Chapter 10

1.9K 82 6
                                    

Freen

"Itali nyo ng mabuti yan ng matuto.."

wala ako sa sarili habang itinatali ako sa madilim na selda, nandito nanaman ako, nabigo nanaman ako

itinuro ni nanay na dapat wag akong susuko lalo na sa pangarap ko sa buhay, pero kung laging ganito?

parang gusto ko nalang sumuko

nakakapagod na

"Hindi kana ba nadadala ha?" sigaw ng lalaking tumatali sa mga kamay ko "gusto mo bang patayin kana lang namin? tuwing tumatangka kang lumabas ng poblacion.. kami lagi ang nabubuntunan ng galit ng Gobernador.."

"Mas mabuti ngang patayin nyo nalang ako, ayoko na dito.." sigaw ko

"abat sumasagot kapa."

bigla nya kong sinuntok sa pisngi at ramdam ko ang apoy na umuupot sa balat ko.. ganun lagi ang pakiramdam tuwing binubugbog ako

kasalanan ko naman

dahil lagi ko sila binibigyan ng problema

sila ang nag babantay sakin dito sa poblacion...

ilang beses ko ng tinangkang tumakas, akala ko magtatagumpay nako

pero nagkamali ako

___Flashback 12 years ago____________

"Ito nalang ba lagi ang iuuwi mo dito? Hindi kaba naaawa sa mga bata?"
sermon ni nanay

minsan lang kung umuwi si papa, trabahante sya ng Gobernador dito sa poblacion at halos once a month lang silang pinapauwi

"Nah, wala na tayong magagawa, ang laki na ng utang natin kay Gov. kaya sa sweldo ko na ibinabawas.."

umupo si tatay at tinitingnan si ate Sunny kung bumaba naba ang lagnat nito.. she has leukemia

kaya baon talaga kami sa utang dahil sa pag papagamot sakanya

si ate sunny ang nakakatanda kong kapatid, pag tungtong nya ng highschool saka pa nadiskubre na may sakit sya

nakakalungkot lang isipin dahil sakanya pa nangyari toh

sana sakin nalang.. kung gagraduate na sya makakatulong na sya kilala papa.. eh ako grade 2 palang mag wawalong taong gulang palang sa agusto

naiinis ako dahil wala man lang akong maitulong sakanila

sa isang buwan halos isang libo lang ang naibibigay ni tatay samin para sa pang araw-araw, ang pangpahospital naman ni ate.. minsan umuutang ulit si tatay

buti nalang talaga at sa may falls ang bahay namin banda, nakakahuli kami ng isda pang ulam lagi at libre na sa tubig tuwing lalaba at maliligo

masaya na sana kami kung hindi lang nanganganib ang buhay ni ate araw araw

halos puro problema nalang nararanasan ng pamilya ko

sobrang hirap

hapon na ng umalis uli si tatay, ang sabi nya uutang uli sya sa gobernador dahil kailangan ng iadmit muna si ate dahil nag susuka na sya madalas ng dugo, hindi namin alam kung anong gagawin

nandito ako ngayon sa falls at napag pasyahan ko munang mag laba dahil dumadami narin ang labahan, linggo kasi ngayon at klase na bukas

"MAMAA.."

napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig na iyak sa kakahuyan

"PAPAA HMM."

Ang lakas ng iyak nito, pagod akong tumayo, nagpapahinga lang kasi ako dito sa malaking bato dahil ibinababad ko lang yung puting nilalabhan ko sa palanggana

Prisoner of the Governor's daughter's heart - Freenbecky Where stories live. Discover now