One Nigth Stand - 16

560 10 3
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ang pakiramdam ko. Heto nga at parang tangang nakangiti ako habang naka-squat na nag-iinat ako sa ibabaw ng kama. Iyon mismo ang naabutan ni May.           

 "Good morning," bati niya sa 'kin. "Kamusta tulog mo?"

 "Good," maikling sagot ko. Nakita kong mukhang masaya rin ang                                           kaibigan ko. 

"Bihis ka ng pampaligo mo. Magsu-swimming tayo sa pool na malapit                                                  dito."

Napatayo na 'ko sa kama. "May swimming pool sa loob ng campus na 'to?" namamanghang tanong ko kay May.

Siya naman ang ngumiti sa 'kin. "Yeah, meron," aniya. "Wait nga, bakit mukhang ang saya-saya mo? May nakilala ka ba habang hindi tayo magkasama?" tanong niya sa 'kin habang kumukuha ako ng damit sa bag ko. Sa halip na sumagot ay nginitian ko lang siya habang papasok ako ng banyo.

Nang lumabas ako ay nakapagpalit na rin si May. Sabay na lumabas kami sa room at nakita kong naghihintay sa amin sa labas ng transient building na 'yon si June. May hawak siyang dalawang supot sa kamay.

"Good morning," bati ko kay june.

Habang papunta kami sa pool ay hindi ko maiwasang humanga sa kagandahang nakikita ko ngayon. Napakapayapa ng kapaligiran. Sa nilalakaran namin ay ilang dipa lang at dagat na. Masarap sa mata ang mga halamang nadadaanan namin.

Lagpas pa ng cafeteria ang pool na medyo malapit naman sa mga apartelle na mas 'di hamak na mas mahal kesa sa transient house na kinuha namin ni May. Façade pa lang ay kita na ang ganda ng apartelle.

"Parang ang sosyal naman diyan masyado..." komento ko habang nakatingin sa ilang units ng  apartelle na nadadaanan namin.

"Usually ay mayayaman lang na guest ang nakaka-afford na mag-stay diyan since 'yan ang pinakamahal na tulugan dito sa buong campus. Karamihan ay foreigners ang mga guest diyan. I should know kasi nag work ako diyan noong medyo maluwag pa sched ko noong first year pa lang ako," narinig kong sabi ni June.

  

Napansin ni May na bumagal ang paglalakad ko nang makita ko ang lalaking lumabas sa unit number three ng apartelle. It was Samuel-walking like a God with his earphones on. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang hitsura niya. He was only wearing boxer shorts at wala siyang suot na pang itaas. may puting tuwalyang nakasampay sa isang balikat niya.

Mukhang magswi-swimming din siya. Nang magtama ang mga mata namin ay bahagyang ngumiti siya sa akin at nauna na siyang maglakad papunta sa gawi ng pool.

Naramdaman kong kinurot ako ni May sa tagiliran ko. "Nakita mo 'yon, girl? Nginitian ka ng poging 'yon. My gulay! Why so swerte?" kinikilig na sabi ni May.

Pero hindi ko na siya nagawang sagutin dahil papasok na kami sa pool area. May ilang cottages at bar counter na 'di kalayuan sa mismong pool.

Habang namimili ng cottage sina May at June ay abala naman ako sa paghahanap kay Samuel. Then I saw him sitting at the farthest corner of the bar counter. May hawak siyang baso sa isang kamay habang nakatingin sa 'kin. Napangiti ako nang makita kong kumaway siya sa 'kin. Siyempre, kinawayan ko rin siya.

"Girl, kain ka na lang, ha? May mga foods diyan sa plastic. Magsu-swimming na kami ng bebe ko. Okay?" narinig kong sabi ni May.

Tumango lang ako at saka naupo sa upuan ng cottage na gawa sa kawayan. Wala pang limang minutong nakakaalis sina May ay nakita kong palapit na sa 'kin si June.

one night standWhere stories live. Discover now