Capítulo Dos

1 0 0
                                    

El Punto de Vista de Hera.

"Halika na, binibini." ngiti sa akin ng lalaki.

Napatitig akong muli sa hitsura ng lalaki. Ngayon ko lang naaninag nang maayos ang kaniyang mukha. Kamukhang-kamuka siya ng aking ama. Ang ama ko na nagpahirap sa buhay ko, buhay namin ni ina. Napayuko ako sa iniisip ko at sumunod na lamang.

"May problema ba, binibini? Bakit labis na lamang ang lungkot na nakikita ko sa maganda mong mukha?" tanong niya ngunit hindi ako nakasagot. Hindi siya ang aking ama. Kahit kailanman ay hindi naging ganiyan ang aking ama sa akin.

"Bukod sa nais kong makasama ka at ang iyong ina, nais ko rin na isama ka sa bayan natin upang mamili ng mga damit. Sa makalawang araw ay magpupunta tayo sa lugar na paggaganapan ng piging. Personal na inanyayahan tayo ng Kapitan, kaya't nararapat lamang na tayo ay dumalo." nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Malaki ang galit ko sa ama ko. Hinding hindi ko siya mapapatawad.

"Bakit wala ka pang imik mula pa kanina, anak?" Bahagyang kumirot ang puso ko. Hindi ko pa naririnig na tawagin ako ng ganiyan ng aking ama. Masakit na dito ko lang iyan naririnig.

Hindi ko pa din mawari kung ako ba ay nananaginip lamang o isa lamang itong imahinasyon. Malamang ay nangungulila lang ako sa mga taong gusto kong makasama. Ngunit si ama? Hindi ko na muling hinihiling na makasama pa siya.

Nasa labas kami ngayon ng tirahan na pinanggalingan ko at may biglang humintong karwahe.

"Magandang araw sa inyo, Mister Carreon. Saan po ang punta niyo nang ganitong kaaga?" tanong ng napadaang lalaki na nakasakay sa karwahe.

"Sa bayan lamang kami ng aking anak." sagot ng aking ama.

"Sumabay na po kayo, dyaan lamang din po ako sa bayan upang mamili ng sangkap para sa pananghalian." ang sabi ng binata kaya't nagpasalamat ang aking ama at inalalayan akong makasakay.

Nang umandar ang karwahe ay umimik ang lalaki. "Kumusta na po kayo, Mister Carreon? Ngayon ko lang po kayong nakita na may kasamang magandang dilag bukod sa inyong asawa. Maaari niyo po ba akong ipakilala?" tanong ng binata.

"Siya ay si Reko Villatre, anak siya ng kaibigan ng iyong ina. Ito naman ang aking anak, si Hera. Maganda ngunit may pagka-atrevida, kaya't mag-iingat ka." nakangiting sagot niya.

"Paumanhin, binibini. Ako'y nagtataka lamang dahil ngayon ko lamang ikaw nakita. Masyado kang itinatago ni Mister Carreon, maaaring sa kadahilanang maraming mapupukaw sa iyong taglay na kagandahan." sagot ng lalaki. Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Pagkatapos niyon ay wala nang umimik pa sa amin. Nang makarating sa bayan ay nagpasalamat ang aking ama bago kami makababa.

"Sa susunod nating pagkikita, Hera!" nakangiting sigaw ni Reko at bahagyang kumaway bago umandar muli ang karwahe. "Ikaw talaga, Reko!" sagot ni ama at tumawa.

Malaki at malawak ang bayan kumpara sa bayan namin sa Ilaran. Maingay at nagsisigawan ang mga tao.

"Randel! Halika at kumuha ka ng pinya, bagong puti!" sigaw ng isang matanda sa hindi kalayuan. Patakbong lumapit si ama doon sa matandang babae. Randel ang kaniyang pangalan.

Randel Carreon.

Hindi niya kapangalan ang aking ama. Sino siya? Nasaan nga ba talaga ako? Ano ang ginagawa ko rito?

Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]Where stories live. Discover now