C20

459 40 3
                                    

Brei's Pov

Nakahiga lang ako ngayon sa aking kama nakatingin lang ako sa may phone ko at hinihintay ang tawag ni lara.

Kagabi ko pa kasi siya hindi makontak kamusta na kaya siya? Dahil sa scandal na yun ay masisisira yung reputasyon niya as an idol argh dapat hindi nalang kami nagdate sa tagaytay edi sana hindi mangyayari tong lahat.

Isang katok naman ang pumukaw sa aking atensyon at bumungad na agad si frances sa may pintuan na malungkot ang mukha.

"May report ako bukas ate brei? Pero natatakot ako sa mga estudyante sa school natin , alam mo naman na mostly sa school natin ay fan ng Winkle Pop at lalo na ni Ate Lara" malungkot na saad niya sabay upo sa may kama ko hindi , nalulungkot din ako dahil kailangan naming lisanin yung tahanan namin sapagkat sobrang daming reporters ang nag aabang doon ngayon.

"Pasensya na frances nang dahil sa akin ay nadawit kana din pati sila mom and dad ay nababatikos na din , kung alam ko lang sana na ganito ang magiging epekto sa atin ay--" paghingi ko ng tawad pati parents ko ay hindi makapag focus sa trabaho dahil sa scandal na yun at pati sila ay nakakarinig din ng hindi maganda which is kasalanan kong lahat.

"Ay ano ate brei? Na hindi kana sana pumayag na makipag relasyon kay ate lara? Look ate brei hindi kita sinisisi pero napapaisip ako na dahil lang dito baka mawala lahat ng pinaghirapan ni ate lara" alam ko na dahil doon at maaaring mawala ang kanyang pinaghirapan, nalulungkot ako sana naman ay hindi matagal niya nang pinaghirapan iyon.

"Alam ko naman frances at sobra akong na gi guilty ngayon" mukhang tama nga ang kanyang magulang na ako ang makakasira ng career ni lara.

Bigla namang tumunog yung cellphone ko at dali dali ko iyong kinuha sapagkat akala ko si lara na iyon.

OTPC

"Oh hello bonitah napatawag ka?" Sabi ko hindi naman siya madalas tumatawag sa akin sapagkat lagi siyang walang load.

"Nabalitaan mo na ba yung news?! Tungkol kay lara ngayon?" Tanong niya sa akin mapaghahalataan ko na tumatakbo siya ngayon.

"Anong sabi sa balita? Hindi pa ako nakakanuod mg tv ngayon eh kasi puro ka toxican ang hatid nila" aniya ko sinabihan na din ako nila dad na wag na muna kaming magbubukas ng tv kahit anong mangyari.

"Lara was terminated from the group ang nakalagay brei! Kahapon itinanggi nila yung alegasyon pero ngayong umaga lang ay binawi ng management yung statement kahapon" nagulat naman ako sa ibinalita niya ,what terminated? So it means na tinanggal na siya sa grupo? Fudge! This can't be!

"Damn this was all my fault! Yung pinaghirapan niya ay mawawala ng dahil sa akin" sabi ko habang naiiyak na ngayon nilapitan naman ako ni frances upang ako ay yakapin.

"Btw papunta na kami dyan ngayon ni mark ah pabuksan nalang ng gate niyo kay frances" huling sabi niya bago nag end yung tawag.

EOTPC

Fast forward may nag doorbell na sa may baba at agad na akong nagtungo doon pero sa di inaasahang pagkakataon ay nagulat ako sa mga nagtutumpukang tao dito.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now