28 | True Identity

245 16 14
                                    

CALLIE'S POV

Hala, si Medusa 'tong kaharap namin?!

Seryoso?

"Don't ever look into her eyes..." Narinig ko ang paalala sa'min ni Talia. "If we do, we'll probably die, and my beauty would go to waste."

At nakuha niya pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon?! Wow naman.

Nanatiling nakaiwas ang tingin ko kay Medusa nang biglang makita ko ang isang demigod na muntikan nang mapatay ng isang earth golem. Mabuti nalang at nailigtas siya ni Irisha.

Earth golems are creatures made out of stone, shaped like a big monster. They were probably strong enough to crush me, but since my hair looks great today, I'll make sure they won't even touch a strand.

"Oh my magic, Irisha, you're bleeding!" Aelia exclaimed. Tumingin ako sa babaeng kasama niya, at ang masasabi ko lang ay para siyang naligo sa mga rainbow.

"Thank you for coming..." hinihingal na sambit ni Irisha. Mukhang pagod na pagod na siya dahil kanina pa silang lumalaban. "I-I tried my best to protect them, but I couldn't do it alone..." Patuloy na humina ang boses niya.

Bigla akong naawa sa kanya bago mapatingin sa paligid. Madami-dami na rin ang nasugatan kaya inutusan ni Hiro si Tazyn na tulungan sila.

How long have they been battling these monsters?

"Callie," tawag ni Raven. "Go with Amari and Talia. Save as many people as you can," utos niya.

His body had sparks of lightning, while thunder rumbled through the sky. His anger was evident, and in just a few seconds, he'll go berserk.

Dahil sa time stop, nakatigil lang ang lahat ng mga mortal sa gitna ng labanan kaya pati sila ay nadadamay.

Wala akong nagawa kundi tumango sa utos niya. "Be careful." Yun nalang ang nasabi ko bago tumakbo paalis.

While running, I felt my power flow through my veins. My eyes glowed bright, even brighter than before.

Dark green.

Bigla akong lumuhod at hinawakan ko ang lupa. Naramdaman ko ang paggalaw nito sa kanan, at nang lumingon ako sa direksyon na yon, may isa na namang demigod na nasa panganib.

Napatigil ako nang makita kung gaano siya kagaling lumaban. Walang kahirap-hirap na tinalo niya ang golem sa isang galaw ng kanyang espada.

Akala ko pa naman nasa panganib siya...

Tinitigan ko siya nang mabuti. Oh my demigods, ang pogi niya!

Future jowa ko na kaya 'to?

Matangkad siya, may gintong mata at itim na buhok. Dahil magaling siyang makipaglaban, natural lang na matipuno ang kanyang katawan.

Pero bakit parang hindi ko pa naman siya nakikita sa academy?

Napatigil ako.

Bigla akong naalerto at tumigil muna sa paglalandi nang dumating pa ang ibang earth golem. Grabe, malakas naman ako pero hindi ko kayang talunin ang lahat nang ito!

Sinubukan kong tawagin sina Aurora, pero pati sila ay nahihirapan na rin sa pakikipaglaban. Madami-dami din kasi ang mga tao sa park kaya lalo kaming naghihirap.

Mabuti nalang at kahit papaano, napapaligiran kami ng mga puno, dahon at iba pa. Lalong lumalakas ang kapangyarihan ko.

Nature is my bestfriend, after all.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now