Kabanata 8

0 0 0
                                    

__________

Kabanata 8
__________

Kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang pasilyo na hindi ko alam kung ano ang dulo. Maraming tao, maingay, magulo, at hindi ko maintindihan ang ilang sinasabi nila.

Pagkatapos akong pagbihisin, pakainin, at bigyan ng pansamantalang matitir'han ay heto naman akong muli, nag-iisa sa gitna ng maraming tao.

Hindi ako maaaring manatili sa puder nina Trina at mga kasamahan nito sapagkat may mga kailangan pa umano silang gawin at puntahan. Ani Trina kanina ay magta-travel umano sila upang makagawa ng ivo-vlog. Hindi ko alam kung para saan iyon ngunit hindi nalang ako nagtanong pa. Marahil ay maaabala ko pa sila kung mananatili pa ako sa puder nila kung kaya't nagpasiya na lamang akong umalis at ipagpatuloy ang paghahanap kay ama.

"Tabi kayo diyan!"

Napatingin ako sa matandang lalaki na may hawak na malaking kaldero. Mukhang mainit iyon base sa paghawak at ekspresiyon nang matanda. Naglakad ito patungo sa isang maliit na tila bahay at ipinatong niya ang dala katabi ng ilan pang malalaking kaldero. Maraming tao ang naghihintay sa gilid ng kaniyang silungan, ang ilan ay tila ba nasasabik na makita at matikman ang dala kanina nang matanda.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Halos lahat ng mga nandito ay may pagkaing inihahain sa mesa. Halos lahat ay may mga pagkain at kumakain. Hindi ko alam kung bakit mayroong ganito rito. Nakakamangha at tila ba masaya. May kung ano tuloy sa akin na gusto ring subukan ang mga putahing inihahanda nila.

Hindi naman siguro masamang hihingi ako sa kanila? Marami naman ang kumakain dito.

Dahil sa pananabik na matikman ang ilang pagkain na nakikita ay agad akong lumapit sa matandang may dala ng malaking kaldero kanina. Kasalukuyan siyang sumasandok gamit ang malaking panandok sa kaldero. Pagkatapos niyang mailagay ang pagkain sa tasa ay inabot niya iyon sa lalaking kanina pa naghihintay sa labas.

Dahil sa nakitang ginawa ng matanda ay agad akong pumalit sa p'westo nang lalaki kanina ngunit pagtapak ko pa lamang sa kinatatayuan ng lalaki kanina ay may kung sino na ang agad na sumita sa akin. Nakataas ang kilay nito sa akin habang nakapamaywang. Animo'y nakikihamon siya ng away base sa ekspresiyon ng mukha niya at datingan.

"Hindi ka ba marunong pumila?" Mataray niyang wika habang masama pa rin ang mga titig sa akin.

"Pumila?" Ulit ko, hindi batid ang ibig niyang sabihin.

"B*bo ka ba? Hindi ka ba marunong umintindi?" Aniyang muli sa nakakasuyang tinig.

Ano ba ang problema niya?

Dahil sa hindi ko gaanong maintindihan ang ibig niyang sabihin ay muli ko na lamang siyang tinalikuran at hinarap ang matandang lalaki. Natatakam na akong matikman ang pagkain nito. Mukhang masarap ang pagkain na ibinibigay niya katulad ng ibang nandirito.

"Miss, bawal kang sumingit. May pila tayo." Anang matanda na sumasandok ng pagkain sa akin. Pinatabi niya ako sa gilid at saka inabutan ng pagkain ang babaeng sumita sa akin kanina.

Pinasadahan naman ako ng tingin ng babae. Naka-arko pa ang sulok ng mga labi niya na animo'y nangungutya. Marami pang nakasunod sa kaniya at kagaya ng ekspresiyon ng mukha ng babae ay masama ring nakatingin sa akin ang mga naroon.

The Gifted Unknown Where stories live. Discover now