Chapter 9

16 2 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

Ilang buwan ang lumipas simula ng ipinalipat ko sa aking Palasyo si Fu upang isa sa magiging personal kong tagasilbe at palihim ko din siyang naging kaibigan.

"Fu ano sa tingin mo nito?" Ipinakita ko sa kanya ang aing iginuhit na ibong nakahawla. Narito kasi kami ngayon sa silid aklatan habang ang ilang mga tagasilbe ko naman ay nasa labas lamang ng silid-aklatan.

"Maganda naman Mahal na Prinsipe pero parang may kulang" Sabi niya saka niya kinuha ang brotsa at isinawsaw sa pangkulay at ginuhitan ang aking ginuhit ng karagdagang pakpak.

"Mas gumanda nga" Napangiti ako dahil mas gumanda ang mukha ng ibong aking ginuhit.

"Maganda nga siya Mahal na Prinsipe. Pero alam niyo ba nasa likod ng magandang sining yung ginawa ay kaakibat nito ay ang malungkot na katotohanan?" Npatangin ako sa kanya dahil sa kaniyang sinabi.

"Paano mo nasasbi?" Tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti sa akin saka itinuro niya ang magandang ibon.

"Dahil ang isa sa mga mahalagang dahilan kong bakit may sining ay dahil dito natin naiilabas ang ating saloobin. At ang iyong ginawa ay nagpapakita kung sino ikaw" Sandali akong napatitig lamang sa kanya dahil naguguluha din ako sa kanyang itinuran.

"Ang magandang ibon na iyan ay ikaw Mahal na Prinsipe kaya mas pinagandahan ko pa ito" Sandali akong natigilan sa sinabi ni Fu at may parte sa aking parang nasaktan dahil sa sinabi niya habang ang mata ko naman ay patuloy parin sa pagtitig sa kaniya saka ko rin tinignan ang aking ipininta.

"Isa ka ngang Prinsipe. Kung nanaisin nasa iyo na ang lahat. Mataas ang antas ng buhay at halos na sa iyo na lahat ng mahihiling ng isang tao katulad ko, pero sa likod ng kalarangyaan iyong tinatamasa at sa posisyong iyong kinauupuan ay isang masakit na katotohanan. Dahil ikaw ay isang napakagandang ibon pero nakakulong. May pakpak kang magagamit upang malibot ang mundo pero nakakulong ka nga sa hawlang iyan. Gaya lang din yan sa kapangyarihan at posisyong hawak mo pero nagamit mo ba? Maganda ang iyong layunin sa mga taong nasa likod ng mga pader ng kahariang ito. Pero nakikita ka ba nga nila? Dahil ang hawla yan ay ang kaharian at ang taong gusto kang patalsikin sa posisyon mo na pinipigilan kang ilantad ang tunay mong ganda. Kaya sana Mahal na Prinsipe gagamitin mo ang lahat na nasa iyo upang matulungan mo ang nangangailangan ng pinuno na tulad mo" Nakangiting pagtatapos ni Fu sa kanyang sinabi at naiwan parin akong naguguluhan.

"Hindi ko maintindihan" Pagtatapat ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko saka itinapat ito sa ibong nasa pininta ko.

"Sa susunod ibahin muna ang iyong ipininta Mahal na Prinsipe. Gawin mong malaya ang isang magandang ibon na may magandang layunin para sa lahat. Sirain mo ang mga hawlang nagkulong sa iyo at sa mga mamayan mo. Gamitin mo ang iyong pakpak upang marating mo ang himpapawid at mula doon tanawin mo ang iyong ibang kasamahang ibon at pananatilihin mo silang malaya" Bahagya kong hinimas ang mukha ng ibon.

"Magiging malayang ibonba talaga ako?" Tanong ko sa sarili. Bahagya namang tumango si Fu.

"Malaki at malabong ang balahibo mo pero sa totoo ay maliit lang talaga ang katawan ng ibong iyan. Gawin mong pantakip ang iyong malalabong at magagandang pakpak upang hindi nila mapansing habang tinitigan nila ang iyong ganda dahan-dahan ka namang lumulusot sa pagitan ng hawlang iyan at sa oras na mawala ang tingin nila sa iyo. Gawin mo itong pagkakataong makalaya ka"

Napatango ako sa sinabi habang unti-unti ko ng naiintindihan ang kaniyang iniwika.

"Gagamitin ko ang aking kapangyarihan upang mapatalsik ang mga kalaban yun ba ang ibig mong sabihin Fu? Gagamitin ko ang mapanglinlang at maganda kong malalabong pakpak upang hindi nila mapapansin ang pagtakas ko gaya nalang din na parang nagpapanggap ako pero sa likod nito ay gumagawa na pala ako ng mga aksyong upang sila'y patumbahin. Tama ba ako sa aking naintindihan sa iyong iniwika Fu?" Sabi ko saka tumingin ulit sa kanya.

"Opo Mahal na Prinsipe. Gamitin mo ang lahat ng nasa iyo upang magagawa mong makatakas sa hawlang nagkulong sa iyo, gamitin mo ang lahat upang mabigyan ang kahariang ito ng magandang kinabukasan" Sandali pa akong napatitig sa kanya at ramdam ko ang kakaibang ritmo ng tibok ng puso ko.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon