Capítulo Seis

0 0 0
                                    

El Punto de Vista de Hera.

Basang basa na ako at labis na giniginaw. Tuloy-tuloy ang pagluha ko hanggang sa may humigit sa akin. Ako'y nanghihina kaya't wala akong nagawa. Napunta kami sa isang maliit na silungan.

"Malakas ang pandama ko na makikita kita sa araw na ito at hindi ako nagkamali. Subalit ano ang dahilan at ikaw ay nagpapabaya sa sarili mo?" nag-aalalang tanong ng lalaki.

"Hindi maaaring umuwi ka na basang-basa. Sumama ka sa akin upang ikaw ay makapagpatuyo." inilahad niya ang kaniyang braso upang aking kapitan.

Sa hindi kalayuan sa aming paglalakad sa kabila ng malakas na ulan ay nangingibabaw ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa isang malaking asyenda. Mayroong kasiyahan ang nagaganap dito dahil sa matinding patugtugan ng mga tao. Nilagpasan namin ng bahagya ang asyenda. Huminto siya sa dilim at may kung anong itinulak, isang bakod na harang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Wari ko ay sa likod kami dumaan dahil walang tao sa bungad ng pinto na pinasukan namin.

Dire-diretso kami sa paglalakad at lumagpas pa kami sa tatlong silid bago pa nakarating sa isang silid na sa loob ay walang kung anong kakaiba.

Sinindihan niya ang tsiminea at walang imik na iniwan akong mag-isa. Lumapit ako sa tsiminea upang mapainitan ang katawan. Nanginginig ako sa sobrang lamig.

Maya-maya ay nagbukas muli ang pinto. Bitbit niya ang tuwalya at sa kabilang kamay naman ang wari ko’y damit. Umupo siya sa tabi ko.

“Gusto ko nang umuwi sa amin.” unang salitang lumabas mula sa akin. “Alam ko, binibini.” nag-unahan ang luha kong tumulo. Hindi niya ako naiintindihan.

Lumipat siya sa likod ko at pinunasan ang basang-basa kong buhok. Sinuklay niya ang aking buhok hanggang sa kumalma ako. May ikinabit pa siyang payneta sa buhok ko. Tumabi siya sa akin at hinayaang sumandal sa kaniyang balikat. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod.

Nagising ako sa malaki at malawak na higaan. Ang mga sugat na natamo ko ay may tapal at iba na rin ang suot-suot ko. Mayroong pumasok na babae na nagpakilalang si Felina.

“N-naaalala mo po ba ako?” tanong niya na ikinailing ko. “Ate Hera, ako po ang lagi mong kasama tuwing nagpupunta sa talon. Itinatakas niyo po ako kay ina para lamang tayo’y makapaglaro roon, kahit ikaw ang napaparusahan sa kagustuhan ko. Ang tagal mong nawala, ate.” malungkot niyang sambit.

Nagtaka ako sa mga ibinahagi niya na lingid sa kaalaman ko. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot. Wala akong ibang nagawa kundi umiling at sabihing hindi ko maalala ang mga sinasabi niya na ikinaiyak niya. Nagpaalam na siya at lumabas.

Sumagi sa isip ko si ina. Kailangan ko nang makauwi. Tumayo ako at lumabas ng silid. Tanaw ko ang mga taong nagkakasiyahan pa rin. Mula sa kinatatayuan ko ay naglakad ako pababa ng hagdan.

“Kumusta ka, binibini?” napalingon ako sa nagtanong, si Reko, anak ng kaibigan ni ina. “Mukang hindi maganda ang iyong kalagayan. Ipagpaubaya mong ihatid kita sa inyo.” tumango ako.

Sa paglalakad namin palabas ay may humara sa harap namin. “Saan mo siya dadalhin?” mariing tanong ng lalaki na nagdala sa akin dito.

“Ihahatid ko siya sa kanila.” sagot ni Reko. “Las manos fuera de ella, naririto pa ang kaniyang mga magulang.” sagot ng lalaki na ikinabitaw ni Reko. Nagpaalam si Reko at naiwan kaming dalawa ni… hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon.

“Magandang gabi, binibini. Ipagpaumanhin mo ang nangyari. Ang iyong ama't ina ay naririto pa. Batid nila na ika'y nagpapahinga sa silid ni Felina.” wika niya na ikinatango ko.

Lumabas kami at inuli ang asyenda. Maraming tao ang nagsasayawan sa tugtog ng  orkestra. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko si ama't ina na nag-uusap nang seryoso. Nilapitan namin sila at binati.

“Ang alam ko ay namamahinga ka pa, Hera? Matanong ko lang, saan ka ba nanggaling at nakakuha ka ng mga galos?” tanong ni ama. Nakangiti akong umiiling sa kadahilanang hindi ko gustong sabihin.

“Maraming salamat nga pala sa pagbabantay sa anak ko, Allen.” pagpapasalamat ni ina. Iniwan na niya kami kaya't sunod-sunod ang tanong sa akin. Hindi ko masagot ang mga tanong nila kaya't hinayaan na lang ako at umupo na lamang sa isang tabi.

Ang gabi ay maliwanag dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Napakaganda nito at sinabayan pa ng maraming bituin. Habang nagmamasid ay umupo sa tabi ko si Felina.

Marami siyang ikinuwento sa akin at ipinakilala ang mga taong nasa piging. Lumapit si Misis Mutosa, ang ina ni Hera at sinabihan siyang magpahinga na. Sumunod naman kaagad si Felina at nag-akyat na sa silid niya.

“Kumusta ang pagbabalik mo rito?” nanlaki ang mata ko sa tanong ni Misis Mutosa.

Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]Where stories live. Discover now