37

452 4 0
                                    

CHAPTER 37

KINABUKASAN~

MAAGA KAMING NAGISING NI LEANDER AT NAG-AYOS NG SARILI. 8 am ang parada ng partida Asenso Manileño Movement. I wore the blue t-shirt with Leander’s name printed on the front while his face was on the back. Nangingiwi si Leander nang makita ang mukha,natatawa naman ako dahil siya mismo ang nandiri.

Para nga kaming nakacouple t-shirt dahil ganoon din ang suot niya,polo nga lang. Ako ang naglagay mg gel sa buhok niya. Nilagyan ko din ng lip balm ang labi niya kahit na alam kong labi ko ang gagawin niyang moisturizer.

"Hop."

Binuhat niya ako paakyat sa likod ng kotse. May iilang balloons din doon at may upuan din. May tubig, candy, t-shirts, flyers at iba pa.

"Hi ma'am. Ang ganda niyo po." Bati ni Agatha,sekretarya ng aso ko.

I smiled at her at bumeso.

May bubong din ang kinatatayuan ko dahil for sure hanggang gabi kami dito.

~~~

"NO. 2 SA BALOTA. LARENCE SAUNDERS,IBOTO PARA SA MALAWAKANG PAGBABAGO!" The speaker said.

Vinideohan ko si Leander na tagaktak ang pawis na kinakawayan ang mga tao. May mga nanghahablot pa nga sa palapulsuhan niya kanina. Ala-una na ng hapon at alam kong gutom na siya. Hinanda ko ang ulam na hinanda ko kaninang umaga at inilatag na.

"Pwede na ba maglunchbreak? Ala-una na kasi—-"

"Ay yes po ma'am. Doon po tayo sa pinakadulo mag-s-stop. May umaabang na pong tent doon sa atin. Sinabi na po ni Mr. Larence iyon kanina sa akin dahil baka nagugutom na raw po kayo."Masayang tonong sabi nito.

Nalaglag naman ang panga ko. Ako pa ang iniisip niya gayong siya ang kanina pa nangangalay doon!

Sinipat ko ng tingin si Leander. Medyo basa na ang damit niya sa likod,mabuti nalang at nagbaon ako ng isa pa niyang polo. Ay,asawa ka jan?

Sumaglit kami sa parada. Ang iilang kasama namin ay nauna na sa loob ng gymnasium. Naunang bumaba si Leander, binuhat niya ang baywang ko paibaba. Nagnakaw pa siya ng hálik sa pisngi at ang nakakahiya ay nakita iyon ng mga kasama niyang kandidato!!

"Gutom ka na ba?" Masuyong sabi nito,umiling ako dahil kanina pa niya ako pinapangatngat ng burger habang nangangampanya siya. Busog nga ako.

"Ikaw ang dapat tinatanong ko n'yan. Kanina ka pa nakatayo doon."

"Ayos lang ako."

Umupo siya sa upuan niya matapos akong paupuin. Binuksan ko ang lunchbox naming dalawa at kinuha ang kutsara. Hindi ko siya susubuan dahil nakakahiya. Ang laki-laki na niya tapos damulag pa rin? Nakakaawa reputasyon niya kung ganoon.

Kaunti lang ang nakain ko at kinain naman ni Leander ang natira. Sarap na sarap siya sa luto ko, aba dapat lang ano. Sa pagkain dapat siya binubusog hindi sa hálik ko. Dahil baka kapag naging kami na, 9 months akong mabusog.

"5 minutes tutuloy na po ulit tayo!!" Sigaw nung manager gamit megaphone.

Handa na rin naman kaming umalis. Pero si Leander ay may ginugulo pa sa bag niya at nalaglag ang puso ko nang ilabas niya ng pink na hair tie. Seryoso siyang lumapit sa akin at pumwesto sa likuran ko.

He gathered my hair in one of his hands while the other was the one molding the tie. He then tied it up with a pink hair scrunchie.

I'm sweating and my heart is pounding, Leander just give me a ponytail!! Sa maliliit na effort na ibinibigay niya,hindi ko na kaya pang umahon mula sa pagkakahulog sa kanya.

"Parang mas gusto kong tanggalin ang tali dahil mas lalo ka lang gumanda." Supladong sabi niya na ikinakurap ko.

Why do my chest is pounding every day? Am I sick?

~~~~~~~~~

LUMIPAS ANG DALAWA PANG LINGGO, MAS LALO KONG NARAMDAMAN ANG MALAKAS NA PAGBABAGO SA DAMDAMIN KO PARA SA KANYA. He looked stress while kissing my hand. Tahimik lang akong nasa tabi niya at itinitimbang ang nararamdaman ko.

Nandito kami ngayon sa rented apartment. Binibilang na ang mga boto, inaantay nalang namin sa screen ang paglabas ng resulta.

Aligaga ang team at panay inom ng tubig.

Napakagat ako sa labi ko habang pinapanood si Leander na hinahaplos ang kamay ko gamit ang labi niya.

𝖧𝖠𝖫𝖠𝖫𝖠𝖭
𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥
𝖬𝖠𝖭𝖨𝖫𝖠

1sᴛ   𝙎𝙖𝙪𝙣𝙙𝙚𝙧𝙨, 𝙇𝙚𝙖𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙍𝙚𝙣𝙯 (𝘈𝘚𝘌𝘕𝘚𝘖)
636,747 𝘝𝘰𝘵𝘦𝘴

2ɴᴅ   𝙇𝙤𝙥𝙚𝙯, 𝙏𝙖𝙢𝙞 (𝘒𝘈𝘉𝘈𝘒𝘈)
103,403 𝘝𝘰𝘵𝘦𝘴

3ʀᴅ   𝙅𝙖𝙢𝙞𝙖𝙨,𝘿𝙚𝙡 (𝘗𝘋𝘍)
13,670 𝘝𝘰𝘵𝘦𝘴

Napatayo si Leander at bumulabog ng sigaw ang loob ng kwarto. Nagtutumalon sa saya ang mga tao na sumusuporta para sa kanya. Abot-tenga ang ngiti ni Leander na humarap sa akin at ganoon din ako sa kanya. His soft lips touched mine and I enjoyed the moment. My heart palpitated wildly.

Naglapit ang katawan naming dalawa at pumungay ang mga mata ko nang mahigpit niya akong niyakap dahil sa saya. I feel safe in his arms, I love it when he embracing me. When he kíss me, I felt the warm inside... it's not just lúst. Nakakatakot ang nararamdaman ko. Dahil kapag iiwan niya na ako sa bahay, ayaw ko na siyang pakawalan. Kahit na magkasama naman kami buong magdamag, gusto kong manatili siyang nakayakap sa akin.

Hindi ko na kaya pang itago. Nagagawa niya na 'to noon pa pero palagi kong ipinagsasawalang-bahala.

The little steps I took led me to a wonderful destination, that's you Leander.

Umabot na sa puntong hindi ko na kayang isipin na wala ka sa tabi ko. Sa puntong hindi ko na yata kayang alisin ka pa sa buhay ko. Sana lang hindi mo ako mabigo.... Pero mahal na nga kita,Leander.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now