Chapter 26

9 2 0
                                    

NARRATOR'S POV

ANG NAKARAAN NG PAMILYANG ONGSAENG AT NG KAHARIAN LABAN SA PAMILYA NG REYNA AT NI LADY SUE.

Ang nagtatag ng Kaharian ng Mafisya ay ang kanununuan ng pamilyang Ongsaeng na si Dan Ongsaeng. Sa paglipas ng mga taon tuluyan na ngang naging kaharian ang buong lupain na ngayo'y kinasasakupan ng Kaharian ng Mafisya. Ilang siglo ang lumipas ay magkakaibigan ang pamilyang Suran, ang pamilya kong saan nabibilang ang dating reyna na ina ni Prinsipe Peri,ang Pamilyang Sue, ang pamilyang kinabibilangan ng bagong reyna at ni Lady Sue. Maganda ang pagsasama nila noon hanggang sa isang araw ay nalaman ng pamilya Suran ang mga katiwaliang ginagawa ng pamilyang Sue at sinabi nila ito sa pamilyang Ongsaeng. Nagalit ang pamilyang Ongsaeng at saka nila pinatalsik ang lahat ng opisyal na nagmula sa pamilyang Sue. Nagalit rin ang pamilyang Sue sa ginawa ng pamilyang Ongsaeng lalo na ng malaman nila kaya sila napatalsik dahil sa pagsasalita ng dating reyna na mula sa pamilyang Suran kaya nila ito pinapatay. Mas nagalit ang pamilyang Ongsaeng dahil sa ginawa ng pamilya Sue at pinalayas sila sa kaharian. Dahil sa kasulukuyang hari ay mula sa pamilyang Sue pinalitan nila ito ng bagong hari na mula din sa kilalang pamilya na Hensi at yun ang bagong hari ngayon na ama ni Prinsipe Peri. Ang ama ni Prinsipe Peri ay matalik na kaibigan ng pamilyang Ongsaeng hanggang sa nakilala ng hari ang ina ni Prinsipe Peri sa isang pagtitipon na ginawa ng pamilyang Ongsaeng. Mula noon ay naging mas malakas ang ugnayan ng tatlong pamilya. Pero isang araw ay muling bumalik ang pamilyang Sue. Ang reyna at si Lady Sue ang nanghingi ng patawad sa kanila lalo na sa pamilyang Ongsaeng at Suran na agad namang tinanggap ng dalawang pamilya. At upang muling mapalakas ang pagkakaibigan ng pamilyang Suran, Ongsaeng, Hensi at Sue ay sila-sila na mismo ang umupo bilang mga opisyal hanggang sa isang araw ay tinakot ng reyna ang hari, ama ni Prinsipe Peri, na kong hindi raw siya gagawing reyna ay papatayin nito ang walang kamuwang-muwang na sanggol na si Peri. Dahil sa takot ay ginawa nga niya itong reyna. Ng makupo na bilang reyna, agad na ipinasok ng reyna ang kanyang kapatid na si Lady Sue at mula noon ay isa-isa na nilang pinatalsik ang mga opisyal na mula sa pamilya Ongsaeng, Suran at Hensi, habang ang hari naman ay nakulong na sa kaharian kasama ang anak niyang si Prinsipe Peri. Ng maikulong ang lahat ng matataas na opisyal na mula sa pamilya Ongsaeng ay nakatakas si Mifulo at ipinangakong babalik siya para mapakawalan ang kaniyang kapamilya, pero hindi na ito ng yari dahil ilang taon ang lumipas at namatay rin si Mifulo dahil sa sakit.

FU'S POV

Napanganga na lamang ako ng marinig ko ang buong kuwento na isiniwalat ni Tiyo Merlan.

"Kung ganon may karapatan nga talaga tayong makawala dito at muling isaayos ang kahariang sinira nila" Nagtitimpi sa galit kong sabi.

"Oo Fu kung yan ay makakalabas tayo dito" Malungkot na sabi ni Tiyo Merlan. Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok sa bukana ng kulungan ang Mahal na Hari na siyang ikinagulat ko kaya mabilis akong napayuko maliban kina Tiyo Merlan.

"Tumayo ka Lady Fu, ako dapat ang gagawa niyan sayo" Nakangiting sabi sa akin ng Mahal na Hari at saka nga siya lumuhod sa aking harapan.

"Mahal na Hari" Tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang nag-angat ng tingin sa akin at tumayo saka siya tumingin sa iba pang mga nakakulong rito.

"Mahal na Hari bawal po kayo rito" Nag-alalang sabi ko sa kanya, inilingan naman niya ako saka lumapit siya at may inabot sa akin.

"Dyan nakasalalay ang kinabukasan ng kaharian kaya sana pangalagaan mo yan, at isa pa wag na wag mong titignan yan dito o ipakita kanino man maliban sa atin, naiintindihan mo Lady Fu?" Napatango nalang ako saka mabilis na itinago sa aking damit panloob ang maliit na supot.

"Anong ginagawa mo dito kaibigan?" Nakangiting sabi ni Tiyo Merlan.

"Ng dito ako upang tumulong sa inyo at lumabas na sa aking pinagtataguan sa loob ng maraming taon" Nakangiting sabi ng Mahal na Hari saka niya kami isa-isang pinagbibigyan ng mga susi.

"Papatakasin ko kayong mamayang gabi. Natanggap ko kasi mula sa aking personal na tagasilbe na may balak raw ipasunog kayo dito ng Reyna. Mamayang gabi nila gagawin yun at bago nga nila kayo susunugin may dadating na mga gwardiya dito. Gamitin niyo ang mga susi upang makalabas kayo sa mga selda niyo at magpanggap kayong gwardiya kapag lalabas na kayo dahil ang gwardiyang dadating dito ang susunog sa inyo" Nakangiting sabi ng Mahal na Hari saka siya napatingin sa akin.

"Gaya ng pangako ng iyong Ama sa amin. May tao ding may ginintuang puso ang bukal sa loob na bubuksan ang hawla na aming pinagkulungan at hayaan kaming makawala sa kagubatan, ikaw yun Fu at hihintayin ka namin ni Peri dito upang muling maibalik ang kaayusan ng kaharian" Yun lang saka tumingin sa lahat ang Mahal na Hari at umalis na pero bago siya tuluyang nawala tumingin muna siya sa amin at nginitian kaming lahat.

"Hanggang sa muli mga kaibigan" Sabi ng Mahal na Hari saka siya tumingin sa akin.

"Hanggang sa muli Lady Fu" At tuluyan ng lumabas ang Mahal na Hari. Nagkatinginan naman kaming lahat at parang iisa lang ang utak namin ng sabay-sabay kaming nagsalita.

"Para sa kaharian" Sabay-sabay naming sabi. 

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now