Chapter 34

1K 35 0
                                    

Nabungaran kong si Nanay lang ang nagbabantay ka Miguel.

"Kumusta po si Miguel?" tanong ko sa kanya bago ko inilapag ang isang basket ng prutas

"Okay naman..tulog pa, nagising na iyan kanina peru natulog ulit"

"Kayo lang po ang nagbabantay? saan si Olayannie?"

"Pinauwi ko na muna si Olayannie. E kasi iyung batang iyun puro trabaho lang di na nagpapahinga tapos araw-araw pa siyang nagbabantay kay Miguel...hayun nagkasakit tuloy. Naku, ang batang iyun"

May sakit si Olayannie?!

"May sakit po si Olayannie?"

"May lagnat kaya pinauwi ko...Nga pala may gagawin ka ba pagkatapos dito, Xander?"

"Ah..eh, w-wla naman ho. Bakit po?"

"Naiwan kasi ito ni Olayannie, mukhang kailangan niya ito" iniabot nito saken ang cellphone nito saken "Hindi kasi nahihiwalay sa kanya to...baka may tawag siya"

Kinuha ko naman iyun. Kumunot naman ang noo ko pagtingin ko sa cellphone nito. Gumagana pa ba ito?

"Sige po Nay aalis na ako"

"Hindi mo na ba hihintaying gumising si Miguel?"

"Babalik na lang ako...sabihin nyo nalang na bumisita ako sa kanya"

"Ah..okay. Ingat ka Xander"

Ngayon Olayannie makakaisa ka talaga saken!







******

Knock! Knock...

"Naman ha!" walang gana na tinungo ko ang pintuan. Sino ba naman kasi iyang...sakit ng ulo ko eh. Masasakal ko talaga--"Xander?"

"Shock ka yatang makita ako?"

Erase di ko siya masasakal. Bad iyun.

"A-anong ginagawa mo dito? P-Paano mo nalamang dito ako nakatira?"

Wala akong naaalalang na e-published ko na ang address ng Mansion ko ha? Anong nangyare?!

"O, ano nanaman ba iyang iniisip mo diyan?"

"E paki mo utak ko ito 'di to sayo?!"

"O hayan ka nanaman eh...Papasukin mo ba ako o tatayo lang tayo maghapon dito?" peru bago ko pa siya masugot ang Loko inunahan pa ako sa pagpasok sa loob.

"Hoi! Feeling ka masyado sinabi ko bang pwede ka ng pumasok?!" syet! ang ulo ko..sakit huhu.

"May sakit ka na nga ang maldita mo pa rin" hindi ko namalayang nakalapit na pala siya saken at sinalat iyung noo ko tapos iyung pisngi ko.

"Mainit ka" kalmadong sabi nito saken

"Ay hindi malamig" Obvious naman diba? Sino naman kayang nagpaalam sa isang ito na may lagnat ako?

"Uminum ka na ba ng gamot?"

"Iinum pa po--"

"Hindi ka pa umiinum?!"

Kasindak ka Xander ha "Tinamad ako eh...kaya natulog muna ako. At ano ba sayo kong may lagnat ako? Akala ko ba galit ka saken?"

May inabot siya sakeng cellphone "Naiwan mo sa Ospital ipinaabot lang sayo ni Nanay. Tanga mo kasi eh"

"May sakit na nga ang tao nagawa mo pa akong laitin. Nakakaloko ka na Xander ah" kinuha ko na iyung cellphone ko.

"Gumagana pa ba iyan? Ilang siglo na ba iyan?"

"Yabang mo! Gumagana pa ito noh!" bwesit...nakakahiya, waaa! tinago ko nalang iyung cellphone ko.  "Yun lang ba pwede ka ng umuwi at iwan ako"

"Hindi pa ako aalis"

"Huh?! Anong gagawin mo pa dito?!" Trip mong magbakasyon dito? Syet nanaman! Ang ulo ko!

Mukhang napansin yata iyun ni Xander dahil bigla nalang niya akong binuhat. Nagulat ako..

"Hoy Xander! Ibaba  mo nga ako..." kumirot na naman ang ulo ko "Naman Xander eh! Aray!"

"Imbes na magreklamo ka diyan manahimik ka nalang" huminto ito bigla "Saan dito ang kwarto mo?"

"Anong gagawin natin sa kwarto ko?!" Di pa ako ready..Naku po!! Ang landi mo Olay.

"Itatapon kita kaya sabihin mo na"

"Iyung nasa right" binuksan na nito ang pinto at maingat na inilapag niya ako sa higaan. Napatingin lang tuloy ako sa kanya. Ano kayang nasa-isip na isang ito?

"Dito ka lang...huwag kang aalis o tatayo man lang dahil makakaisa ka talaga saken"

"Nananakot ka?"

"Olayannie pwede ba for once manahimik ka muna at magpahinga" he sighed in frustration.

Tumango lang ako. Sige tatahimik na muna ako. Sabi mo eh.

"Good" sinalat nito ulit ang noo ko "Stay here"

Umalis na din ito. Napahiga nalang ako sa kama ko. I sighed. Bakit hindi ba umaalis si Xander? Pwede niya naman akong iwan nalang total galit naman siya saken, diba? Mas makakampante pa akong wala siya dito dahil itong leche kong puso malakas na naman ang tibok. May sakit yata ako sa puso. Pa-doktor na kaya ako.

"Waaaaa!! Nakakaloka na!!"

"Gusto mong e-admit na kita sa Mental?"

Hala!! Nakakahiya...Itinalukbong ko iyung kumot ko. Peru inalis lang din iyun ni Xander.

"Bago ka matulog inumin mo muna ang gamot mo saka itong soup na ginawa ko"

Napatingin ako sa kanya. Aww, ang sweet naman "Ikaw talaga may gawa?"

"Ako ang naglipat sa Bowl binili ko lang ang soup sa isang restaurant. Kaya inumin muna ito para malagyan naman ng mainit iyang katawan mo"

"S-salamat" okay na rin iyun. Gutom na rin ako eh...tinamad na akong magluto. Kanina lang ako kumain eh.

"Gusto mo subuan na kita?"

"Ikaw yata ang may lagnat Xandereh. Ang bait mo yata saken?"

"Ayoko lang mag-aalala si Miguel kapag nalaman niyang may sakit ka. Alam mo namang bawal sa kanya ang mag-alala... Say Ah--"

Binukas ko lang iyung bibig ko. Sige subuan mo nalang ako...tinamad narin iyung kamay ko. Wala na akong lakas. Ngayon lang.

"So ano may sagot ka na sa proposal ko sayo?"

Bigla naman akong inihit paubo. Madali naman nitong nahagod ang likod ko. Naku naman Xander huwag kang manggugulat ng ganun. Nakakamatay iyun.

"Are you okay?!"

"I-I'm Fine..."

"About the proposal?"

"Ah-eh..."

Ano ba dapat ang isasagot ko? Naku naman nawala kasi iyan sa isip ko. Naku naman! Naku! Naku! Mapepektusan kita Olay! Isa kang dakilang Tanga! Tanga mo! Engot!!

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now