CHAPTER 3: DINNER

9.2K 70 0
                                    

Nag aayus ako ngayon para sa dinner namin with Zeke's family. And I can feel my heartbeat, malakas at mabilis.

Kanina nga, my hand was trembling as I was applying makeup on my face, just a light makeup, para mukhang natural, and I just fixed my hair in a messy bun. I wore a pink sleeveless bodycon dress that  reaches down to my knees and it fits snugly on my body.

V-neck pero hindi naman kita ang cleavage ko. I paired it with my black sandals, two inches lang. Rumampa pa ako sa harap ng salamin. And when I got satisfied with my look. I leave my room holding my pink purse.

Pagbaba ko ay nakita ko sila mommy daddy na nakaupo sa sofa, saka lang tumayo ng malapit na ako sa kanila. Ngumiti sila sa akin ng makalapit na ako

"Your stunning anak, Let's go?" Nakangiting sinalubong ako ni mom. Ngumiti ako bago tumango.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan ang kabahan. I don't know why I am feeling this way. Minsan kinakagat ko ang pang ibaba labi ko habang pinagsisiklop ko ng mariin ang aking mga daliri. Ilang beses din akong napakurot sa kamay ko para sana mawala ang kaba ko pero akala ko lang pala. Ilang beses na akong huminga ng malalim dahil mabigat ang dibdib ko.

We arrived at a luxurious restaurant. Feeling ko ay medyo humupa ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Napagod na yata sa kakatibok.

"Good evening sir, any reservation?" The staff asked with a smile on her face.

"Yes miss, Laurier" Sagot ni daddy

"This way sir" Sinundan lang namin sya hanggang makarating nga kami sa kung saan nakaupo ang mag asawa. They look sweet, nagtatawanan habang naghaharutan, parang teenagers lang.

Hindi ko nakita ang inaasahan ko kaya napatanong ako sa aking sarili. wala pa ba ang anak nila o hindi sya sisipot?.

"Hello Bes" Hyper na sigaw ni tita nang makita nya kami bago tumayo.

"Hiiiii!" Sigaw din ni mama bago sinalubong ang ginang at nagyakapan. Sila daddy naman ay nagtapikan sa balikat.

Ganyan din kami ng mga bestfriends ko. And oh, speaking of them, hindi ko pa nakukwento sa kanila na ikakasal na ako! Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

Matapos magyakapan nila mama at tita ay nakipag beso sya sakin at kay daddy bago kami inaya para maka upo na.

"Where's Ezekhiel?" Tanong ni mama ng makaupo.

"Sorry bes he's a bit late" Sagot ng ginang tumango nalang si mama

"Hi hija, ang ganda mo talaga, bagay kayo ni khiel" Nakangiting saad nya na may kunti kilig. Lohh si mama, i mean tita.

"Mana mana lang yan" Ani mama habang may ngisi sa labi.

"Thank you po tita" I said shyly and smiled at her.

"How old are you again?" Tanong naman ni tito

"24 po" Magalang na sagot ko

"Pwede na pare" Sabay tingin kay daddy at sabay silang tumawa. Hindi naman malakas tama lang.

Nagtanong na sila at nong napunta na sa business ang usapan nila ay nag excuse muna ako na gagamit ng restroom.

Kahit papano ay humupa ang kaba ko. Tinignan ko lang ang itsura ko sa salamin, nang makitang maayus pa naman ay lumabas na ako. Malapit na ako sa table namin ng makita ko ang lalaking kanina pa hinihintay.

Nakaupo ito katani ng upuan ko at nakangiti ito sa harap ng mga magulang ko.

Kaylan ko kaya mararanasan ang ma ngitian ng isang ezekhiel? Ang systema kong nananahimik ay bigla nalang nabuhay. Akala ko ba pagod na tong puso ko kakatibok? Parang gustong lumabas sa ribs ko. Gusto ko na tuloy lumabas at umuwi pero nakakahiya kaya wala na akong nagawa at tumuloy na ako sa table namin.

"Oh hija anjan kana pala" Napansin agad ako ni tita nagtama ang mata namin ni Ezikhiel pero umiwas na agad ako ng tingin. Umupo lang din kaharap nya.

"Lets eat before we talk about your wedding '' Tita said, a lot of dishes on the table, meron din yong faborite kung buttered chicked omg! Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Habang kumakain ay nag uusap usap sila, sumasagot lang ako kapag tinatanong ako. Minsan ay ngiti o tumatango tango lang ako. Napapatingin din ako sa katabi ko, seryuso lang syang kumakain, sumasagot lang din sya kapag tinatanong sya. Nakikitawa din sya kapag nagjojoke si mama o si tita. Same vibes sila. Magkaibigan nga talaga.

Hanggang matapos na kaming mag usap ay nagsalita si Zeke. Hindi ko na natuloy ang balak kung pagtayo dahil sa narinig. "Mom, tita, pa, tito, can I talk to Luna?" Ngumiti ang parents namin at tumango

"Sure hijo, we'll wait for you outside" Si mama ang sumagot at nauna na silang lumabas.

Paglabas nila ay umupo ulit si Ezikhiel. Nakatingin lang ako sa kanya hindi alintana ang kabang nararamdaman. Naghihintay ng sasabihin nya.

"Do you like this" Gamit ang malamig na boses ay nagsalita sya. Tumungin ako sa kanya pero hindi ako nagdalita. Hindi ko alam ang sasbihin ko. Gusto ko sya, gusto ko syang pakasalan oo, pero hindi ko gusto ang ideyang magpapakasal ako sa taong hindi ako ang gusto.

"The merriage, do you want it?" Pag uulit nya.

"I.....I dont know" Mahinang sabi ko sakto lang upang marinig nya.

"You know I have a girlfriend right?" Panimula nya sa malamig na boses. Geezz.

"Y-yes" sino ba namang hindi makakalam eh naghaharutan nga kayo in public?

"So, don't expect too much from me" Deretsong saad nya. binuka ko ang bibig ko pero walang salita ang lumabas kaya sinara ko nalang ito at baka pasukan pa ng langaw. tumango nalang ako.

Ok!

"Let's go." Inantay nya akong makatayo, lumapit sya sa tabi ko at naramdaman ko nalang ang braso nya sa likod ng baywang ko.

Nagulat ako kaya naihakbang ko ang paa ko palayo sa kanya para sana hindi kami magkalapit pero hinapit nya ako sa baywang ko kaya naibalik ako sa tabi nya. Nanlaki pa ang mata kong tumingin sa kanya pero malamig lang itong nakatingin sa akin kaya ibinaba ko nalang sa sahig ang tingin.

Naglakad na kami palabas at ang kamay nya ay hindi na inalis sa baywang ko hanggang sa maka labas kami at nakita namin ang parents namin na nag uusap.

Pagkalapit namin ay hindi parin nya tinatanggal ang kamay nya sa baywang ko hanggang sa mapansin iyon ng parents namin. kaya malisyoso silang  nakangiti sa amin.

"Thank you for tonight guys!" Tita said nonchalantly.

Nakipag beso pa sa amin at nag paalam na sa isat isa before we parted our ways.

*huyyyyyy........wala pa tayo sa exciting part. Chill muna tayo 😘

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now