagsigaw ng bawat estudyante kapag nagkakapuntos ang team nila. Napansin kong mas ginanahan ang team nina Juaquin kaya sila ang nanalo.




Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang pagyakap ni Venice kay Juaquin pagkatapos ng game. Agad naman kumalas si Juaquin mula sa yakap ni Venice at tumakbo palapit sa akin. Kaagad kong inabot ang tumbler niya na may lamang tubig.



"Congratulations! Ang galing niyo." pagbati ko kay Juaquin.




"I'm a strict captain so they had no choice but to be great." pagmamayabang niya.




"Uuwi ka na ba? Gusto sana kitang yayain sa first d-date natin..." I asked him while looking on the ground.




He chuckled. "Sige, maliligo lang ako tapos alis na tayo agad."




Nasa labas ako ng restroom habang naghihintay kay Juaquin. Bigla akong kinabahan nang maalala kong hindi pa ako nakakainom ng gamot. Mabilis kong binuksan ang aking bag para hanapin iyon nang bigla akong umubo na may kasamang dugo.



Oh god, please I need more time to be with him...



I already made my plans for our future dates that will last for 3 months, so please have mercy on me...



Allow me to share my last breath with him by my side...



Gamit ang aking panyo ay pinunasan ko ang dugo sa aking bibig. Binalik ko agad iyon sa bag nang makita ko siyang lumabas ng restroom. Nginitian ko naman siya agad nung mapansin kong nagtataka siya sa kinikilos ko.




"Saan mo ba ako dadalhin?!" galit na tanong ni Juaquin habang hawak ko ang palapulsuhan niya.



I looked at him from behind. "Basta."



Nakarating kami sa tapat ng isang karenderya malapit sa school. Alam kong hindi siya kumakain sa mga ganitong kainan, pero ito lang kasi ang kaya ng budget ko. Gustuhin ko mang makipag-date sa kanya sa mga magarang restaurant ay di ko naman iyon afford.


Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now