30 | Blue Skies

240 16 15
                                    

AURORA'S POV

For the first time in a while, I felt fear.

Payapa lang naman kasi ang buhay ko sa mortal realm kasama si Mira. Isa lamang akong hamak na babaeng nag-aaral at nag-eensayo sa bahay.

Hindi ko man madalas makasama si Mira, ngunit sa lahat ng sandaling nakausap ko siya, masayang-masaya ako.

Pero wala na si Mira ngayon... wala siya dito sa tabi ko.

Pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako sa bagong mundo ko. Wala akong alam, at marami pa akong dapat na malaman.

"When will I ever see you again?" bulong ko sa hangin, nagbabakasali na madala nito ang mensahe ko. Nilipad nito nang bahagya ang aking buhok kaya medyo natakpan ang aking mga mata.

Inayos ko ito bago mapabuntong-hininga.

A few seconds later, I heard a purring sound beside me.

It's the cat.

"Hey, cutie," bati ko rito. Binuhat ko ito at sinuri ng mabuti. "What's your name, hm?"

It snuggled closer to me, and I gently caressed its fur. It comforted me and calmed me down.

"Paano kaya napunta 'yan dito?" takang tanong ni Cole. "Kinuha mo ba 'to, manong centaur?"

Nahawa na ata siya kay Callie at Aelia- este si Iris. Manong centaur na rin ang tawag niya sa driver namin.

Nalaman ko nga pala na Jax ang pangalan ng centaur na ito, at hindi 'manong centaur'

"If Zeus himself can't trace Medusa, how can we do so?" inis na tanong ni Raven. "He's expecting so much, huh?"

Amari flipped a page of her book. Saan niya kaya nakukuha ang mga libro niya? Parang kahit saan, may dala siya. "Or perhaps, he didn't actually try," sarkastikong usal ni Amari.

Raven smirked. "Touche."

Napatawa ako ng konti, pero agad itong nawala nang kumulog ng malakas. 

Grabe naman si Zeus. Hindi mabiro.

"Ano kaya ang magandang pangalan para sa pusa?" Cole suddenly changed the topic when he noticed how uneasy I looked.

I smiled when the cat snuggled even closer, and I immediately felt its warmth. I gazed into its eyes, and I felt like I could see heaven inside of it. "Skye..."

"Skye..." ulit ko, mas malambing.

The cat's eyes seemed to brighten at the mention of the name, and it made me feel relieved at least.

Nawala saglit sa isip ko ang problemang kinakaharap namin dahil sa pusang hawak ko, at tahimik akong nagpasalamat sa pagdating nito.

Lumingon ako sa bintana upang pagmasdan ang labas, at lalo lamang akong napangiti nang makita kung gaano kaliwanag at kaaliwalas tignan ang langit.

The blue hues of the sky spread throughout the horizon, filling my heart with warmth and security.

At nang makita ko ang bahagyang pagliwanag ng araw sa itaas, tumingin ako kay Talia na ngumiti sa'kin.

Ngumiti ako pabalik.

Mabuti nalang at kasama ko sila...

Kasi kung hindi, baka hindi ko na malaman ang gagawin ko.

۞۞۞

Nakarating na kami sa hotel ulit, at nagulat ako nang makita ko ang prenteng pagkaupo ni Hermes sa sofa namin.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now