Chapter 28: Hail Mary

306 2 0
                                    

Creepy story 6
xxx file || horror
Dedicated to: Soleil, Anstrelle, Andrius Ace Salazar, Kate, Anne Nicole Santos, Michelle, Bleeding, and Zia Riego
December 19, 2022

Mag gagabi na at katatapos lang ng practice namin para sa cheer dance.Grabe kapagod talaga‚ lalo na kung ikaw yung laging itataas at inihahagis. Medyo nakakakaba pero sanay na din naman ako.

Tumingin ako sa paligid na ngayon ay madilim na pala. Kami nalang pala ang natitira dito sa school na ‘to.

Habang naglilibot ang mata ko para tingnan kung may tao pa sa mga building dito sa school ay nakaramdam ako ng pagka ihi kaso paniguradong naka lock na lahat ng cr sa mga building na ito.

Ngunit may isang laging naka bukas na cr sa lumang building. Ewan ko kung bakit pero iyon lang ang Hindi nila sinasarhan. Pero malaki pa din ang pag tataka ko kung bakit.

Gusto ko sanang mag pasama sa kasama ko‚ pero nang lingunin ko sila ay wala na sila, ako nalang pala ang mag isa.

Maraming sabi-sabi tungkol sa cr at syempre sa building na iyon. Ginagamit pa din naman pero madalang lang lalo na pag kulang ng room na pede nilang pag-practican o ano mang gusto nilang gawin. Bawal kasi ang mag pakalat kalat sa labas kaya sa lumang building nalang sila nagtitiis.

Wala nakong magagawa dahil ihing ihi na talaga ako kaya kahit na takot man ay pumunta na ako kaagad doon.

Habang papalapit ako ng papalapit sa lumang building na ay ramdam ko ang lamig ng paligid. Medyo kinakabahan nako dahil parang may nakita ako sa taas na tumatakbong bata pero binaliwala ko na lang at baka nammalikmata lang ako.

Nasa second floor yung cr kaya need pang umakyat .

Ground floor pa lamang talagang dama ko nang parang may dumadaan saakin na mga espirito, lalong lumakas ang simoy ng hangin na naging sanhi ng panginginig ko. Niyakap ko ang sarili ko at umakyat na kung nassaan ang cr.

Pag upo ko ay lalo pang lumakas ang hangin.

"T-teka, liblib na to para pasukan pa ng h-hangin ah." Nangilabot ako. Pinikit ko ang mga mata ko at kumanta nalang sa isip para mabawasan ang pangingilabot ko.

Pagkaraan ng dalawang minuto ay nakaramdam ako na para bang may nakatitig sakin. Ayaw ko sanang buksan ang mata ko pero di ko mapigilan parang may kumokontrol at tignan ko iyon.

Pagkadilat ng mata ko ay nakita ko ang lalaki na sugatan sa ulo, malalaki ang mata, at madaming pasa sa mukha.

Sa sobrang lakas ng pag tibok ng puso ko ay di ako makagalaw at makatakbo. Nang silayan ko ang sa may pinto nakita ko naman na may nakabitin na batang babae. Wala ng buhay dahil nagpatiwakal na ito.

Ramdam ko na may bumubulong sa tabi ko. Di ako makahinga dahil sa sobrang takot. Ayaw kong lingunin pero may humawak sa ulo ko na mas lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Iniharap nya ang ulo ko sa tabi kung san may bumubulong at nakita ko ang babae na may n#kat#rak na kut##lyo sa kan'yang leeg. Para bang nanghihingi s'ya ng hustisya sa akin. Pero paano? Madami nakong napapanood pero kung ako man ung hihingan ng tulong e mamam#at#ay ako dahil sa takot.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ng lola ko.

"𝘈𝘱𝘰, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘨𝘶𝘭𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 '𝘩𝘢𝘪𝘭 𝘮𝘢𝘳𝘺' 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘣𝘰𝘺 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘨𝘶𝘭𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘮𝘰 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴---"

Dali dali akong nag sign of the cross at dinasal ng mabilis ang hail mary, pero nang nasa kalagitnaan ko ng pagdadasal ay dinig ko na parang sumasabay sakin. Idinilat ko ang mata ko at tama nga ang hinala ko. Nakita ko ang tatlo kasama ung napansin kong tumatakbo sa top floor ay sumasabay sa dasal ko habang nakatingin sakin at nakangiti na abot hangggng tainga. At sa dulo ay bigla silang tumatawa.

Tinakpan ko ang mga tainga ko para di ko sila marinig, bakit ganon? Nagdasal naman ako ng hail mary tap-- holy moly buaca moly. Sabi nga pala ni lola na wag bilisan ang tanga tanga mo naman.

Dahil di ko na nakayanan ang takot ay nagdasal na ako kaagad ng turo sakin ng lola ko. At sa ngayon ay binagalan ko at nasa puso ko na ang pagsasambit g bawat salita ng dasal na iyon at unti unting nawawala ang mga tumatawang mga espirito at nawawala din ang lamig ng aimoy ng hangin.

Kaya dali dali akong bumaba at umalis na sa lumang gusali na iyon at lumabas na sa eskwelahan.

Tumulo ang luha ko sa mata dahil first time kong maka experience ng mga ganoon. Pero ramdam ko ang pananakit ng likod at ng mga braso ko. Ang bigat sa pakiramdam.

Buti nalang at may nadaanan akong malaking gusali kung saan pwede kang magsalamin, aayusin ko kuna ang itsura ko.

Pero pag harap ko sa salamin ay nakita ko na naka patong sa likod ko ang apat na espiritong gumugulo sakin kanina, nakatingin sila sakin at nakangiti.

Akala ko tapos na pero nagkakamali ako. Nalaman ko na ang lumang gusali na yon ay isang suic#dal building na kung saan marami ang nagpapakam#tay at sino man ang pumasok doon ay guguluhin ng mga espirito at hindi sila titigil hangga't di mo sila nagiging kabilang, sa madaling salita ay kailangan mo ding mag pakam#t#y at kabilang na din sa mga manggugulo sa mga pumasok sa gusaling iyon. At habang buhay kona silang bibitbitin hanggang di ako magpapakam#t#y.

Its_GoldenDarkness || I.G.D

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now