Capítulo Siete

0 0 0
                                    

El Punto de Vista de Hera

“Kumusta ang pagbabalik mo rito?” nanlaki ang mata ko sa tanong ni Misis Mutosa.

Itinanong ko kung alam niya ang mga nangyayari sa akin at hindi ito tumanggi. Nagsimula itong magkwento ng mga bagay na unti-unting nagtutugma sa sitwasyon ko.

“Sa ngayon ay magnilaynilay ka kung ano ang mga mangyayari. Huwag kang gagawa ng kahit ano na magiging simula ng gulo.” huling salitang lumabas sa kaniya.

Lumapit si Allen at inaya akong kumain kaya't namaalam na ako. Pagpasok ay kumaway sa akin sila Kapitan Rodil, ang nagmamay-ari ng asyenda at ang nag-imbita sa amin, siya rin ay ama ni Felina.

Ilang minuto pa kaming nag-uusap ni Allen. Dito natapos ang gabi dahil lumapit rin sila ama't ina at namaalam na kay Kapitan. Nilingon ko si Allen bago kami umalis sa pinagtatayuan namin at nagpasalamat. Tanaw ko ang maganda niyang ngiti na abot hanggang tainga, nginitian ko rin siya.

Nang makauwi ay namahinga na kami at kinabukasan ay nanambahan. Dumaan kami sa malaking simbahan at pagkatapos ay huminto sa munting liwasan. Nakatayo ako at damang-dama ang malakas na hangin. Sumisimoy ang malinis at sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.

Tuwang-tuwa si Kaira, ang kapatid ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon akong kapatid, ngunit masaya ako dahil nakikita ko ang aking sarili sa kaniya. Maliit pa siya at walang kamuwang-muwang sa paligid, ang nais lamang ay maging maglaro at lumigaya.

Tumatakbo siya kasama ang ibang bata at nakikipaglaro. Lumapit siya at hinila ako. Nagpadala ako sa kaniya at nakipaglaro ng habulan.

Nakangiti lang na nanonood sa amin si ama't ina. Masaya ako na masaya ang pamilya ko.

Ilang araw at gabi ang nakalipas at napapalagay na ang loob ko rito. Naisipan kong dalawin si Felina. Alam kong siya'y naging malapit sa akin kaya't nais kong makabawi sa kaniya. Kasama ko si ama na patungo rin doon dahil sa bagay na kailangang ayusin. Nagkaroon daw ng problema ngunit hindi binanggit kung ano.

Nakasalubong ko si Tiya Selfa, ang pinakabatang tiya ko ayon kay Felina. Ngumiti ito sa akin at ako ay inaya sa bayan upang mapanood ang mga palabas at magaganap na paligsahan sa bayan.

Itinanong ko kung ano ang kaganapan, pista ng bayan ang sagot niya. Isinama namin si Felina at sa hindi inaasahan ay nakasalubong namin si Allen na kasama sa mga palaro ng matatanda. Nakakatuwa ang mga pinaggagawa ng mga manlalaro.

Bukod sa mga palaro, may mga kainan, inuman, paligsahan, at paseyo ng mga banda ng musiko. Umaapaw ang tuwa ng mga tao na naririto. Isa na rin ako roon dahil ngayon lang ako nakakita at nakaranas ng ganitong pagdiriwang. Sa kasalukuyan kong buhay ay hindi ganito kasaya ang mga tao.

Iniintay ni Tiya Selfa na lumingon sa gawi namin si Allen ngunit hindi ito nangyari. Nagpatuloy na lamang kami sa pag-uuli at nakarating sa maliwanag at may makukulay na palamuti na butukan.

Doon kami kumain at nabusog ako sa masarap at malasang kare-kare na sinamahan ng malamig na inumin.

"Hera!" rinig kong tawag sa akin. Si Allen ay nakatayo sa di kalayuan at nakangiting papalapit sa akin.

Wala pang isang segundo ay biglang may malakas na tunog ang dumagundong. Kasabay ng malakas na tunog ng kampana ay ang paglalaho ng kaniyang mga ngiti.

Unti-unting nawawala ang mga taong nakapaligid sa akin at nagsisimulang maglaho na parang bula. Ang mga ilaw ay nagsimulang mapundi at nag-uumpisang dumilim.

Maging sila Felina at Tiya Selfa ay naglaho. Nagsimulang manikip ang aking dibdib habang ako ay nakatingin kay Allen. May kung ano sa nararamdaman ko na nasasaktan ako.

"Huwag mo akong iwanan muli, binibini." mahinang bigkas ng mga labi ni Allen. Tuluyan na rin siyang nawala sa paningin ko at nagdilim ang lahat.

Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]Where stories live. Discover now