CHAPTER 10: HIM

6.5K 58 2
                                    

3 Days have passed and I still can't  believe that I'm wearing a diamond ring!

Can I address him as my fiance? My fiance na ako? Fiance ko si Ezekhiel? Napangiti ako sa sariling naisip.

"Ma'am endorser ka po ba ng tooth paste?" Tanong ni Ashley. Nasa counter kaming dalawa nag aarange kami ng mga cake sa glass  storage.

Nangunot ang noo ko

"ha? hindi, bakit mo natanong?" Sagot ko bago tumingin sa kanya

"Eh ma'am pansin ko kanina kapa kasi nakangiti, kahapon pa actually" Natigilan ako. Naramdaman ko ang unti unting  pag init ng mukha ko.  Iniwas ko ang tingin ko at pinagdikit ang mga labi.

Hindi ko napansin! kasalanan ito ng lalaking yon! Baka hindi lang si ashley ang naka pansin!

Aish!

"ma'am wag mo nalang pansinin, ngiti ka na ulit mas gumaganda ka pa lalo" Biglang bawi nya sa sa tanong nya kanina nang hindi ako nakasagot kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.

Parang nahiya na akong ngumiti. Hindi na, dapat kong pigilan ang pag ngiti ko, tama na yon para sa araw na ito. Bukas na ulit.

char…

Dahan dahan akong tumayo at balak nang umalis sa counter, nahihiya ako. "ikaw na muna ang bahala dito ha, may gagawin ako sa opisina ko"

"Ha? Eh sigi po ma'am"  Nalilito itong tumango kaya tumalikod na ako at naglakad papasok sa opisina ko.

*****

Holding my phone while having a peek on Ezekhiel's IG when suddenly the door opens. Nagulat ako doon pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kanina lang ay  sa screen ng cellphone ko lang pinagmamasdan.

"What are you doing here?" Gulat kong tanong nang pumasok ang lalaki. Hindi ba ito marunong kumatok?

I didn't expect him today.

Imbes na sagutin ako ay dumeretso lang ito sa harapan ko at ipinatong ang kamay sa table ko

Abay bastos itong lalaking ito!

Nabitawan ko ang cellphone ko kaya nahulog ito sa table na syang gumawa ng tunog kaya bumaba doon ang tingin nya, kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang cellphone ko na hindi ko na off, nandoon parin ang huling picture nyang tinitignan ko!

Taranta ko itong kinuha at itinago  sa likod ko. Sigurado akong nakita nya iyong litrato nya sa cellphone ko!

"Get your things, we'll fit your gown" Nangunot ang noo ko. What? Ngayon na? As in now?

"Bakit ba nangugulat ka lagi! Hindi ka manlang nag heads up para makapag prepare ako!" Inis kong sabi sa kanya. Pano ba naman kasi bigla syang susulpot para utos-utusan lang ako. Hindi  manlang nya ako ina update. 

"Tsk" He said before he rolled his eyes, so I did the same  too. Duh! Even if I love him, I won't let him do that on me. Feeling irritated, I grabbed my things and walked out first. I felt him following me. I opened the door, and as I stepped out, I heard it shut behind me.

"Saan ang kotse mo?" Huminto ako at hinarap ko sya pero tinaasan lang nya ako ng kilay kaya nagsalubing ang mga kilay ko.

Wtf!

"Convoy" He simply said
Napahiya ako doon pero umirap ako para matabunan ang pagkapahiya ko.

"Sigi" Sabi ko nalang at tinalikuran sya, nakasunod sya sa akin hanggang sa pinatunog ko ang kotse ko ganon din sya na nasa tabi pala ng akin.

I entered my car as well as him but I didn't start the engine. I watched his car pass my car, he even blew the horn indicating that I'll follow him but, duh! Ayaw nya akong isabay edi pumunta syang mag isa nya!

Umupo lang ako doon hanggang sa makalabas na sya ng parking bago lumabas ng kotse at naglakad pabalik sa loob ng cafe.

Bago pa man ako makapasok ay may humawak sa braso ko. Inis ko itong nilingon

"Ano?"

"Where do you think you're going?" Umigting ang pangang tanong nya, tila galit sya pero inirapan ko lang sya at akmang tatalikuran ng nagulat ako dahil sa paghila nya sa akin palabas. Mabilis ang mga hakbang nya kaya ang bawat hakbang nya ay takbo na para sa akin.

Galit ba sya? Jusko!

"Ano ba! Walk slowly naman!" Sigaw ko pero hindi sya nakinig, tuloy tuloy lang sya sa paglalakad.  Gusto ko syang murahin pero hindi ko kaya.

Narating namin ang sasakyan nya, nakaparada ito sa gilid, hindi naman ito nalalayo sa shop ko, napansin yata nyang hindi ako sumunod kaya binalikan ako. He opened the shotgun seat at gamit ang  braso kung hawak nya ay pwersahan nya akong pinasok sa loob, hindi manlang inalalayan ang ulo ko! Pano kung nauntog ako at magising sa katutuhanang hindi nya ako gusto?

Sisigawan ko na sana sya pero umatras ang tapang ko nang  makita ko ang mukha nyang galit. Salubong ang mga kilay at umiigting ang panga, mga matang madilim ang tingin sa akin.

Pero kahit galit sya ay hindi ito nakakabawas sa ka gwapuhan nyang taglay.

**** sana lahat binabalikan huyyyyy HAHAHHAAH*****

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now