CHAPTER 30

438 14 2
                                    

Noong kinaumagahan ay tunog nang tunog ang cellphone ko. Galing iyon kay Elias kaya kumunot ang noo habang binubuksan ang mensahe niya.

"Huwag ka munang lumabas maraming reporters sa baba. Watch television to enlighten yourself."basa ko sa text niya.

Agad kong binuksan ang tv sa sala at agad na nanlaki ang mata ko sa lumalabas doon.

"The rumored girlfriend of former actor Elias Devereaux already unmasked herself. The two spotted dating on ice cream shop yesterday. They seemed happy with each other because the witnessed said they were laughing together."saad ng babae sa tv kaya napanganga ako. Shuta happy with each other? Dapat bwesit with each other nilagay nila diyan.

"The girl in the picture was named Elmizera Guinovea. A former news anchor, and a famous journalist, also a writer in France. Both fandom showed support on these beautiful couple. Some of them also apologized for throwing hate on her before."agad kong inilipat ang channel dahil sa pandidiri. Putangina anong masaya, hindi naman masaya kasama si Elias. Nakakaistress naman 'to.

Nanood nalang ako ng tv buong araw dahil tinatamad akong gumalaw. At isa pa ay hindi ako pwedeng lumabas dahil sa mga reporters. Kung minamalas kanga naman at kailangan mo pa talagang mag adjust sa lifestyle ni Elias.

Noong sumapit ang tanghali ay umuwi rin si Elias na tila hinihingal pa. Nakipaghabulan pa siguro 'to sa mga pasaway na reporters na iyon.

"Wow chilling habang ako hirap na hirap kakaayos ng issue na ikaw ang may kasalanan."paninisi niya habang inis na nakatingin sa'kin.

Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ginusto mo 'to kaya umiyak
kanalang at magsisi."sabi ko pa at muling tumingin sa pinapanood ko.

He just sighed and sat on the space beside me. "Vósk said you wanted to do book signing here, do you want to do it? Huwag kang mag kulong dito at hindi ikaw ang may-ari ng unit."saad niya kaya masama ko siyang tinignan.

"Ikaw naman nagdala sa'kin dito eh."sabi ko pa. "and about the book signing, the publishing company here already texted me that they will announce the schedule. Hindi ko pa alam kung kailan kaya pabayaan mo muna akong mag pahinga."sabi ko kaya hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin.

"Hindi paba pahinga 'yang ginagawa mo? Buhay mayaman ka nga rito eh!"sabi niya pa kaya napangiti ako ng plastik.

"Mayaman talaga ako, Elias... literal."sabi ko pa kaya umiling nalang ito.

Umalis ito at pumasok sa kwarto kaya bumalik ako sa panonood. Buong maghapon na 'yon. Tumigil lang ako nang kumain kami ni Elias. Pagkatapos no'n ay nag laptop nalang ako at nag trabaho. Hindi naman 'to pinapagawa sa'kin ni Vósk pero bored ako kaya gagawin ko nalang.

Kinabukasan ay dumating na ang schedule ko. At sa isang araw narin iyon. My book is all about some random stuff that comes on my mind. Kaya ang isa kong libro na may titulong 'Irony of impossibilities' It's all about the rotation of impossible things that what if it will work, but actually can't.

Random thoughts ko lang iyan dati dala ng pagiging broken hearted ko. Iyong isang libro naman ay tungkol sa'kin. It is titled as 'Reminiscing my Nostalgia' hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang title, pero tungkol talaga sa'kin iyong mga nakasulat. Meron ding tungkol sa mga katiwalian or justice. Meron kasi akong na-featured dati about sa crime so I made a story about it.

"Where are you going?"tanong ko sa kakalabas lang ng kwarto na si Elias.

"Pupunta akong station kung saan nagtatrabaho si Aera, I'm going to invest para makapasok tayo anytime."
sabi niya dahilan ng pag ngiwi ko.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now