Chapter 35

1.1K 38 3
                                    

"About the proposal?"

"Ah..eh...kumusta naman ang buhay mo Xander?"

"Mabuti naman bakit mo natanong?"

"Wala lang...5 years din tayong di nagkita. Alam mo na"

"E ikaw kumusta ka naman?"

"Ito maganda pa din ahaha...kita muna man diba?"

"Oo nga eh...So magpapakasal ka na saken?"

Naman! Akala ko naman makakalusot. Sayang!! Xander naman eh! Magpapakasal ba ako sa kanya? Oo naman! Mahal mo parin kaya ang mokong na ito. Ay, talaga? Peru ayoko namang magpakasal kami dahil lang kailangan...wala bang love?

Tange! Wala ng love! Galit kaya iyan sayo...at si Miguel lang ang inaalala ni Xander. OUCH! Pakasal nalang kaya ako sa kanya para naman maging masaya na ang anak namin.

"Wala ka namang makukuha saken kung magpapakasal ako sayo Xander" humirit ka pa!

"I may not have but our son can. Matanong kita Olayannie...ilang taon ka ng mamatay ang nanay mo?"

"Bakit naman napunta sa mama ko ang usapan?"

"Naging madali ba sayo ang lahat? Knowing that you're father is not always there dahil busy sa negosyo nyo. At si nanay lang ang nag-aalaga sa inyo ng ate mo"

Natahimik ako bigla.

"Naisip mo ba minsan Olayannie na masaya sana kung nandiyan ang mommy at daddy mo? Don't be selfish. Ipaparanas mo ba ang na-experience mo noong bata ka sa anak natin? Pwes ako hindi."

Tama si Xander..napaka-selfish ko dahil iniisip ko lang ang sarili ko. E ano naman kong walang love doon. Ang importante ay masaya si Miguel.

"Tama ka"

"Paalahanan lang kita na hindi ko pa nakakalimutan ang panlolokong ginawa mo saken noon Olayannie"

Napamaang ako  "Then bakit mo gustong pakasalan? Kilala kita Xander pwede mo namang sustentuhan ang anak natin. Bakit mo pahihirapang pakisamahan ang isang tulad ko?"

"This marriage will not last forever, Olayannie. Kapag lumaki na si Miguel at kaya na niyang tanggapin ang katotohanan then we'll get an annulment"

A-annulment?!! Seryoso ba siya!!

"You must be joking?!"

"I'm serious Olayannie. Matalino ang anak natin kaya mauunawaan niya kong bakit tayo maghihiwalay"

Nakagat ko ang pangibaba kong labi. How could this man become like this? E pareha lang naman din ang manyayari. Argh! Crap! lalo lang yatang sumakit ang ulo ko. Bwesit! Nahilot ko ang sentido ko.

"Then what happened next? Gusto mong gayahin ko ang nanay mo...lalayas ako at kakamuhian ako ng anak natin? Baka gusto mong mawala din ako sa buhay nyo? Kung ganoon din lang naman ang kahahatuntangan ng lahat mas mabuting huwag nalang nating ituloy ang kalokohang ito!"

"Ano ba Olayannie! Of course not...hindi ako ganoon kasama"

"Sa gusto mo para mo naring pinaasa ang anak natin Xander. Fake na nga ang pagsasama natin maghihiwalay pa tayo...mas mabuting huwag na nating simulan ang kalokohang ito at nang wala na tayong popoblemaheng wakas sa naiisip mong drama!"

Bwesit Talaga! Naninikip ang dibdib ko...

"Bakit di mo ako maiintindihan?!"

"Naiintindihan kita Xander! Isipin mo naman ang anak natin...matalino siya at kahit na sabihin natin na di tayo pwedeng magsama maiintindihan niya tayo."

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now