CHAPTER 2

299 4 0
                                    

Andito kami sa loob ng classroom habang bored na nakaupo dahil wala paring teacher na pumapasok. Palagi namang ganito tuwing unang araw ng klase dahil nagsisimula pa lang naman ang klase.

Ito na ang huling taon ko sa senior high school. Dito parin naman ako mag-aaral ng college dahil hanggang college naman ang school na 'to.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay pinapasok na kami sa kanya-kanya naming silid. Busy pa 'yong ibang guro dahil sa dumating na mga lalaki.

Ang galing, porket may-ari ng school nakakatanggap ng special treatment. Pero baka pag pinabayaan naman sila ay matanggal lahat ng nagta-trabaho rito.

Habang nagmumuni-muni ay biglang sumigaw ang isa naming kaklase papasok sa classroom. Mukha itong galing sa karera dahil tagaktak ang pawis sa noo nito.

"Guys si Jeremy!”hinihingal na saad nito. “binubugbog ng isang anak ni Mr. Morgan."napatigil naman ako at napatingin sa pinto noong dugtungan niya ang sinabi.

Sinong anak? At teka si Jeremy 'yong pinsan ko? Sa pagkaka-alam ko hindi nakikipag-away 'yon. Dali-dali akong lumapit kay Jessa at tinanong kung sino ang tinutukoy niya. Kilala kasi ang pinsan ko dito dahil sa gwapo ito at mabait. Noong makumpirma na ang pinsan ko nga ay agad akong nagtanong kung nasaan ito. Sinabi niyang sa field daw kaya tumakbo ako papunta roon.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong papalapit sa field na maraming tao. Doon ko nakita si Jeremy na merong dugo sa gilid ng labi at 'yong Xavier. Siya ba ang may gawa nito?

Nanlaki ang mata ko noong sinuntok niya ulit ang pinsan ko. Agad akong lumapit sa mga 'to. Akmang susuntukin ulit nito si Jeremy nang pumagitna ako.

"Tama na po, maawa po kayo sakanya."paki-usap ko rito dahil hindi naman siya kayang labanan ng pinsan ko.

Naawa ako sa mukha ng pinsan ko dahil namamaga na 'yon. I'm sure that Tita would going to be worried sick. Hindi naman kasi nakikipag-away ang anak niya. Jeremy is a good boy, ngayon lang ito nagkaroon ng kaaway.

"And who the fuck are you?"tanong nito sa nakakatakot na boses.

"Pinsan niya 'ko. Hindi naman po niya kayo nilalabanan kaya tumigil na po kayo."saad mo at tumingin sa pinsan kong nakayuko lang.

Alam kong wala siyang plano lumaban. Mabait talaga ang pinsan ko, gano'n siya pinalaki kaya marami rin ang nagkakagusto sakanya.

"So... You're the cousin of this loser, huh?"sabi nito at hinila ang juice na hawak ng isang estudyante. Nagulat nalamang ako ng buksan niya ito at isaboy sa'min.

Nanlalaki ang matang tinignan ko ang lalaki. Baliw ba ang taong 'to? Maayos ko naman siyang pinakiusapan, bakit pa siya nananaboy?

"What a perfect combination. A garbage and a trashcan."pang-iinsulto nito na siyang kinakuyom ng kamao ko.

Ito siguro ang sinasabi ni Hera. Kung ganito lang din naman ay bakit hindi siya sinusuway ng ibang guro? Bakit parang wala lang sakanila?

Binato niya pa sa'kin ang boteng wala ng laman kaya't pinandilatan ko siya ng mata. Aba't sumusobra na siya ha! Hindi ko naman siya inaano, bakit siya nananakit? Mabuti nalang at mahina lang iyon.

"Why are you glaring like a dog? Are you affected?"sabi pa nito na parang nang-iinsulto kaya mas lalo pang sumama ang tingin ko sakan'ya.

"You're very brave huh? Lalaban ka?"sabi nito at hinila ang kwelyo ko sanhi ng paglunok ko. He's very close, and I can even smell his scent. Ang bango niya. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakuha ko pang mag-isip ng gano'n sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ka siguro nabibigyan ng atensiyon sa bahay niyo ano?"matapang na saad ko dito. Ang totoo niyan ay nanginginig na'ko sa kaba.

"Anong sabi mo?"inis na saad niya at mas hinila ako papalapit sakan'ya. Nanlaki ang mata ko dahil halos mag dikit na iyong ilong namin.

"Lumipat kalang yata para mag papansin eh. Ano napansin kana ba?"tapang-tapangang saad ko.

Sa totoo lang ay parang gusto ng bumigay ng tuhod ko. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, tiyak na pinaglalamayan na'ko ngayon.

"Matapang talaga."saad niya at hinila ang braso ko.

Ngumiwi naman ako dahil medyo masakit ang pag-hila nito. "Eh ikaw? Matapang kalang naman dahil sainyo 'tong school diba?"saad ko na ikinaigting ng panga niya.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, padabog nitong binitawan ang braso sanhi ng pagkatumba ko. Akmang mananakit pa ito ng may mag salita sa likod niya.

"What's happening here, Xavier?"saad ng kung hindi ako nagkakamali Javier yata ang pangalan niya.

Pareho lang kaming nakatingin kay Javier at walang balak mag salita ang isa saming tatlo. Nakakatakot ang binibigay nitong tingin sa'min kaya natatakot akong magsalita.

"I said what's happening here?"
medyo inis na tanong niya at tinignan ako bago tinaasan ng kilay.

"Siya po ang nauna."itinuro ko si Xavier na masama ang tingin sa'kin ganon din ako sakan'ya.

"You!"saad nito at akmang lalapitan ako ng hilahin siya ng kuya niya.

"What did you do to them, Xavier?"tanong ng kuya niya. Kalmado naman siya pero nakakatakot.

"I'm just playing with my dogs."casual na sabi nito na parang normal lang ang sinabi niya.

"Tinatanong ka ng maayos ng kuya mo, sumagot karin ng maayos."sabi ko dito.

"Papansin ka talaga 'no? Am I talking to you?"pambabara niya sa'kin nahiya naman ako lalo na noong mag bulong-bulongan ang mga studyante sa paligid kaya nanahimik nalang ako. Mga chismosa!

Biglang nag-ring ang cellphone ni Javier kaya bumaling sa'min ito. "I'm going to talk to the both of you, except you."itinuro nito si Jeremy na kanina pa tahimik habang nakayuko.

"Bakit kami lang? Bakit hindi kasama ang basurang 'yan?"sabi ni Xavier at itinuro si Jeremy.

"Language, Xavier."biglang sumulpot 'yong isa pa si Larsen yata 'to.

"Tsk... Kainis!"reklamo nito at masamang bumaling sa'kin.

"I need to go. Bukas ko na kayo kakausaping dalawa. And all of you!"
itinuro nito ang mga studyanteng nagkukumpulan. "Go to your perspective classrooms."dag-dag pa nito.

Parang tutang nagsi-alisan ang mga estudyante. Sa itsura palang kasi ni Javier ay matatakot kana. Bigla namang sumulpot si Keirson at nakangising tumingin sa'min.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now