Chapter 41

1.1K 27 2
                                    


Papaalis na ako mula sa building nila Xander. Sumaglit lang ako para ihatid dito ang naiwan nitong papeles. Syempre with smile ako ngayon kasi sa wakas okay na kami ni Xander. Hindi paman iyun clear peru ipinangako naman niya saken na mag-uusap kami mamaya pag-uwi niya.
Hays buhay nga naman masaya kapag—walang kontribada. Napalis tuloy ang masaya kong ngiti. Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?
Tinignan ko lang siya habang papalapit naman siya saken.

“Anong ginagawa mo dito?” mataray kong tanong agad. Hindi niya ba alam na officially akin na si Xander? “Kung si Xander ang pinunta mo dito---“

“Don’t worry hindi naman si Xander ang ipinunta ko dito” putol niya agad saken.  Kontrabida ka talagang babae ka eh “Anyways, do you have time?”

“Marami, but I’m afraid I don’t have time with you” tarayan tayo dito ‘te! “So will you excuse me I have to go” nilagpasan ko na si Anne.

“Hindi naman siguro masama ang ilang Segundo, Olayannie?”

Hindi ko parin siya hinarap “Ano bang kailangan mo saken?” siya na mismo lumakad paharap saken.

“I’ll tell you kung sasama ka saken”
Ang kulit din ng isang ito eh!

“Fine!”

“Good, let’s go”

Nagpunta kami sa isang malapit na café. Hindi ko man feel ang pakikipag-usap sa babaeng ito wala na din akong nagawa. Basta ba walang masasakit at nakaka-insultong sasabihin ang babaeng ito eh!
Sinimsim muna nito ang laman ng isang tasang tea nito.
“Ano ba talaga ang sasabihin mo?”

Ibinaba nito ang tasa “Inalok ka ng kasal ni Xander, diba?”

“P-paano mo nalaman iyun?!”

“Sinabi ni Xander”
Sinabihan siya ni "Xander?

“E ano naman sayo?!”

“Naniniwala ka ba talagang papakasalan ka ni Xander? From what you’ve done to him?” tumawa ito ng pagak “Keep dreaming Olayannie, peru hindi basta-basta makakalimutan ni Xander ang ginawa mong panloloko mo sa kanya.”
Kinabahan ako bigla.

“W-What do you mean?”

“Sa tingin mo ba ginagawa ni Xander ang lahat ng ito para sa inyong mag-ina? Well, kung sa anak nyo, siguro nga. Peru sa iyo Olayannie malabong makisama siya sayo ng habang buhay. Marrying you would mean killing himself, suicide yun para kay Xander”

“Nagsisinungaling ka! Sinisiraan mo si Xander!”

“He wanted to make even with you” inilabas nito ang isang envelope at inilapag sa table “If you want prove then why don’t you find it yourself”
Nanginginig na inabot ko iyung envelope at binuksan iyun. Nagulat ako sa nabasa ko at napatingin kay Anne “Child Custody?” hindi ako makapaniwa…talaga bang…
“Look, Olayannie, Hindi ko din gusto ang gustong mangyari ni Xander. Okay na sa akin na pakasalan ka na lang niya at mag divorce kayo kasi willing naman akong maghintay. Peru nabanggit niyang ayaw mo kaya naisip niya na e-custody ang bata. Alam niyang matatalo ka dahil sa financial status palang talo ka na. But look at the brighter side, magiging miserable ka parin hahaha..poor you”

“Hindi niya pwedeng gawin saken ito!” my fist tightened. Hindi niya magagawang kunin ang anak ko!

“Believe me he can” tinignan ko siya ng matalim “Wala kang laban Olayannie”

“Mga walanghiya kayo…”

“I know, matagal ko ng alam iyan” she grin

“Nga pala invited ka parin sa kasal namin ni Xander. Itutoloy na daw namin ang kasal namin eh” ipinakita pa saken ang singsing nito “Ganda no?”

“Root in Hell!” tumayo na ako at marahas na umalis, natingin naman samen ang mga tao.

“Gusto mo mauna ka na eh”
Bitch!
Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

“Mommy bakit po tayo aalis?”

“Kailangan nating umalis Miguel” naiiyak na iniligpit ko ang mga gamit ni Miguel. “Hindi tayo bagay sa bahay na ito”

“Mommy paano na si daddy? Iiwan ba natin siya?”

Hinarap ko siya “Huwag ng makulit Miguel. Aalis tayo dito!”

“Mommy!”

“Tama na Miguel!”

Bigla namang pumasok si Xander “What’s the meaning of this Olayannie?!”

“Aalis na kami!” isinirado ko ang maleta “At hindi mo kami pwedeng pigilan”

“Bakit ka aalis? May sinabi ba akong aalis ka? Ano ba Olayannie hindi kita maintindihan”

“Xander… Xander Bakit? Bakit mo nagawa saken ito?”

“Ang alin? Will you tell me dahil malapit na akong mabaliw dito”

Humugot ako ng malalim na hininga “Dahil ba hindi ako pumayag sa alok mong kasal kukunin mo nalang ang anak ko?! Dahil alam mong kapag-custody na wala na akong magagawa! OO mayaman ka nga Xander peru hindi ko pwedeng iwan ang anak ko sa isang lalaking hindi man lang marunong magmahal at magpatawad!! Pabayaan mo na kami ni Miguel” hinila ko na si Miguel.

“Mommy?” umiiyak na din ito.

“Ano bang custody iyang pinagsasabi mo?! Sino bang nagsabi sayo niyan?” nahagud nito ang buhok sa inis. Sinundan niya kami.
Huminto ako para harapin siya “Hindi na importante kong saan ko iyun nalaman. And don’t worry babayaran parin kita sa mga naitulong mo sa operasyon ni Miguel hindi nga lang ngayon.”

Binalingan ko si Miguel “Halika na Miguel”

“Olayannie!! Ano ba pag-usapan natin ito!”

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Xander”

“Olayannie!”

Paalam Xander… sana maging masaya ka na.




_______

“Room Service”

“Buksan mo muna ang pinto Miguel”

“Opo”
Tumalima naman agad si Miguelat binuksan ang pinto.
“Mommy!!” ‘
Narinig ko siyang sumigaw at dali-dali kong tinignan ang pinto. Nakagapos ang anak ko…Diyos ko! Ano ito?

“Isunod na rin iyan!”
Hindi na ako makagalaw sa pwesto ko. Naramdaman ko nalang may nagtakip saken ng panyo at bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Narinig ko nalang ang boses ni Miguel.

“Mommy!!”

Tulungan mo kami Xander….

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now