CHAPTER 12 - RIVALRY

16 2 0
                                    

LIV

Kakatapos lang ng 2 Day Concert ng SB19 and now nag peprepare naman kami para sa World Tour. Naging busy din ako sa daming contents and edits na need ko pa tapusin.
Pati na din sa pictorial for the Album na ilalaunch nila.

"Snacks, kumain ka kahit busy."
Inabot sakin ni Paulo yung paper bag na dala nya.

"Thanks."

Dumiretso na sya sa board room kasi nandun na din yung iba para sa meeting. Marami pa silang need iprepare din, halos wala na din silang tulog sa preparation, lalo na sya as CEO. Di na rin sya nakakauwi ng Cavite, kaya pag may time ako na lang ang pumupunta kala Tita at Tito para bumisita.

Tumagal ng 4 hours yung meeting nila, too long for walkthrough meeting. Dapat kasi finalization na lang yun eh, nakita kong lumabas si Paulo at Kuya Yani diretso sa elevator. Mukhang naka chona mode na naman sya..

"Kahit ako maiinis nun, Stell, pero tama si Kuya Yani at Ate Bea. We have no choice." sambit ni Josh at pabagsak na naupo sa sofa

"Kalma lang kayo, kaya ni Pau yun. Yun pa ba?" Dagdag naman ni Ken sabay upo sa tabi ko, naupo din si Justin sa gilid ko para icheck yung iniwan nya kanina.

"Ay naku! kung ako si Pau, wag syang pumayag. Tss. Hanggang ngayon yung inis ko about rooftop!" Inis na tono ni Stell.

"Kahit ako nahihirapan sa situation. Pero wala e, no choice.." malungkot na sabi ni Justin

"Teka, can someone tell me ano bang nangyayari?" Tanung ko sa kanila.

Nagtinginan muna sila bago ako muling tingnan kaya mas lalo akong kinabahan,

"Ako na mag eexplain.." sabi ni Josh

"Mabuti pa." Dagdag naman ni Justin

Umayos ng upo si Josh at humarap sakin,

"Nagback out yung concert producer sa US, e sold out na lahat ng tickets dun.." pauna nya

Para naman akong nadismaya sa mga nangyari, e ilang states ng US yung naka sched for concerts tapos walang producer? Pano yun

"Kaya pala problemado mukha nya kanina.."

"But may nang offer naman na producer sa US, pero nag aalangan kaming tanggapin.." dagdag nu Josh

"E bakit naman, kesa magmulta ang 1Z, mas ok na tanggapin na lang yung offer." Totoo at tama naman ang sinabi ko. Mas ok yun kesa lumaki pa ang damage.

"Ang problema, yung producer e... Anak ng ex ni Pau.." bumwelo muna si Josh bago nya tinuloy ang sinabi nya.

Di ko alam kung ano magiging reaction ko sa narinig ko ngayon, kaya wala na akong nasabi pa.

"Di naging ok yung break up nila eh,  She leaked all of compositions ni Pau na para sana sa debut namin, then di na nahabol kasi wala naman kaming proof." Sabi naman ni Justin

"Kaya yung ipagkatiwala natin yung concert natin sa kanila, baka maikutan lang tayo ng nangyari dati.." sabi naman ni Stell.


Di ko alam kung anong sasabihin ko, for sure nahihirapan si Pablo magdecide. Gusto ko syang imessage o lapitan pero di ko alam kung pano ko sya matutulungan.

It's passed 10pm, pero nandito pa din kami sa 1Z, nakapwesto na ng higa yung apat sa bawat corner, pero si Pablo nasa office pa din nya dahil sa daming paper works.

"Liv, magpahinga ka muna.. bababa kami sa studio dun na kami magrerest muna ni Xi Ann pati ng iba. Sunod ka dun." Yaya ni Ate Bea.

Ngumiti ako kay Ate Bea, "sige Ate."

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now