♡-Part twenty three

961 28 1
                                    

Part 23: The suspect

Ashley's POV.

“Dad, wala silang kasalanan!”lalo akong naguluhan sa sinabe ni jenny.

“Hon, tama na.”

“I repeat, we're here to visit your son. Not you!”madiin na asik ni Cleo.

“Bastos ka!”asik ni tito Arnold.

“Bakit ba galit na galit ka sa'min?”lumapit pa si Cleo kay tito Arnold na pulang pula na sa galit. “I thought you were smart, but you fvcking believe of that fake evidence!”

Napasigaw kami nang biglang suntukin ni tito Arnold si Cleo,“Watch your words, Maverick!”

Nakaawat na silang tatlo kay tito Arnold habang ako, nakahawak na kay Cleo nang hindi ko manlang namalayan. Agad ko namang binitawan ang braso niya.

Walang emosyon ang kaniyang mga mata nang masalubong ko ito. Bahagyang kumirot ang puso ko nang bumalik sa isip ko ang lahat-lahat pero agad ko ring pinalis ito sa isip ko.

Nilingon niya si ma'am Therese na halos maiyak na.
“I told you mom, walang magandang idudulot ang pagpunta natin dito.”

Sandali akong natigilan nang makitang pinahiran niya ang kaniyang labing may sugat.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit parang gusto kong ako nalang ang magkaroon ng sugat para hindi na siya masaktan?

Napapikit ako sa halo-halong emosyon.
‘Ano ba ashley? Tumigil ka!’

“I told you too son, just talk kindly not disrespectful and sarcastic!”

Agad din akong napamulat nang hindi pa rin natatapos ang kanilang sagutan.

Hindi ko dapat pairalin ang nararamdaman ko ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon. Magulo at hindi maintindihan.

“Bro...”

Napalingon ako kay Louis nang marinig ang may halong pakiusap nitong pag-awat.

“Don't call me bro!”napapikit ako nang hindi pa rin huminahon si Cleo.

“Umalis na kayo rito, bago pa ako magpatawag ng guard para ipakaladkad kayo palabas!”hindi nila pinansin si tito Arnold habang nakahawak kay tita na halos maiyak na rin.

“Why? I have rights to tell everyone...”kumawala ang mapait na ngiti sa labi ni Louis. “That you're my brother.”

Para akong nabingi sa narinig ko, natulala ako sakanika habang paulit ulit na umuugong sa pandinig ko ang huling linya ni Louis.

Parang masisira ang ulo ko sa mga nalaman ko ngayon! Gulong gulo ang utak ko habang nakatingin sa kanilang lahat.

Nakangisi na si Cleo nang mapunta sa kaniya ang paningin ko. “Akala ko natatakot kang malaman ng iba na magkapatid tayo sa tatay, Louis!”

“Pakiusap! Wag niyo nang bungkalin pa ang nakaraan, bilang respeto kay Wohan!”

Para na akong tanga na nanonood ng isang palabas sa harapan ko.

Sa puntong ito. Silang dalawa naman ang magkaharap. Ramdam ko na ang tensyon na namumuo sa pagitan nila!

“Oo tama ka, pero habang tumatagal napagtanto ko na walang sekretong hindi nabubunyag.”tila naging iba si Louis sa paningin ko sa isang iglap.

“Huling banta! Umalis na kayo rito!”

“Pakiusap, umalis nalang kayo Therese.”tila natauhan sila nang makiusap si tita Grace, umiiyak na.

Tinignan ko sila isa isa, hindi ko masabi kung sino pa ang may tinatago at kung sino pa ang may maling nagawa.

Parehong walang emosyon at naging misteryoso ang kanilang mga mata.

******

“Pasensya na talaga teh kung hindi ko nachika sayo ang tungkol sa buhay ko,”

Tulala lang ako sa bintana ng kwarto ko pero ang pandinig ko ay naka pukos kay Jenny.

Napapabuntong hininga nalang ako.

“Hindi ko masabi sayo na magkapatid si pres Cleo at kuya Louis sa ama dahil ayaw nga nilang lumabas ang balitang 'yan.”

Tumabi siya sakin.
“Ayaw nilang ipaaalam na nagkaroon ng anak si tito Wohan kay mommy,”

Ibig sabihin anak sa labas si Louis. Bakit hindi manlang sumagi sa isip ko na magkapatid sila? Gayong magkapareho sila ng mata at kung titignang mabuti ay halos magkatindig din sila.

Kahit papano ay naiintindihan ko na rin ang mga nangyayari. Kaya pala galit si tito Arnold kay tita Therese dahil nagkaroon ng relasyon ang kanilang asawa dati pero parang may kulang pa rin.

Nagulat ako nang humikbi si Jenny kaya hinarap ko na siya. “Woy? Ano kaba? Hindi ako galit, okay na sakin ang lahat.”pag aalo ko sakaniya.

“Ang totoo nyan, hindi lang talaga 'yan ang dahilan kung bakit galit si daddy kina pres Cleo.”

“Huh?”parang hindi pa na absorb ng utak ko lahat ng impormasyon tapos hindi pa pala 'yun ang dahilan.

Pinahiran niya ang kaniyang luha at hinarap ako. “Si tita Therese kasi...”parang nag alinlangan pa siyang magsalita kaya hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya na nagsasabing handa akong makinig. “Siya ang suspek sa pagnakaw ng malaking pera namin sa bangko.”nabitawan ko bigla ang kaniyang kamay sa gulat.

“A-ano?”dahan dahan siyang tumango na nagpatigil sa'king paghinga.

“Naniniwala akong hindi niya 'yun magagawa pero...”napahikbi siya.“Naka pangalan sakaniya ang lahat ng ebidensya na natagpuan. Hindi ko na alam ang gagawin ko teh,”

Niyakap ko siya para patahanin.
“Shh! Hindi pa naman napatunayan, kaya may pag asa pang hindi talaga si tita Therese ang may kasalanan.”

“Paano kung siya talaga ang nagnakaw teh? Paano kung dahil sa galit niya sa pamilya namin ay magagawa niya talaga yun? Natatakot ako teh, natatakot akong malaman yun.”

Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko. Kilala ko si tita Therese at masasabi kong mabait siya at hindi niya kayang gumawa ng ganoong bagay.

******

“Kamusta?”napalingon ako sa boses na 'yun.

Si Louis.

Ibinalik ko na ulit sa langit ang paningin ko, nandito kami sa rooftop ng ospital.

“Ganon parin.”tumabi siya sakin.

“Galit ka pa rin ba sa'kin?”tanong niya.

Saglit ko siyang tinignan at napabuntong hininga. “May dahilan paba para magalit ako sayo?”napangiti siya.

“Sinalo mo ang bala na dapat ay sa akin tapos nakapagpaliwanag ka naman,”tipid akong ngumiti.“At isa pa, kaibigan mo lang ako. At ang kaibigan ay hindi kailangan malaman ang lahat.”

Nang lingunin ko siya ay sandali akong natigilan nang biglang lumamig ang ekspresyon niya. Kahit ngumiti siya sa'kin ay parang may mali na at kulang.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now