Chapter 13

1.8K 100 5
                                    

Becca

"becca may bisita ka.."

katok ni manang sa kwarto ko, Tamad akong tumayo at pilit na gumalaw para bumaba

nakakawalang gana talaga, today is sunday and I'm still thinking why freen is absent again last Thursday and friday, hindi ko rin sya mahagilap dito sa hacienda

tama ba talaga ang sinabi nya? that I like her? yes I initiated the kiss, eh pano ba naman kakahalik nya sakin parang nasanay nako na pwede if ever I wanted to kiss her

I wanted to kiss her?

oh jesus

Pano nauwi sa ganito? eh bully yun ah, o baka naman pinaglalaruan ako nun, new way of bullying? after I fall inlove she will dump me?

pagkababa ko ng hagdan eh naabutan ko si nop sa may sala na nakaupo sa sofa, he's talking to papa

"Papa."

"Oh nandyan na pala ang prinsesa ko, halika becca.."

ang laki pa ng ngiti nilang dalawa, pag kalapit ko eh binigyan ako ni Nop ng one bouquet of roses

Napangiti ako

"Thank you.."

tumingin ako sakanya at ang pula na ng pisngi nya kaya medyo natawa pako

"akala ko ba papa no boys allowed? eh bakit nandito yan?"

natawa si papa

"Hay naku napaka kulit nyan kanina pa, ang sabi manliligaw daw ng pormal, alam mo naman na gusto ko yung mga taong nirerespeto ang prinsesa ko sa ganitong bagay.."

napailing iling nalang ako

"Oh sya, maiwan ko muna kayo basta pag 4pm uwi na bata."

napakamot si nop sa ulo hahahah 30 mins lang pala yun, 4 na eh

umalis si papa at inaya ko naman si nop na mag kape sa balkonahe, sa lahat ng Tao sa school nung bago palang ako, sya lang yung naging mabait sakin

"How's school?" he ask

"hmm as of now okay naman."

he nodded and sip on his coffee

"okay lang ba na nililigawan kita?"

tumingin ako sa mga mata nya at seryoso syang nakatitig sakin

"you never get out of my mind, I really really like you becca." he said at ipinatong ang kamay nya sa kamay ko

"BONBON hays kanina pa kita hinahanap akala ko kasama mo si boy.."

mabilis kong inalis ang kamay ko kay Nop ng marinig ang sinabi ni Natalia

nandito sya?

inilibot ko ang paningin ko pero wala naman sya, kinuha ni natalia si bonbon sa hagdan ng balkonahe

jeez ang cute nila

I wanna squeeze them both

"Sino yan?" Nop ask me

"ah si Natalia anak ni manang Alicia.."

"halos ang cute at ganda ng mga tao dito."

napatawa ako ng malakas sa sinabi nya, nagulat nalang ako ng hinaplos nya ang pisngi ko

"keep smiling, you're the most beautiful girl that I've ever seen."

pulang pula ako sa sinabi nya

simula kasi ng tumira na ako dito sa poblacion at mag aral, feeling ko ang pangit ko dahil walang gustong kumausap sakin at binubully pa

Prisoner of the Governor's daughter's heart - Freenbecky Where stories live. Discover now