Chapter 16 ~ MAFIA

1K 20 0
                                    

•Third Person POV•

Nagkagulo ang hacienda de Monteverde dahil sa pagpasok ng mga armadong lalaki.

Natunton kasi ng mga kalaban ang kinaroroonan ng assassin na pumatay kay Mr. Chu. Limang van ang sapilitang pumasok sa hacienda.

Samantala nagmadali namang pumunta sa weapon room ang buong pamilya ni Ysabela.

Nagulat si Mikhail nang makita ang collection ng mga armas ng pamilya.

Hindi niya akalain na kayang humawak ng mga sandata ang buong pamilya ng babaeng pinakamamahal niya.

Kanya-kanya itong suksok ng baril at patalim bago nagmamadaling lumabas ng silid.

Sandali! Lalaban talaga kayo?” Nag-aalalang tanong ni Mikhail.

Dahil double na sa edad nila ang mga magulang ni Ysabela. at gusto niyang protektahan ang mga ito.

Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Daniela at nagmamadali itong lumabas.

Ysabela! Masyadong delikado. Baka kung mapaano ang mga magulang mo.” Pigil sa kanya ni Mikhail. habang nagkakarga ito ng bala sa baril sa shot-gun na hawak nito.

Nagkamali sila nang pinasok Mikhail , dahil walang lalabas sa kanilang buhay sa haciendang ito. Wag kang mag-alala dahil hindi ordinaryong haciendero lang ang mga nagtatrabaho dito at lalo na ang aking pamilya. Kaya maghanda ka.” Seryosong sabi ni Ysabela sa kanya bago nito isinabit ang katana sa likuran nito.

Walang nagawa si Mikhail  kundi ang kumuha din ng kanyang sandata bago sinundan ang paglabas ni Ysabela. Pero hindi na niya ito naabutan dahil mabilis itong naglaho kaya nagmadali siyang tumakbo patungo sa bungad hacienda kung saan nagaganap ang laban.

Sunod-sunod ang putukan na umalingaw-ngaw sa paligid.

At nagkikislapan din ang mga ilaw mula sa mga hawak nilang mga baril.

Maingat niyang hinanap si Ysabela at nakita niya itong walang takot na binabaril ang mga kalaban na pumapasok.

Nagmadali siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan nito upang masiguro niyang ligtas si Ysabela.

Kitang-kita din niya ang kasapi ng pamilya nito at namangha siya sa pakikipaglaban ng mga ito.

Kahit ang Ina ni Ysabela na si Ysa ay malakas pa rin ang loob habang bumabaril at walang mintis ang tama sa kalaban.

Nakasuot pa ito ng duster pero hindi naging mahirap dito ang gumalaw.

Habang si Daniela at Daniel naman ay pinapatumba ang mga kalaban gamit ang kanilang martial arts skills at pati na rin ang patalim na hawak ng mga ito.

Isa-isang nagbagsakan ang mga kalaban.

Tama nga ang sinabi ni Ysabela na Hindi ordinaryo ang kanyang pamilya dahil kaya nitong makipagsabayan ng laban sa mga armadong lalaki na walang kahirap-hirap.

Tumulong si Mikhail sa kanila upang kalabanin ang mga paparating pang kalaban.

Pero hindi niya parin inaalis ang tingin niya kay Ysabela na ngayon ay seryosong nakikipaglaban gamit ang kanyang  Samurai.

Mas lalo siyang humanga dito dahil kahit tatlo pa ang sumugod dito ng sabay-sabay alam na alam niya kung paano pagalawin ang kanyang katawan at manatili pa ring maganda ‘to sa kanyang paningin.

Wag niyo silang hayaang maka-penetrate sa loob ng hacienda!” Sigaw ni Joel na ama ni Ysabela.

"okay!!"

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now