23

217 14 8
                                    

MAUIE'S POV

"Date tayo later Mi" napatingin ako kaagad kay Ai na syang nagsalita.

Kasalukuyan ko kaseng nasa opisina nila ni Brielle ng mga sandaling ito. Nakatambay ay naghihintay ng oras.

Sus, hindi pa sabihin ayaw mo lang talagang mawalay sa kanya kaya ka laging nandito sa opisina nila ni Brielle.

"Are you asking my Ai?" Tanong ko pa. Katatapos lang din ng Schedule nya for operation at si Brielle naman ang naka toka ngayon sa operating room.

"Nope? I'm forcing you"

"You don't need to force me. Kahit hindi mo ko pilitin sasama ako sayo."

Kita ko namang namula ang pisngi nya pero tinago nya agad yun at bumaling ang tingin sa ibang Direksyon.

"Hala sya kinikilig" pang aasar ko pa sa kanya

"Heh, manahimik ka nga. Nagyayaya lang naman ako makipag date ehh. Pansin ko na hindi pa tayo kumalabas ulit pagkatapos ng birthday ko"

After her birthday kase ay naging busy naman kami pareho dito sa hospital. Ako sa isang pasyente ko na si Xyrus na lumubha ang kalagayan.

Hindi na kinakayanan ng katawan nya ang mga gamot kaya kinailangan na syang operahan kaso natagalan din kase kami sa paghahanap ng donor nya. Hanggang sa binawian na sya ng buhay kamakailan lang.

Malungkot syempre, ito yung isang bagay na ayaw kong mangyari sa mga taong nahahawakan ko. Napalapit na ko sa kanila ehh tapos bigla silang mawawala? Ang sakit sakit sa dibdib.

Ai is there to comfort me. Hindi nya ko iniwan at halos gabi gabi talaga kaming nasa lamay ng bata. First ever patient ko sya na hindi ko nailigtan. Akala ko nga mawawalan na ko ng ulirat dahil sa hindi ko tanggap ang nangyari sa bata.

Naawa din ako sa magulang nya, nawalan sya ng anak. Pero mabilis akong naka recover gawa ng hindi nga ako iniwan ni Ai. Ilang araw din nya kong sinasamahan matulog sa bahay. Nag aalala daw kase sya na baka mapano ako. At ngayon ngayon nalang ako nakakabawi ulit.

Ang swerte ko sa taong minahal ko. Napaka soft ng puso nya talaga. Kung ano sya ng unang araw na makita ko sya. Sa limang taon na lumipas? Ganoon pa rin sya.

Sya pa rin yung Thea na minahal ko ng lubusan. Sya yung Thea na hinangaan ko sa maraming bagay. And now? Here we are. Asking for a date? Of course hindi natin palalampasin yan.

"Come here Ai" turan ko.

Lumapit naman sya at tumayo sa harap ko.

Sinenyasan ko naman sya na maupo sa lap ko.

"Hey, baka bigla nanamang pumasok si Brielle or kung sinong tao dito sa loob. Nakakahiya"

"Hahaha, then lock the door instead?"

"Edi lalong nag isip yon?"

"Ano ba sa tingin mo ang gagawin naten? Pinauupo lang naman kita sa lap ko ehh. Dali na nangangawit ako ohh" wika ko pa.

Naka awang kase ang dalawang kamay ko para salubungin sya. Pero hindi nya ko sinusunod dahil sa nag aalangan sya. My poor baby.

Lumayo sya sa akin at nagtungo sa pinto at niloco iyon kaya napangiti nalang ako.

Muli kong inilahad sa kanya ang aking mga kamay at sa wakas ay lumapit na sya sa akin at naupo sa lap ko. Noong una ay nagtataka pa ko dahil bakit parang walang bigat.

"Baka mangawit ka. Mabigat ako" sagot pa nya

"Nahhh ikaw mangangawit sa lagay mo nyan ehh. Upo ka ng maayos." Sumunod naman sya at yumakap sa akin bigla.

Changes In My LifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz