Kabanata 10

2 0 0
                                    


Matapos naming makapaghapunan ay hinatid ako ni Coreen sa pansamantala ko umanong tutuluyan.

Mababait silang mag-anak at kita ko iyon sa paraan kung paano nila ako pakitunguhan. Hindi nila ako kilala ng lubusan ngunit pinagkatiwalaan na nila ako agad at pinatuloy sa bahay nila.

"Magdadala ako ng mga damit na hindi ko na ginagamit dito. 'Yon nalang muna ang gamitin mo habang nandirito ka. 'Wag kang mag-alala dahil okay pa naman lahat ng 'yon. Sandali lang ah." Anito at agad na lumabas ng silid.

Naiwan akong mag-isa sa malaking silid. Walang sinabi ang silid ko sa amin dito sa silid na pansamantala kong tutuluyan. Napakaganda nito at napakalinis. Ang higaan ay napakalambot at gayundin ang mga unan. Malamig din dito at masarap sa pakiramdam. Ang buong silid ay kulay puti at may ilang palamuti rin na kasabit sa dingding.

Naglakad ako patungo sa may kalakihang bintana. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ang ang mga naglalakihang bahay sa labas. Maraming ilaw at ilaw mula sa mga sasakyan ang natatanaw ko mula rito. Nakakamangha. Kung alam ko lang sana na may ganitong mundo ay napilit ko sana ang aking ama na sumama sa kaniya sa tuwing bababa ng bundok.

Bakit kaya hindi niya nabanggit sa akin na may ganitong klasing mundo? Na maraming katulad namin ang nabubuhay din dito?

"Ayos ka lang ba rito?"

Napalingon ako sa gawi ni Coreen nang marinig ito. May dala-dala na siyang mga damit at ipinatong iyon sa ibabaw ng higaan.

"Ayos lang naman. Maraming salamat nga pala." Wika ko saka nahihiyang ngumiti.

"Naku, walang anuman. Basta na kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Okay?" Anito na ikinatango ko naman.

Umupo muna siya sandali sa higaan at nakangiting iginala ang tingin sa buong silid bago muling ibalik ang tingin sa akin.

"Nga pala, alam mo na ba kung paano gamitin ang mga nandito sa kuwarto mo?" tanong nito.

"H-hindi ko alam ang ibig mong sabihin." Nahihiyang wika ko.

Tumayo siya saka saka itinuro ang hugis  rektanggulong bagay na nakadikit sa  dingding at pagkuwan ay may dinampot na kung ano sa ibabaw ng maliit na mesa.

"'Yan ang aircon. Dahil diyan kaya malamig dito sa silid. Ito naman..." Pinakita niya sa akin ang hawak niyang maliit na puting bagay sa kamay niya. "Ito 'yong remote niya. Ito 'yong ginagamit para pahinaan o palakasin ang temperature niya." Tumango-tango lamang ako sa kaniya.

Itinuro niya sa akin kung paano gagamitin iyon at agad ko namang nakuha kung kaya't pinasubok niya sa akin na gamitin iyon.

"Okay, galing! So, ito naman..." Lumapit siya sa maliit na mesang nakatabi ng kama. "Ang tawag dito ay lampshade, hilahin mo lang itong maliit na parang tali para bumukas siya." Ginawa niya ang sinabi niya at pagkatapos nga ay agad na iyon na umilaw. Nakakamangha.

"Paano 'yon nangyayari?" Tanong ko na agad niyang ikinakamot sa ulo. Tila ba ay bigla siyang namroblema.

"Actually, it's because of the electricity. Halos lahat ng bagay tulad nitong aircon, itong TV, mga ilaw, itong lampshades, at kung ano-ano pa ay pinapagana lamang siya ng kuryente." Paliwanag nito na ikinakunot ko ng noo.

"Kuryente?" Wika kong muli na ikinangiwi niya.

"Kuryente, ano....basta ano... electricity. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa 'yo dahil sa totoo lang ay bobo ako sa mga ganito at sa pagpapaliwanag. Ang mabuti pa siguro ay isearch mo nalang sa Google." Anito habang kumakamot sa sintido.

"A-ano 'yong Google?" Tanong kong muli na siyang ikinalukot na naman ng mukha niya. May problema kaya?

"Oo nga pala, hindi mo nga pala alam ang bagay na 'yon." Nasapo niya ang noo na animo'y may matinding problema siyang kinakaharap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gifted Unknown Where stories live. Discover now