Chapter 23

1K 30 1
                                    

Chapter 23








“O nay, Long², mukha yata kayong nasunugan?” tanong ko sa kanila nang dumating kami ni Xander. Itsura pa lang nila sa malayo mukha may mabigat na problema na talaga ito.

“Hay naku ate” napabuntong hininga lang ito sabay tingin sa kaharap nilang stall. Napadako naman ang tingin ko doon. Mukhang alam ko na kung ano ang punotdulo ng kanilang malalim ng buntong hininga. The very root of their root of evil things. Ano daw?

“Oy bakit naman ganyan” anya ko “Aba’t hindi naman po pwedeng ganyan iyan”

Tiningnan ko ulit sila…Hayun, bumuntong hininga naman..Naku naman! Wala bang ka belib-belib ang mga ito sa sarili nila. Well, kung ganoon lang din naman…Leave it to the expert hahaha.

“Hoi!” tinapik ako ni Among Tunay sa balikat nabigyan ko tuloy siya ng isang mag-asawang taas kilay. Para maiba lang.

“Ayosin mo nga iyang mukha mo para kang nanakot na ewan”

Hindi ko parin ibinaba iyung dalawa kong kilay. Manigas siya “E sa ito ang uso ngayon eh…naninindak na parang Horror lang”

“Ang sabihin mo sinumpong ka nanaman ng ka-adikan mo”

“Eeee aaallaaaaammmm mo naman pala eeee ba’t ka paaaa nagtanooooong” edi binaba ko na iyung taas kilay ko.

“Aissshh… I don’t really have a clue to when I can talk to you properly Bokrang. Araw-araw ka na yatang praning”

“Edi magpa-schedule ka, let’s see if I can make it up to you”

“At eksakto ka ng mag-english ngayon? Wow!”

“Thank You, nag-aral talaga ako gabi-gabi, halata naman sa eye bags kong pwede ng tea bag ng ice tea mo diba” hindi ako nagjo-joke okay…nag-iisip pa lang ako kung paano ko mababaling sa tinda namin ang mga mamimili na hinahakot ng aming Mortal enemy na talapandas na SELFISH!!

They don’t have the rights to not fight fair with Us!

Kung tutuosin mas fresh at healthy ang tinintinda namin ng Isda dah!

“Magsara na tayo Long²”

Marahas akong napatingin kay Inay at napasigaw.

“Nay! Huwag….Ang aga-aga pa eh”

“Hindi na natin mabibinta iyan anak. Palagi talagang ganyan ang benta ng isda dito dahil mas mura ang binta nila” ininguso pa ni inay iyung placard ng nasabing tindahan. “Little Mermaid por  Sale” ang nabasa ko. Anak ng baklang baboy na ginahasa ng sampong baboy naman oh!

“Ano bang klaseng placards iyan Nay”

“Little Mermaid por Sale?” binasa iyun ni Xander na kalaunan ay napakonot ang noo nito “Nagbibinta sila ng mga maliliit ng Serena?”

“Huh? Hindi Kuya, ang ibig daw sabihin niyan ay mura lang daw ang isda nilang ibinebenta” napakamot lang tuloy sa ulo si Long² “Di po ba?”

Kumonot lang tuloy lalo ang noo ni Xander sa narinig “Saang Dictionary nyo naman iyan napulot?”

“I agree, kailan pa naging isda si Mermaid? At anong mura? Kung gusto nilang sulatan iyan ng English dapat ang isinulat nila ah….*For Sale Fish Cheap Only*”

Pumalakpak naman si Long² na puno ng pagkamangha “Galing mo ate! Idol talaga kita”

“E Matalino ak—O,” Ouch ha! “Ano ba naman Among Tunay ha huwag kang nanakit ha”

“Hindi kita sinasaktan…pinitik ko lang iyang noo mo para matauhan kahit paano iyang utak mo. Akala ko ba nag-aaral ka ng mabuti gabi-gabi”

I pouted my lips. Bakit ako mag-aaral e magaling na ako mag-english dah “E ano ba kasing nagawa ko ha”

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now