75

665 8 1
                                    

CHAPTER 75

LEANDER ALCUIZ POV

"ANONG IBIG MONG SABIHIN?" She looks shocked at what I said.

She averted my gaze and look at the vitamins I brought to her. "Who framed you up? S-si Leander?" Nanghihinang boses nito.

What? She maybe misundertood me.

~~~

(𝘼𝙁𝙏𝙀𝙍 𝙏𝙃𝙀 𝘿𝙄𝙎𝘼𝙎𝙏𝙀𝙍)

NANLALAKI ANG MGA MATA KO HABANG BINABASA ANG NASA DOKUMENTO. Maraming pera ang nawala sa bangko naming tatlo. At ngayong nababasa ko ang expenses ng korporasyong namin, unti-unti kong napagtanto kung sino ang nasa likod nito.

Kaya pala madalas ay wala siya sa bahay nila. Malamang ay nasa casino ang lalaking iyon.

Napabalikwas ako nang mag-vibrate ang aking cellphone. Si mama ang tumatawag.

"Hello ma..." Pinasigla kong tono.

"𝘏𝘦𝘭𝘭𝘰 𝘓𝘦𝘢𝘯𝘥𝘳𝘰..."

Tumawa ako. "Leander po ma."

"𝘗𝘢𝘳𝘦𝘩𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺!... 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘯𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘰. 𝘚𝘪 𝘏𝘦𝘭𝘦𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘴𝘢 𝘢𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘣𝘢. 𝘉𝘪𝘴𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘰𝘩... 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘺 𝘮𝘰."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Pangalawang bahay na nila 'to ngayon, dapat lang na mabigyan ko sila ng magandang buhay. Malaki ang pasasalamat ko kay Porris dahil hinayaan niya akong mag-invest sa kanya kahit na alam kong barya lang ang mayroon ako noon kumpara sa kayamanan ng mga Jaramillo.

" 'Pag kapanganak ni misis ma... dadalhin namin si Luxunasia d'yan."

"𝘈𝘣𝘢 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘮𝘢𝘯 '𝘺𝘢𝘯 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘣𝘰𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘰."

Siya lang naman apo mo ma? Only child ako.

~~~

Inilapag ko ang asong robot sa harap ng bunsong Saunders. Kumikinang ang mata nito habang nagpupumindot sa imbensyon ko.

"Grabe dada! Ang galing ng imbensyon niyo!" Natutuwang sabi nito na ikinangiti ko.

Siya si Leander. Ipinangalan ni Anderson sa akin, kung hindi lang babae si Luxunasia... malamang Anderson ang ipapangalan namin sa kanya ni Helena. Matagal na kaming magkakaibigan ni Anderson at Porris, hindi ako galing sa mayamang pamilya pero nagsusumikap ako para kay Helena at para sa magiging pamilya naming dalawa.

Sinilip ko si Helena mula sa hardin, masaya silang nag-uusap ni Reina.

"Tito Porris!!" Tawag ni Leonath, napatingin naman lalaking kakapasok lang.

Napakalaki ng utang na loob ko sa 'yo. Lahat ng nakukuha ko ngayon ay isa ka sa naging dahilan, pero hindi ko alam kung bakit inilulubog mo ang sarili mo sa pésteng casino habang ang asawa mo ay naghihirap kakaalaga sa anak niyo.

Agad na lumapit si Anderson nang makita akong galit na papalapit kay Porris.

Hinila niya kami sa isang sulok kung saan hindi kami gaanong maririnig na nagtatalo. Porris looks confused but still guilty.

"Malaking ang nawawalang pondo sa kompanya. May mga expenses na hindi ko alam kung saan napupunta,Porris." Tiim-bagang kong sabi.

Tumaas naman ang kilay niya. "Pinararatangan mo ba ako, Leander?"

At talagang nagmamaangmaangan ka pa!!

Anderson moved between us. I shoved him away, angrily.

"Hindi ba't nagcacasino ka na naman! Chineck ko ang mga dokumento sa department, Porris... kung sa tingin mo ay makakalusot ka—-"

"Eh ano naman!? Higit na mas malaki ang ininvest ko sa korporasyong 'yon?! Baka nakakalimutan mong 500k lang ang naitulong mo kaysa sa limang milyong ipinusta ko!" Mataas na tonong sabi niya.

Huminga ako ng malalim habang parehong kamay ay nakakuyom sa galit.

"Oh edi sige! Sa 'yo na 'yang korporasyon mo para tuluyan mo nang maibagsak! Susumbatan lang rin naman pala ako, ikaw ang magpatakbo sa negosyo at magtatayo ako ng akin!" Ani ko.

He looks at me, head to foot. "Nagmamayabang ka na? Eh kung hindi dahil sa akin ay malamang salat ka pa rin!"

I looked at him unbelievable. Umamba ako at agad namang pinigilan ni Anderson. "May mga bata dito, Leander." He whispered, I sighed heavily.

Inis ko pa ring tiningnan si Porris kahit nasa hapag na kami. Napapansin ko ang iilang sulyap niya sa batang si Daphne.

"Maraming nawawalang pera sa korporasyon." Ani Anderson at tumingin sa akin, sinenyasan ko siya kay Daphne at Porris.

Nahalata ni Porris ang tinginan namin kaya lumihis ito ng tingin.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now