ARRANGED MARRIAGE The Casanova

12.2K 64 4
                                    

Kontento na si Darrina Manaig sa buhay niya. May maayos at masayang pamilya, may mga kaibigan at nakakapag-aral pa siya sa pinakamalaking unibersidad sa kanilang bayan sa tulong ng Marciano Rodriguez Foundation, Incorporated. Planado ang mga gagawin niya sa kinabukasan kaya wala siyang panahon para sa ibang mga bagay.

Hanggang isang gabi ay naging panauhin ng kanyang ama si Don Marciano na pormal na hinihingi ang kamay niya para sa isa sa mga apo nito. Siyempre pa ay tumanggi siya! Kahit malaki ang utang na loob niya kay Don Marciano at nasa kasunduan nito at ng kanyang ama ang ukol sa isang kahilingan ay nunca siyang magpapakasal kay Cayel Rodriguez-ang lalaking wala yatang ginawa sa buong buhay nito kundi magbilang ng mga babae.

Author: Dani_Alba

The Best Stories on WattpadWhere stories live. Discover now