CHAPTER 46 ~ MISSION ACCOMPLISHED

951 20 7
                                    

Inantay ni Dramon na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito.

Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan.

nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos.


Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Luciana. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked.

Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito.


Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ng Anak.


Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Luciana na nakabulagta sa loob ng kuwarto.


Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita.


Dahil sa liwanag sa salamin na pinto sa veranda. Nakatayo ito sa gilid ng crib karga nito ang kanyang anak.


Sino ka?! ibaba mo ang anak ko! ” Madiin niyang bulyaw kasabay ng matulis na bagay na tumapat sa kanyang leeg.


D-Dramon??!?”

Binuksan ni Lucy ang ilaw sa gilid kaya nagulat si Ysabela nang makita niya ito.

"Boss Dramon!?"

Binaba ni Lucy ang kanyang patalim at mabilis na humakbang patungo sa kanya si Dramon.

Ysabel—”

Nananabik na niyakap niya ang kanyang mag-ina.

Natigalgal si Ysabela dahil hindi niya alam na buhay pa ito at makikita niya ito ngayon.


B-Buhay ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ysabela sa kanya.

Nagbantay sa labas si Lucy habang kasalukuyang iniisa-isa ng kanyang mga kasamahan ang mga kalaban sa labas.

Naging baldado ako at nawala sa sarili nang dalhin ako ni Luciana sa abroad. Isang buwan pa lang nang maramdaman kong muli ang mga binti ko. At nang malaman kong babalik na kami sa Pilipinas inintay ko ang pagkakataong ito. Patawarin mo ako mahal ko wala akong nagawa…”


Pinunasan niya ang luha ni Ysabela sa pisngi at kinintalan siya ng halik sa labi.

H-Hindi mo kasalanan ang lahat… Saka na tayo mag-usap may kailangan pa tayong tapusin.” Paalala nito sa kanya.

Kaagad na inabot ni Ysabela ang kanyang anak kay Lucy at inayos ito ng balot upang mas madali itong dalhin sa pagtakas.

Ikaw na ang bahala sa anak namin.” Bilin niya dito. Tumango si Lucy sa kanya.

Akong bahala…huwag kang mag-alala. Kasama ko naman si Gab at Angela.” Wika nito na saktong dating ng dalawa.

Nagulat din sila nang makita si Dramon.

"Fuck! Is it real??"

B-Buhay ka?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Angela.

bang!!! bang!! bang,!!

Umalingawngaw ang mga putok ng baril sa labas na naging dahilan upang magising ang mga tauhan na mahimbing na natutulog at pati na rin si Luciana na kaagad kumuha ng mataas na kalibre ng baril sa kanyang kabinet. At ganun din si Ceazar na kasama niya sa kuwarto.

My Possesive Mafia BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt