Chapter 36

1.1K 31 0
                                    

Aissh...sakit parin ng ulo ko. Naman oh! Napatingin ako sa orasan ng kwarto ko. Grabeh! Namatay ba ako kahapon at ngayon lang nagising? Umaga na pala!

"Makapag-almusal na nga lang. Kailangan ko pang magluto"

Lumabas na ako ng kwarto.

"Ang bango naman nun?" sumisinghot-singhot pa ako "Mukhang masarap yata ang ulam ng kapitbahay ko ngayon ah?"

"O buti naman gising ka na? Akala ko namatay ka na"

"I-Ikaw?!" Anong ginagawa ni Xant sa bahay ko?!

"O ako nga" May suot pang apron ang mokong na ito? Nanaginip ba ako? Kinusot ko na iyung mata ko. Hindi naman nagbago, naka-pink spongebob apron pa din siya. Anong trip nito, Xander? "Halika na dito, kumain ka na" saka bumalik sa kusina.

Sinundan ko lang siya. Napa-praning na ba ako? Pagdating ko sa kusina ang dami ng pagkain. Ganoon ba karami ang pagkain namin sa ref?

"I-Ikaw nagluto nito?"

"OO" inilapag nito ang isang platong bacon saka binalikan ang toasted bread sa bread toaster na di naman samen. Saan galing iyan "Upo ka na"

"Ganito ba karami ang pagkain namin?"

"Papakailaman ko na sana ang mga pagkain mo sa ref kaso wala naman palang laman" inihila niya ako ng silya "Upo na"

Umupo na rin ako "So bumili ka?"

"OO" nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Ows? Ikaw maggro-groccery? Hindi nga?"

"It was Jake...and yup, umalis ako kanina para magbihis and while i do my thing I asked him to buy me a groccery"

Sabi ko na nga ba eh!

"Wait! Si Jake? I-Iyung assistant mo?"

"Yes, bakit?"

"Nagtagal sayo iyun?"

Kumunot na naman ang noo nito "What can I say? he just love his job."

"Hmmm..." kumain na rin ako "Marunong kang magluto? E sabi mo kahapon di ka marunong?"

Oh yeah! Nandito pala ang isang ito kahapon. Pina-HB ako nito eh!

"I said I don't cook but that doesnt mean I don't know how to cook. Tinamad lang ako kahapon kaya nag-take-out nalang ako ng soup para sayo. These are just basics, but I know how to cook. I live on my own since high school, to make the story short, I can cook"

"Dami mong cook"

"May sinabi ka?"

"Wala" ngiting aso lang ang ibinigay ko sa kanya "So what's the score between you and Jake?"

Naiintriga talaga ako sa Boss and Assistant relationship ng dalawang ito. Sa pagkakaalam ko matagal na si Jake nag tatrabaho sa kanya. At kahit noon pa palagi ng binabantaan ni Xander si Jake na tatanggalin ito peru tatawan lang iyun ni Jake. Naks! Umabot nga ng ilang taon ang mokong na iyun sa halimaw na ito.

Kung sa cartoon pa...si Jake si Dunkey, si Xander si Shrek ahaha!! Ang pangit!

"What's so funny, Olayannie?"

Patay. Umayos na lang ako ng upo. Inum muna ako tubig.

"At ano namang gusto mong malaman samen ni Jake? At sa tono ng pananalita mo parang ang ginagawa namin ay masama. Jake and I are not having an affair"

"E bat defensive ka naman masyado" pinipigilan kong matawa. Ano kaya talaga ang real score sa dalawang mag-among ito.

"He's just my assistant. Nothing more"

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now