one nigth stand - 4

1.6K 32 1
                                    

Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa malaking bahay at naligo sa kwarto ni maurin. Simula nang dumating ako sa bahay ng tita Rochel ko ay gabi-gabi ko nang pinapangarap ang makaligo gamit ang shower. Lumaki kasi ako na balde at tabo lang ang gamit ko sa paliligo. Pero ngayong nakatapat na ako sa shower at walang tigil ang paglagaslas ng tubig sa basal kong katawan ay ni hindi ko magawang magbunyi na sa wakas ay natupad na rin ang isa sa mga simpleng hiling ko noon.

Ilang ulit kong sinabon ang mukha ko, leeg, dibdib at iba pang parte ng katawan ko na para bang mabubura niyon ang ginawa ni Sam sa akin kagabi. Paglabas ko sa banyo ay hindi pa rin nawala ang hapdi na nararamdaman ko sa pinakamaselang parte ng katawan ko. 

  

 Umupo ako sa harap ng malaking vanity mirror ni Maurin na katulad na katulad ng kay Eden. Halatang mamahalin ang ganoong uri ng salamin. Mariing sinipat ko ang mukha ko. At ganoon na lang ang pagtatagis ng bagang ko nang makita ang ilang kiss mark sa leeg ko. At nang suriin ko ang dibdib ko ay mas marami pa palang pulang marka doon. 

Tumayo na ako at nagkalkal ng mga damit ni Maurin na alam kong bihira na niyang gamitin. Nakalimutan ko kasing kumuha muna ng damit sa tinutuluyan ko bago ako pumunta dito. Lalabhan ko na lang 'to mamaya para bukas ay matuyo na bago pa man bumalik sina tita. 

Hanggang sa mananghalian ako ay binabagabag pa rin ako ng nangyari kagabi. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang bagay na matagal ko ring iningatan. Sam has to pay for taking my virginity. Yes, he has to pay. 

"Kailangan nating mag-usap. ASAP. Punta ka dito sa bahay."

Nag-text ang kumag. "Okay. Thirty minutes diyan na 'ko."

Bahagya akong nakaramdam ng inis dahil kung hindi ko pa pala tinext ang kumag na 'yon ay hindi siya magte-text sa 'kin.

Naghanda ako ng ballpen at papel at hinintay ko ang pagdating ni Sam. Medyo makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa yata. 

  

Eksaktong thirty minutes ay nakita ko si Sam sa harap ng gate. Lumabas ako ng bahay para salubungin siya. Saktong papasok naman kami ng bahay nang dumaan si Aling Lita—kilalang tsismosa sa barangay namin. Ni hindi man lang siya nagkunwari na tinititigan niya kami ni Sam kaya binate ko siya. 

"Magandang hapon po, Aling Lita."

Pero sa halip na sumagot ay nagmamadaling naglakad na siya palayo. Napangiti na lang ako dahil sa inasal ng matanda.

Sa halip na sa tinutuluyan ko ay sa malaking bahay kami pumunta ni Sam. Hindi ko pa man siya niyayang umupo ay pabagsak na umupo na siya sa sofa.

"Ano ba'ng pag-uusapan natin? Pagod ako at may hangover pa. Kailangan kong makauwi agad kasi magpapahinga pa ako."

Ang kapal ng mukha! Pagkatapos mong makuha ang puri ko! Gusto kong isigaw 'yon sa kanya pero nagpakahinahon ako. Umupo ako sa harap niya at inabot sa kanya ang blangkong papel at isang ballpen.

"Anong gagawin ko diyan?" nakakunot-noong tanong ni Sam sa 'kin.

"Isulat mo diyan ang nangyari kagabi. Isulat mo sa papel na 'yan na ginalaw mo ako kagabi. Gawin mong maikli pero detalyado tapos pirmahan mo."

Napatayo si Sam dahil sa sinasabi ko at tinitigan ako na para bang nababaliw ako. "What?! Why would I do that? You're crazy." Tumalikod siya sa 'kin at akmang lalabas na ng pinto.

Mabilis na tumayo ako at nagsalita. "Kapag hindi mo sinunod ang pinapagawa ko sa 'yo ngayon, magsusumbong ako sa pulis." Itinaas ko ang palda ko at kinalmot ko ang sarili kong hita. Pero iyong kalmot lang na sapat para mamula ang balat ko. "Sasabihin ko sa mga pulis na hinalay mo ako. May witness ako, si Aling Lita. Nakita ka niyang pumasok dito. At kapag ipinasuri nila ang katawan ko sa mga doktor, malalaman nilang nagsasabi ako ng totoo."

one night standWhere stories live. Discover now