Capítulo Cuatro

0 0 0
                                    

"H-hindi ko inaasahang mayayakap kitang muli, ina." hikbi-hikbi kong sabi. Mas higit ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

"Ipagpaumanhin mo po, ina. Hindi kita natulungan noon. Wala akong nagawa kundi ang manatili sa iyong tabi. Hindi ko na muling hahayaan na maulit pa iyon." hagulgol ko habang hinahagod niya ang aking likod.

"Ano ang iyong mga sinasabi? Ako ay nagtatampo lamang dahil hindi mo ako kinakausap noong tayo'y nagkagalit. Ngayon ay ayos na ako, sana'y ganun ka rin, mahal kong anak." malambing niyang sagot at hinagod ang aking buhok.

Natutunaw ang puso ko sa ginawa niya. Mas lalo akong napaiyak sa isiping hindi ito permanente. Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi.

Napatingin ako sa labas ng pamilihan upang tanawin ang lalaking naghatid sa akin dito ngunit wala na siya nang aking tanawin.

"Ang iyong ama, nasaan siya?" tanong ni ina.

"Ako po ay napahiwalay kanina lamang, napahiwalay po ako kay ama. Hindi ko po batid kung saan siya nagtungo. Nakarating po ako rito sa tulong ng i-" hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ngunit bigla na lamang umimik ang aking ina.

"O, nariyan na pala ang ama mo." lumapit si ama at hinalikan sa noo si ina. Ibang-iba ang nakikita ko ngayon sa kung ano ang nangyari sa kabilang mundo.

Hindi ko pa rin tiyak kung ano ang pakay ko rito. Ito ba ay upang damhin ang pagmamahal na hindi ko naranasan? Upang ako ay matuto sa karanasan? O mangulila sa araw na mawala na ulit sila sa akin.

Nabaling ang atensyon ko sa hapdi na natamo ko sa pagkadapa kanina lamang. Hindi ko pa ito nahuhugasan, kinakailangang malinis na ito upang hindi magkaroon ng impeksyon.

Nagpaalam na si ama na kami ay lalakad na kaya't hindi ko na nalinis ang sugat na natamo ko. Muli kong tinanaw ang aking ina na nakangiti ngayon sa akin. Napangiti rin ako.

"Mayroong magagandang kasuotan na ipinagbibili sa bungad ng bayan. Nais kong dalhin ka roon upang makapamili." hindi na ako nakasagot dahil nararamdaman ko pang lalo ang hapdi sa palad at tuhod ko.

Mahaba-haba pa ang aming nilakad bago nakarating sa sinasabi ng aking ama. Ang mga butukan ay tila makaluma ngunit ang istayl ay klasiko.

"Pumili ka ng magugustuhan mo na isusuot. Ako lamang ay maglilibot sa bayan habang ikaw ay pumipili. Magbabalik din ako kaagad." dali-dali niyang sambit bago lumabas. Naglakad-lakad ako sa loob ng butukan. Tila magaganda nga ang mga kasuotan dito. Mayroong pambabae at panglalaki. Nahihirapan akong mamili sa kadahilanang hindi ako nagsusuot ng ganitong klase ng mga damit. Kanina pa akong nag-iikot ngunit wala akong mapili.

Nakaramdam ako ng presensya ng isang tao sa likod ko. Napalingon ako at nakita ang isang lalaking matangkad, mestiso, bilugan ang mata, makapal na kilay, matangos na ilong, at manipis na labi. Siya ang tumulong kanina sa akin. Nakatayo siya at hawak-hawak ang isang tindig na kasuotan na pangbabae.

"Lahat ng naririto ay bagay sa iyo, ngunit tiyak na mas lalong mangingibabaw ang iyong kagandahan sa kasuotang ito. Isukat mo, binibini." wika niya habang iniaabot sa akin.

"Ako ay naghahanap lamang din ng kasuotan sa darating na piging. Siguradong ganoon din ang isinadya mo rito. Hinihiling kong makita kang muli sa araw na iyon." wika niya bago tuluyang mawala.

Napatingin ako sa hawak kong kasuotan. Kulay iskarlata na bestida, mahaba ang manggas at lampas tuhod ang haba. Matalas ang mga mata niya sa pananamit. Magaling siyang pumili. Sinukat ko ito at nagustuhan ko.

Matapos nito ay lumabas na ako sa silid-sukatan at naabutan ang aking ama na nakaupo. Lumabas na kami ng aking ama matapos makuha ang kasuotan na gagamitin ko sa piging. Tiyak na magugustuhan din ito ng aking ina.

Hindi na kami bumalik pa sa butukan ni ina at nagtungo na pauwi sa tahanan namin. Hindi mabilang ang mga bagay na hindi ako pamilyar kung ano ang kontribusyon nito.

Pagpasok pa lamang ng tahanan ay tumambad ang isang bata na maputi, maliit, at may matambok at mapupulang mga pisngi.

"Ate!" tuwang-tuwang salubong nito sa akin at ako'y niyakap. Nagulat ako nang tawagin ako nitong ate. Wala akong maalala na mayroon akong kapatid. Pagkabitaw niya ay walang pasabi akong bumalik sa silid kung saan nagsimula ang kaguluhan na ito.

Unang pumukaw sa mata ko ay ang salamin na wala noong ako ay unang napunta rito. Lumapit ako at kinilatis ang sarili. Habang ako ay nakatingin sa aking repleksyon ay unti-unting umikot ang paningin ko.

Nahihilo ako at nagdidilim ang paningin. Pinipilit kong huwag mapapikit ngunit hindi sumusunod sa akin ang katawan ko. Hindi ko ito napigilan at naramdaman na bumagsak na lamang ang katawan ko sa malamig na sahig.

Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]Where stories live. Discover now