34 | Curiosity

215 10 0
                                    

AURORA'S POV

"Akin 'yan! Pasalubong ko 'yan para kay Lianna!"

"Eh paano naman 'to?"

"Oh, that's Talia's new dress!"

Kanina pa kami dito sa kwarto. Nag-aayos kami ng mga gamit namin. Ayon kay Amari, susunduin na daw kami ni Sir David mamaya para makabalik na kami sa academy.

Ibig sabihin din non, dadaan na naman kami sa portal... sa nakakasukang portal na 'yon...

Just thinking about it makes me want to throw up. Magpapadala nga ako kay Tazyn ng extra ambrosia.

"Mamimiss ko 'tong hotel..." nakangusong bulong ni Tazyn. Sa totoo lang, tapos na sana kaming lahat sa pag-iimpake pero dahil kay Talia, hindi pa kami makaalis.

Bakit ba kasi ang dami niyang damit?

"Sorry, my love," paumanhin ni Talia. "I think I packed way too much."

Callie rolled her eyes. "Buti alam mo," nakasimangot niyang tugon. Walang nagawa si Talia kundi magpakita ng 'peace' sign.

Napatingin kami sa pinto nang may kumatok dito. Tumayo ako para buksan ito. Agad kong nginitian ko si Amari na tumambad sa harapan ko.

"Are you done?" tanong niya sa'kin. Lumingon muna ako kina Talia na nagpapanic na nag-impake. Umiling nang umiling sina Callie sa'kin, sumesenyas na hindi pa sila tapos. Pinigilan ko ang aking tawa bago humarap muli kay Amari.

"Give us, uhm... five minutes," nakangiting sagot ko. Amari raised a brow in confusion but nodded in the end. I bid her a goodbye before closing the door.

Nagmamadali akong tumingin sa mga kasamahan ko. "Bilisan na natin, baka magalit na sila!" sigaw ko.

Nagtulong-tulong kaming apat sa mga gamit at pagkatapos non, nilinis naman namin ang kwarto. Nagbihis muna kami bago lumabas. Sinalubong kami nina Raven, Hiro at Amari na seryosong nag-uusap. Nasa paanan nila si Skye.

"Where's Mavi and Cole?" tanong ko, nililibot ang tingin sa paligid.

Amari looked at me from the corner of her eyes. "They're paying for the damages," maikling sagot niya na tinanguan ko na lamang. "If you're done packing, we need to go down now. Sir David's already there."

Tinanong ko muna sina Tazyn kung may naiwan sila at nang sabihin nilang wala, agad kaming bumaba. Ako yung nagdala kay Skye.

Sinalubong kami ng nakangiting mukha ni Sir David. "We meet again, Elysians."

Yumuko ako bilang pagbati sa kanya. Kinuha niya naman ang mga gamit namin at tulad nang dati, limousine na naman ang dala niya. Yaman ah.

Naunang sumakay sina Callie, Raven at Amari habang naiwan kami. Si Tazyn ay umalis at nagsabing magpapaalam sa kanyang kaibigan. Akira ata ang pangalan niya.

"Dude, I lost almost half of my allowance," natatawang sambit ni Mavi matapos magbayad sa nymph.

Cole frowned, making me laugh. "Ikaw kasi eh! Sabing hinay-hinay lang!" paninisi nito na sinuklian ni Mavi ng siko sa dibdib.

"Tazyn, come on!" tawag ko nang umalis na rin sina Mavi at Cole para makapunta sa limousine. Ngumiti siya sa kanyang kaibigang si Akira bago humawak sa kamay ko. Hinila niya ako papasok sa sasakyan. Sumunod sa'min sina Talia at Hiro. 

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now