Chapter 25

1.1K 38 1
                                    

Chapter 25





"Bababa na muna kami ng bayan Inday" paga-anunsyo ni nanay habang isa-isang inilalapag ang mga pagkain sa mesa. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal "Isasama ko itong si Long²" dagdag pa nito.

"Anong gagawin nyo doon nay?" tanong ko

"Ilululuwas lang namin itong mga gulay meron kasing bibili nito sa lungsod baka ka ko makatulong sa atin sa pang araw-araw. Pandagdag narin"

"Kailan naman ho kayo uuwi?"

"Baka bukas na ng umaga anak" binalingan nito si Xander "Wala naman sigurong mangyayari sa inyong masama dito ano? Malaki naman na kayo" sa uri ng tingin nito kay Xander animoy may ipanahihiwatig ang nanay.

Ngumiti lang din si Xander "Naku huwag po kayong mag-alala si Bokrang na po ang bahala sa akin dito" sabay tingin saken. "Diba?"

"Huwag ho kayong mag-alala nay sanay na saken itong Amo ko hong Tunay sa tendir lubs in ker hahaha"

"Ah e ganoon ba sana nga ay walang mangyari sa inyong dalawa habang wala kami"

"Nay tiyak namang may MAGAGANAP na rated PG sa pag-iwan natin sa kanila-" bago pa nito matapos ang sasabihin binato ko na ng kutsara si Long². Itong batang ito puro kahalayan ang nasa utak.

"Diba sabi kong huwag sumasabat sabat sa usapan ng mga gwapo at magaganda"

"E ate gwapo naman ako ah"

"Sa panaginip mo...hayaan mo pag tulog kami lahat baka maniwala pa ako"

"Ate talaga kontrabida".

"Ay syempre akin itong teleseryeng sinusubaybayan mo".

"Mga batang ire tirik na tirik ang araw ay nag-aaway na naman kayo. Mabuti pa Long² ubusin mo na iyang kinakain mo at ng mailagay mo na sa bus ang dadalhin natin patungong bayan at baka maiwan tayo"

"Opo nay"

"O Inday huwag mong pababayaan ang bahay at itong bisita mo ha"

"Opo nay" kahit di ko na iyan bantayan hindi iyan mawawala.

"Ikaw Xander, hijo, ikaw na sana ang magpasensiya kong minsan iba ang ikot ng utak nitong anak ko."

"Alam ko na iyun Nay Nining" ngumisi pa ito "No worries"

"O sha ikaw ng bahala kay Inday...at saka pakibantay narin ng bahay ha"

"Sure"

"Mag-ingat nalang po kayo doon Nay...at hoi Long²!"

"Bakit?"

"Huwag mong pabayaan doon si Nanay"

"Sure...ako pa"

"Siguraduhin mo kung ayaw mong patayin kita"

"Chill ka lang ate....relax and enjoy this day"

"Englesin mong Lelong mo.."

"KJ talaga"

Dalampasigan...naglalakad

"Hoi Bokrang!"

.......

"Bokrang!"

......

"Hoi Bokrang!!"

"Bakit ba?!" hindi din ito makulit ha.

"Kanina pa kita tinatawag ah dinidedma mo lang ako. Baka nakakalimutan mong ako ang Boss mo dito"

"Hindi po kaya"

"Alam mo napapansin kong di kana gumagalang saken. Galit ka ba saken?"

"Hindi naman ako galit sayo marami lang akong iniisip ngayon"

Maid and Boss (DonBelle)Where stories live. Discover now