Chapter 13

15 2 0
                                    

NARRATOR'S POV

Sa loob ng Palasyo ni Lady Sue ay umugong ang mga tawa ng mga taong nagkakasiyahan dahil sa munting tagumpay na nakamit nila.

"Kung nakita niyo lang ang mukha ng Mahal na Prinsipe, Mahal na Reyna tiyak akong matatawa ka rin. Hahaha!" Natatawang sabi ni Lady Sue sabay inom ng tsaa niya. Silang dalawa lamang ng Mahal na Reyna ang nasa loobng Palasyo dahil ang ilang tagasilbe nila ay nasa labas lamang.

"Ngayong nagtagumpay tayong mapasok sa hanay natin ang babaeng iyon simulan na natin ang pagbagsak ng Mahal na Prinsipe" Nakangiting sabi ng Mahal na Reyna. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Lady Sue at sabay na natatawa sa kanilang mga binabalak na pagbabagsak sa mahal na Prinsipe.

PRINCE PERI'S POV

6 buwan ang nakaraan...

"Maligayang bagong taon Mahal na Prinsipe" Rinig kong bulong ng isang malamyos na boses sa aking gilid.

"Dahan-dahan akong namulat ng mata at agad bumungad sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Fu.

"Maligayang bagong taon sayo Fu" Agad akong napangiti ng mas lumawak ang ngiti niya.

"Maghanda na kayo Mahal na Prinsipe dahil ipapasasyal ko kayo ngayon sa labas ng Kaharian" Sabi ni Fu na aking ikinatigil sa pagbaba sa higaan.

"Sa labas?" Agad naman niya akong tinanguan. Wala na akong sinayang na oras dahil mabilis akong naghanda, nagtaka pa nga akokung bakit walang katao-tao dito.

"Mahal na Prinsipe papask po ako" Nanlakiang aking mata ng marinig kong bumukas ang pinto ng paliguan at nakita kong nagulat din si Fu sa kaniyang nasaksihan.

"Ma-mahal na Prin-sipe" Pansin ko ang pamumula ng mukha niya kaya napangiti ako.

"Lumapit ka nga dito Fu" Sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.

"Pe-pero" Sandali pa siyang nag-alinlangan pero dahan-dahan namang lumapit sa akin habang nakayuko at bitbit ang aking bagong damit.

"Tignan mo ako" Hindi sumunod si Fu. Dahan-dahan ko nalang inangat ang mukha niya at tinitigan siya ng maayos.

"Maligayang bagong taon, prinsesa ko" Sinseryong bati ko sa kanya saka siya marahang hinalikan sa noo.

"Ma-maliligo ka na ba? La-labas na ako ah?" Akmang aatras na sana si Fu pero mabilis ko siyang hinawakan sa bewang at kinarga saka kami sabay na lumusong sa paliguan.

"Mahal na Prinsipe!" Sinubukang magpumiglas ni Fu para makaalis pero agad ko siyang ikinulong sa aking mga bisig habang nakaupo siya sa pagitan ng aking mga hita.

"Samahan mo akong maligo Fu" Mahinang bulon ko at mas niyakap pa siya papalapit sa akin. Sumandal naman ako sa sandalan ng paliguan at dahan-dahang pinapahiga sa dibdib ko ang kalahati ng katawan ni Fu.

"Mahal na Prinsipe, bawal tong ginagawa natin" Mahinang sabi niya pero hindi ko iyon pinansin at dahan-dahan nalang na nilalaro ang kamay niya na nasa kanyang bandang tiyan.

"Tandaan mo Fu na sa tuwing kasama kita wala akong alam kung ano ang mali at tama, dahil sa tuwing kasama kita ikaw lamang ang iniisip ko at wala ng iba. Walang batas ang makapagpatigil sa damdamin kong mahalin ka kaya hayaan mo nalang akong gawin ko sa iyo ang lahat ng gusto kong gawin sa taong mahal ko" Malumanay na sabi ko at sumandok ng tubig gamit ang kamay ko saka ko binasa sa ulo si Fu.

"Alam niyo bang maaga akong naghanda para sa sarili ko tapos babasain mo lang pala ako Mahal na Prinsipe?" Bahagya akong sinilip ni Fu habang nakataas ang isang kilay niya na bahagyang ikinatawa ko.

"Wag kang mag-alala hindi naman nila alam na lalabas tayo ngayon at oo nga pala bilisan natin. Hindi ko pala nakita kung ano ang nasa labas kay bilisan natin upang makagala na tayo" Nagmadali ako sa pagligo at tinulungan naman ako ni Fu kahit na basang-basa na ang damit niya. Pagkatapos naming maligo dalawa ay pinasuot ko siya ng isa sa mga damit ko saka namin tinungo ang pader na walang gaanong dumadaan sa likuran lamang ng Palasyo ni Fu.

"Aakyatin natin yan?" Nagtataka kung tanong habang nakaturo sa matayog na pader.

"Oo naman" Nakangiting sabi ni Fu saka tinangala din ang tuktok ng pader.

"Paano?" Taka kong tanong. May kinuha naman si Fu sa supot na dala niya saka may ipinakita siya saking tali na may maliit na angkla. 

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon