Chapter 16: PROMISES AND NECKLACE

373 71 2
                                    

Catiana POV

It's Sunday kaya nasa bahay lang ako ngayon tsaka wala rin naman akong gagawin o pupuntahan kaya napag isipan ko na mag stay na lang ng bahay. Mom and Dad is not here at panigurado nandun sila sa company while Yaya Sisa is in the kitchen.

I was checking my email using my laptop dito sa living room when suddenly someone spoke behind me at nagulat ako kung sino ito.

"Hey, Cat?" Pagkuha nito ng atensyon ko. It was Liam, hindi na rin ako magtataka kung bakit ito nakapasok agad ng bahay dahil kilala naman na siya ni Kuya Rene, he's our guard dito sa bahay.

Agad akong nakaramdam ng hiya matapos maalala ang nangyari kagabi, for sure ay namumula na ako ngayon. Napatayo naman ako sa pagkakaupo at hinarap siya.

"Oh, Liam. What brings you here?" Tanong ko dito, pinapatay ang hiyang nararamdaman ko.

"Ah, I came to-ah." hindi nito matukoy tukoy ang sasabihin at napakamot pa ito ng noo.

Pumamewang naman ako tsaka biglang natawa.

"Liam Rodriguez, your action is a bit weird ah?" saad ko sa kanya kaya natawa naman siya.

Pinili muna nitong umupo sa couch kasabay ng pagbuntong hininga nito.

"Look, I'm sorry for what happened last night. I shouldn't have done that." saad nito, napansin kong namula pa ito kasabay ng pagkagat nito ng kanyang labi. Napatawa naman ako.

Pero ano? He shouldn't have done that? Tsk.

"Look Liam, it's okay." nasaad ko na lang.

"But Cat, I kissed you!" Naramdaman kong nag init ang pisngi ko dahil sa hiya, medyo may kalakasan rin ang sigaw nito dahilan para takpan ko ang bunganga niya. Napatingin ako sa kabuoan ng bahay dahil baka may nakarinig sa kanyang sinabi lalo na si Yaya Sisa. Pero parang busy naman ang lahat sa mga ginagawa kaya napahinga naman ako ng maluwag.

Tiningnan ko si Liam ng nakakamatay.

"Kinakailangan ba talagang isigaw mo yun?" Bulong kong saad sa kanya.

Hindi na ito nagsalita at tumayo na ito sa pagkakaupo kasabay ng paghawak sa kamay ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"You know what? Let's go out. Let's have some ice cream." saad nito para mapangiti ako.

Galing ah?

Umalis kami ng bahay para pumunta sa playground na dati naming tinatambayan habang kumakain ng ice cream. God, I miss this.

"It's been three years." saad ko habang inililibot ang mga paningin ko sa buong playground.

We are sitting in one of the benches here while eating ice cream.

"Yeah, kaya nga na miss ko 'to." usal ni Liam dahilan para mapatingin ako sa kanya. I saw how he smile sadly.

"Is there something bothering you?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin naman ito sakin.

"Nung umalis ka, masyado akong nangulila sayo. Dahil siguro hindi rin ako sanay na malayo ka, all my life Cat, I've been always relying on you. That's why, when I didn't hear anything from you, I was so worried." saad nito. Napayuko naman ako.

I really don't know what to say.

"I'm sorry Liam, I'm sorry kung pinag alala kita ng husto." Nasaad ko na lang. Napailing naman siya.

"It's okay, the important thing is, you're here now. The truth is, I want to get mad at you so bad pero Cat, hindi rin kita matiis." saad nito, naramdaman ko namang namula ako.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now