Chapter 21

9 2 0
                                    

FU' SPOV

Hindi parin ako makapaniwala sa aking narinig kaya dahan-dahan akong tumingin kay Peri na bakas din ang gulat sa kaniyang mukha at dahan-dahan naman akong umiling.

"Totoo ba ito Lady Fu?" Agad akong napatingin sa Mahal na Hari ng magsalita ito.

"Totoopong ama ko si Mifulo Ongsaeng pero kahit kailan hindi ko po alam na siya po ay isang pinuno ng mga rebelde" Sabi ko at yumuko.

"Kung ganun ano ang mga ito" Rinig kong sabi ni Lady Sue at inihagis niya sa harapan ko ang isang punyal at isang maliit na bote.

"Nagpaimbestiga ako at nalaman kong ninais mo ding lasonin ang Mahal na Prinsipe at ang punyal na iyan ay sumisimbolo na ikaw ang kinikilalang pinuno ng mga rebelde at inilabas mong iniligtas mo ang Mahal na Prinsipe upang mapalapit ka sa kanya at pabagsakin ito" Dagdag ni Lady Sue. Hindi naman ako nakapagsalita.

"Ang punyal na pong iyan ay palaging bitbit ko simula pa ng bata pa ako bilang proteksyon, dahil nga sa biglaan akong napapasok dito sa kaharian hindi ko na po iyan naipasok sa bahay namin. At ang lason na pong iyan ay bigay niyo mismo noong mga nakaraang buwan dahil nais niyo pong lasunin ko ang Mahal na Prinsipe, opo inaamin kong inilagay ko nga iyan sa pagkain niya pero ng papalabas na po ako sa palasyo ng Mahal na Prinsipe ay agad akong pumihit pabalik saka ko kinuha ang bitbit ko noong pagkain at itinapon pero ang boteng may lason ay nanatiling nasa kamay ko dahil nais ko po sana itong gamitin bilang ibedensya sa pagtangka mo sa buhay ng Mahal na Prinsipe, Mahal na Reyna" Matapang na sabi ko sa huli at inangat at tinignan siya ng maigi sa mata.

"Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganiyan ang Mahal na Reyna!" Galit na sabi ni Lady Sue at walang sabi-sabi na sinampal ako ng malakas kay natumba ako, tutulungan sana ako ni Peri pero pinigilan siya ng ilang gwardiya.

"Hindi pa diyan nagtatapos ang kasalanan mo Lady Fu. Napag-alaman naming itinakas mo din ang Mahal na Prinsipe sa labas ng kaharian" Sabi ulit ng Mahal na Reyna. Mahina naman akong natawa sa sinabi niya at tinignan siya ng may galit sa mata.

"Mahal na Reyna magkaiba po ang itinakas at pinalabas. Hindi ko po itinakas ang Mahal na Prinsipe dahil pinaramdam ko lamang sa kanya kong ano ang pakiramdam ng malaya at kung sasabihin niyong baka mapahamak ang Mahal na Prinsipe sa labas huwag niyo nalang itutuloy dahil tandaan niyo buong araw kong kasama sa labas ang Mahal na Prinsipe pero ni galos wala siyang natamo at ng nakabalik kami dito sa loob ng kaharian may nagtangkang pumana sa kanya pero agad akong nakakilos at ipinagpalit ang posisyon namin kaya ako ang natamaan at sa sinasabi niyo pong sinadya ko po iyon, bakit ko naman po ilalagay sa alanganin ang buhay ko?" Nanghahamong tanong ko sa kanya at bumakas naman sa kanyang mukha ang galit.

"At hinidi niyo magagamit sa aking panlaban ang palasong iyan dahil ang palasong ginagamit ng pamilya ko ay maliliit pero mahahaba ang talim na sa isang tira mo lamang ay tagos sa katawan ng tao, at ang palasong ipinapakita niyo ay palaso ng isang maharlika na ginagamit lamang ng personal o pangsanay" Dagdag ko.

"At inaamin mo ngang marunong kang pumana at nagutos kalamang ng tao upang panain ka!" Sigaw ni Lady Sue. Natatawang napailing nalamang ako sa kaniyang inakto.

"Literal na marunong po akong pumana dahil ang pangunahing pinagkukunan ng pamilya ko ng pagkain ay ang pangangaso" Natatawa kong sabi na ikinatigil niya saka ako tinignan ng matalim saka siya may inihagis sa aking harapan na isang maliit na supot na alam kong ang laman ay barya.

"May kasalanan ka ding pagnanakaw sa kahariang ito!" Sa pagkakataong ito ay natawa na talaga ako.

Palaso? Bote ng lason? Supot ng barya? Pagtangka sa buhay ng Mahal na Prinsipe? Pagpapatakas sa Mahal na Prinsipe sa Palasyo? At ang mas malala pinuno ang Ama ko sa rebelde?

"Bakit niyo ibinibintang sa akin ang lahat ng bagay na kayo mismo ang gumagawa?" Matapang kong sabi at rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa loob dito at nagpanggap pang nahihimatay si Lady Sue.

"Anong inaakala mo sa sarili mo? Sino ka sa tingin mo?" Galit na sabi ng Mahal na Reyna.

"Ako? Ako ang taong puputol sa kasamaan niyo" Sabi ko. Bahala ng mamatay kung ito lamang ang paraan upang matapos ang kasamaan nila. Dahil hindi rin nila alam kong sino rin ako

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now