Chapter 1

122 1 0
                                    

Nagpapakain ako sa mga kabayo ng may marinig akong gulo sa labas ng kwadra. Dali-dali kong inihagis sa kung saan ang mga dala kung diyame saka tinungo ang pinagmulan ng ingay. Nakita ko sa harapan ng bahay namin ang mga gwardya sa palasyo na sapilitang kinukuha si Ate Mi.

"Ate!" Agad akong lumapit sa kanila at hinatak pabalik sa amin si Ate Mi saka ko tinignan ang mga gwardya.

"Ano pong kailangan nila at bakit niyo sapilitang kinukuha sa amin si Ate Mi?" Magalang kong tanong sa nangunguna na gwardya, sa kasuotan niya batid kong siya ang pinuno sa grupo nila.

"Wala kang pakialam!" Malakas na sigaw nito saka ako iniwaksi dahilan para matumba ako at tumama ang noo ko sa maliit na mesa na nasa likuran ko na pinaglagyan namin ng mga pagkain para ibilad sa araw. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking noo habang nagpatuloy naman ang mga gwardya sapag kuha kay Ate Mi. Sa pagkakataong ito hindi ko nanapigilan ang sarili ko at sinugod ko sila.

Inatake ko ng buong lakas ang humihila kay Ate Mi saka ko ito sinipa ng malakas sa dibdib sanhi para tumalsik at umubo siya ng dugo.

"Layuan niyo ang pamilya ko!" Matapang na sigaw ko saka nilabanan ang mga gwardya na nagbabantang lumapit sa amin.

"Bumalik na kayo kung saan kayo nararapat!" Sigaw ko ulit at sinuntok ang gwardya na aatake sana sa akin.

"Magsitigil kayo!" Isang malakas at malalim na sigaw ng isang lalaki mula sa kalayuan sakay ng kabayo ang kumuha ng pansin namin. Agad naman nagsitigil ang mga gwardya at napaluhod sa lalaking nakasakay ng kabayo na papalapit sa amin. Ako naman ay umabante at hinarang ang aking mga braso para protektahan si Ate Mi at Ina.

"Mahal na heneral" Sabay-sabay na sabi ng mga gwardiya at nagsiyukuan sila nagulat nalang ako ng sumunod din sila Ina at Ate Mi sa kanila.

"Ikaw!" Bahagya akong napaatras ng sumigaw ulit yung lalaki sabay tutok sa aking ng espada niya.

"Anong karapatan mong bastusin ang mga taong inutusan ng kamahalan mula sa palasyo?! " Hindi ako nakasagot dahil hindi ko siya naiintindihan.

"Bastus!"At napaluhod nalang ako ng hagpasin ako ng mga sibat ng mga kasamahan niya at yung ibang gwardya naman ay tinutukan ako ng mg matatalim nilang espada.

"Kamahalan parang awa niyo na po wag niyong saktan ang kapatid ko!" Nagmamakaawang sigaw ni Ate Mi sabay yuko sa lupa ganun din si Ina.

"Ate...Ina" Nagtataka kung sagot.

"Pwes siya ay magiging tagapagsilbi sa palasyo!" Sigaw nung tinatawag nilang Heneral, agad namang sumigaw sa pagtutol sina Ina at nagtangkang lumapit sa akin pero agad silang tinutukan ng sibat ng mga gwardya.

"A-ako nalang basta wag niyo na silang saktan pa" Nagmamakaawa kong sabi.

"Anak ko hindi!" Sigaw ni Ina at nagtangka ulit siyanglumapit sa akin pero agad siyang nahampas nung Heneral ng kanyang espada dahilan para mawalan ng malay si Ina.

"Ina!" Nagpupumiglas ako pero tinutukan nila si Ate Mi na hawak si Ina ng mga sibat nila.

"Dalhin na yan!" Napatayo ako saka mabilis akong tinalian sa kamay nung isang gwardiya.

"Ate Mi, Ina mahal na mahal ko kayo! Mag-ingat kayo palagi! Mahal na mahal ko kayo!" Sigaw kong ng dahan-dahan na nila akong hinila palayo sa aming bahay, nagising din si Ina at sabay nalang nila akong tinanaw habang papalayo, hindi na din kasi sila makalapit dahil sa mga gwardiyang nakatutok ang mga sibat sa kanila. Habang papalayo nakita ko parin silang umiiyak kaya tumigil muna ako sandali saka sila ningitian, nagpapahiwatig na ayus lang ako.

"Mahal ko kayo! Hanggang sa muli po!" Sigaw ko sa kanila ulit . Nakita ko pa silang kumaway nalang pero agad akong napaharap ng hinila ng isang gwardiya ang tali ko sa kamay. Hindi ko na din matanaw sila Ina dahil nakatatabunan na sila ng iba pang mga bahay na nadadaanan namin. 

Ako naman ay napayuko nalang at tahimik na sumunod sa kanila. Hanggang ngayon hindi ko batid kong bakit nila pilit na kinukuha si Ate Mi sa amin. Habang naglalakad nakita ko ang ilang mga kabahayan na may mga gwardiya din at pilit na kinukuha ang mga babaeng kapamilya nila.

"Ate!" Rinig kong sigaw ng isang bata sa tapat ko habang pilit na lumalapit sa Ate niyang tinalian na din.

"Ngayon ay ang araw ng paghahandog! Lahat ng mga unang anak na babae sa bawat tahanan ay masisilbe sa palasyo sa loob ng limang taon!" Malakas na sigaw ng Heneral kasabay din ng mga iyak at hiyawan ng mga kapamilya ng mga kinuha. Ngayon naiintindihan ko na.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now