C2

746 54 0
                                    

Lara's Pov

Kakapost ko lang ng pictures namin ni ella and as expected itong bweibanana na username na top hater ko ang unang pangalawang nagcomment sa post ko.

Minsan talaga naiinis na ako sa babae o lalaking to , mukhang ang laki talaga ng sama ng loob ng taong to , for sure naiinis siya dahil sa mga pang aasar na ginagawa ko kay ella sa social media.

Eh may karapatan naman akong ganunin siya dahil bestfriend ko siya at tsaka alam ng lahat ng mga taong nakakakilala sa akin na mapang asar talaga ako kahit nga management namin ay hindi naman ako sinasaway.

Sadyang bitter lang talaga tong bweibanana na to akmang isesend ko na yung irerebat ko sana sa kanya ng biglang bumukas yung pintuan ng room ko at iniluwa si ella na may nakakalokong tingin at ngiti.

For sure alam na niya na nagcomment na naman yung top fan niya/ top hater ko sa social media.

"Hahaha anong mukha yan larami? Mukhang affected na affected ka sa sinabi ng top fan ko ah! Haha mukhang engkanto ka pala eh hahaha well deserved!" tawang tawang sabi sa akin ni ella , nag eenjoy talaga siyang makita ako na naaasar at nababadtrip dahil dyan sa fan niyang sobrang kitid ng utak.

Malamang normal lang naman na mag asaran ang magkaibigan ah , sa 2 years kong nandirito sa Idol Industry ngayong year lang ako sobrang nabadtrip ng husto.

"Shut up ella mae! Naiinis na ako sa top fan mong yan ah! Ang laki ata ng galit sa akin at kada post ko nalang ng mga pictures ko ay laging nagcocomment siya ng hindi maganda kung hindi lang ako idol baka pinatulan ko na to eh!" Gigil na gigil na sabi ko nagsimula lang naman yung pambabash niya saakin nung pinost ko yung neneng at jeje pics ni ella nung mga bata pa siya.

Dare naman kasi yun nila coleen sa akin eh ang masama lang dahil hindi alam ni ella at umani nga siya ng batikos ng mga tao dahil don kesyo madami daw siyang pinaopera at nagpaplastic surgery daw siya ganun ganun.

Pero hindi eh ganyan na talaga si ella walang pinabago o pinabawas sa mukha niya sadyang ang laki lang ng ginlow up niya kesa saamin nila abby.

"Ikalma mo ang iyong puso lara mae haha tama naman kasi siya eh sa ganda kong to tatawagin mo akong nuno? Pero tawang tawa pa rin talaga ako nung sinabihan ka niyang engkanto hahahah" pagpipigil niya pa ng tawa napatingin naman ako sa paligid ko at wala man lang akong mahablot sa lamesa ko na pwedemg itapon sa kanya ngayon sa sobrang pagkainis ko sa kanya.

"Bakit ka ba nandito ella? Para mang asar no? Umalis ka na nga kung pagtitripan mo lamang ako ngayon dahil magpapahinga na ako at itutulog ko nalang tong sama ng loob ko sa top fan mong nakakabwisit?!" Nakataas kilay kong tanong sa kanya at inilagay ko nalang yung paa ko sa may lamesa upang sa ganun ay marelax man lang.

"Baliw lalabas tayo kasama yung buong Winkle pop at pati yung mga coaches natin , may pictorial daw na gaganapin para sa gagawing poster ng concert natin sa manila kaya tayo na at magreretouch na tayo ng make up" nawala na ang mga ngiti niya at seryosong tumingin sa akin , argh ang sabi ko sa sarili ko matutulog ako buong maghapon ngayom eh hindi naman ako na update na may pictorial pala kami para sa upcoming posters namin para sa concert sa manila.

"Sige susunod ako magbibihis na muna ako ng damit , sa parking lot nalang ako didiretso pagkatapos ko" sabi ko sa kanya at sinenyasan ko na siya na umalis na dahil tuloy parin siya sa pagpigil ng tawa niya habang nakatingin lang sa akin.

At Pictorials Room

Nakarating na kami sa lugar kung saan isasagawa yung pictorial ng tig isa isang member , nauna na sila ni ella na kuhanan at ngayon ay nakaupo lang ako ngayon sa couch kasama tong si abby na panay cellphone lang.

Napatawa naman siya ng malakas at saka tinawag niya si sela na lumapit sa kanya , nagtaka naman ako kung ano yung pinagtatawanan nila ngayon.

"Hahaha Lt nung bweibanana napakalakas ng loob na tawagin si lara ng engkanto amp hahahahha" natatawang sabi ni Abby parehong pareho talaga silang dalawa ni ella kanina ang lakas mang asar sa akin , tawang tawa din naman tong si sela sa ginagawa ni abby na pang aasar sa akin.

"Gagi trending siya ngayon sa twitter , nakikipagdigmaan naman yung mga certified Laranatics" dagdag niya pa saka ipinakita yung cellphone niya sa jowa niyang nakikinig lang sa ichinichismis niya ngayon.

"Di ba kayo mananahimik dalawa? Nandito tayo para magpictorial oh hindi yung pag usapan yang pisteng fan na yan na puro pambabash lang ang ginawa sa akin!" iritableng sabi ko sa kanila bahagyang tumahimik naman sila pero kinalaunan ay mas lumakas ang tawa nilang dalawa ni sela.

"Kawawa ka naman larami hindi mo man lang magawang rumebat dahil baka dumami ang bashers mo pag pinatulan mo tong Top hater mo na bweibanana na to hahah , Malala na yung tama nito gayung kung ano ano ang pinagsasabi sa twitter!" rebat pang muli ni abelaine napasapo nalang ako sa may noo ko dahil nararamdaman kong kumukulo na naman yung dugo ko sa bweibanana na yun.

"Could you please stop? Kinakalimutan ko na nga na naiinis ako eh at pinapakalma ko nalang yung sarili ko na wag nang intindihin yan , Hayaan mo siyang magkalat sa twitter gayung papansin naman siya!" singhal ko ulit itinaas nalang ni abby yung kanyang dalawang kamay as a sign na suko na siya at hindi na siya muling tumawa ganun din si sela na ngayon ay namumula na ang mukha dahil sa kakatawa kanina.

"Ah sorry naman lara wag kang mag alala as usual pinagpi piestahan naman na siya ng mga certified die hard fan mo , o siya bilhan nalang kita ng milktea para naman sa ganun ay mag lift up yung mood mo" sabay tayo niya sa may sofa at kinuha yung bag niya at isnukbit sa may likuran niya.

"Ayan lang ang maganda mong nasabi ngayon abelaine! Mabuti pa nga mag pa add on ka pa ng toppings ah , pearl tsaka nata de coco" medyo nakangiting sabi ko nagpa salute salute naman siya sa akin at inirapam ko nalang siya at ibinaling ang tingin sa kakalabas lang sa room na si gabb.

"Okay master lara! Masusunod po haha gabb tara samahan mo ako sa labas may bibilhin lang ako , tapos na pictorial niyo diba?" Tanong niy dito tumango nalang si gabb at napatingin sa akin mukhang ako na nga ang sunod na kukuhanan ng litrato.

"Oo tapos na Lara? Ikaw na daw susunod kay Ate sela sabi ni Coach Princess maghanda kana daw at pumasok kan sa room na yun" sabay turo niya doon sa room na nilabasan niya agad na akong tumayo at pumasok doon para magready na sa pictorial ko.

"Cheer up Lara! Inhale exhale , kumalma ka at dapat masaya ka ngayon na kukuhanan ng pictures dahil para sa mga fans mo ito" mahinang sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim , ayan tama yan lara kalma lang at wag ka magpa apekto doon.

Kulang lang sa aruga ang fan na yun kung kaya'y nambubwisit lang ng idol na kagaya mo.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now