CHAPTER 30: LIES

7.1K 56 17
                                    

"Napadalaw po kayo?" saad ko nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.

"Yes, anak, We just wanted to check on how your life is going? hindi kasi kayo nakakabisita sa bahay kaya kami na ang pumunta dito sa bahay nyo." nakangiting sagot nito.

"I apologize po mama, naging busy po kasi kami ng asawa ko this past six weeks." nahihiyang litanya ko

"It's okay hija, don't mind it as long as hindi kayo nawawalan ng oras sa isa't isa ng asawa mo."

"Oo naman po mama, we are totally fine. Kahit busy po kami sa sarili naming trabaho ay hindi po namin nakakalimutan ang isa't isa. Minsan nga po, if he knew I was tired he would be the one to cook our dinner, at hindi nya po nakakalimuyang lambingin ako kapag stressed ako sa trabaho, matutulog kami nang sabay at gigising akong may Zeke sa tabi ko" pagbibida ko pa pero kasalungat nito ang katotohanan...... Ang katotohanang hindi nila pwedeng malaman.

Ngumiti naman ito, nasiyahan sa narinig. She looks so satisfied with my story.

I'm sorry for lying mama.

Simula noong kinasal ako ay nagawa kong magsinungaling na dati ay ni minsan hindi ko kayang gawin at hindi ko ginawa.

Pwede ko namang sabihin na "mama, we are not okay, We are not working" pero ginawa ko na, I refused, in the very first place, I even pleaded to my parents but they believed what they believed, kaya naisip ko na baka ganon din sila mama. Kaya ang gusto ko nalang gawin ay ang mapalapit kay Zeke kahit paaunti unti, that's why, sometimes, kapag may pagkakataon ako, Im trying to make a move. Hoping that at the end of the day, we might build a fine relationship and leave happily inside this house, inside our house.

"Nauuhaw ako mama, kuha lang ako tubig." tumango naman ito, at saktong pinatay nya ang kalan. Pakiramdam ko ay nauhaw ako sa pekeng kwento ko.

Naglakad ako patungo sa ref at kumuha ng baso sa katabi nitong stante ng mga baso bago binuksan ang ref. Inabot ko at pitchel at ibinuhos ang tubig sa aking baso hanggang sa mapuno ito bago nilagok ang lahat ng laman nito. Nilagyan ko pa ulit ang baso ko bago ibinalik ang pitchel sa loob at sunara ang ref bago ako. bumalik sa kinatatayuan ni mama.

Saktong nakalapit na ako at ipapatong ko na sana ang baso ko sa tabi ay nagsalita si mama.

"It's been two months hija, almost three, wala pa bang nabubuo?" Nasamid ako sa sarili kong laway. Mabuti nalang at hindi ko pa naiinom ang tubig sa baso ko dahil baka sa ilong ko dumeretso. Nabigla ako sa biglaang tanong ni mama. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Paano naman ako mabubuntis ma, eh hindi naman po ako ginagapang ng anak nyo..... charing!

"A-ah mama, kasi masyado pang maaga para magka baby kami. We are taking our time at isa pa gusto ko po munang pagsilbihan ang asawa ko. Gusto ko pong kapag nagka baby na kami ay handa na talaga kami, especially ako po" Nautal man ako ay nagawa kong makaisip ng rason, at sinabayan ko pa ng matamis na ngiti upang talagang kapani paniwala.

Sorry ma, pagpapaumanhin ko mula sa isip ko kahit hindi nya rinig.

"Tulungan ko na po kayo jan" pag pepresenta ko. para maiwasan ang katanungan nyang iyon.

"Sigi hija, can you cut the hams there, I'll cook soup for us. Itururo nya ang mga ham na nakapatong sa plate malapit sa sink.

"Cut it into a square anak." Tumango ako at hindi na nagsalita pa bago tumalikod para puntahan ang mga ham.

Habang nagsisimula akong gayatin ang mga ham ay napaisip ako about sa sinabi ni mama. What if magka baby na kami? Actually, hindi ko alam kung gusto ko na bang magkaroon ng baby. Deep inside gusto ko, somehow ayaw ko pa dahil sa maraming dahilan............

Napapaisip din ako kung gusto ba ni Zeke ang magkaroon ng anak sa akin, dahil sa sitwasyon namin ngayon ay malabong mangyari iyon.

Para bang wala syang balak sa relasyon namin. Pero may relasyon nga ba kami? Isang relasyon nga ba kung matatawag ang lagay namin? Ano ba ang tawag sa kung ano ang meron kami?......

At kahit gusto ko ay hindi naman pwedeng ako lang ang gagawa ng baby?!

Dahil nalunod ako sa pag-iisip ay hindi ko namalayang tapos na pala ako sa pag hiwa ng mga hams, nagtaka pa ako kung paano ko natapos, mabuti nalang at hindi ko nasugatan ang daliri ko.

"Mama, I'm done here" saad ko nang matapos kong malinisan ang ginamit ko.

"Akin na dito anak," Kinuha ko ang malaking bowl kung saan nakalagay ang hiniwa kong ham at lumapit sa kinaroroonan nya. Inabot ko sa kanya ang hawak ko at sumilip sa niluluto nya.

The color of the chowder has a creamy color. Masarap at malasa ang hitsura nito dahil sa sabaw nitong malapot. May mga patatas na nahiwa sa maliliit ang makikita dito. Meron ding ibang gulay tulad ng carrots at sibuyas na nagdadagdag ng kulay sa soup na nagbibigay ng mas kaakit-akit na itsura. Hindi nakaligtas sa aking ilong ang mabangong aroma ng sabaw. Kaya talaga namang masasabi kung masarap ang niluluto ni mama.

"what kind of soup is this mama?" Namamangha kong itinuro ang niluluto nito.

"it's called ham and potato soup hija" sagot nito kasabay nito ang dahan dahang pagbuhos nya ng mga ham mula sa bowl. May natira pang mga piraso ng ham sa bowl kaya gumamit sya ng kutsara upang maalis ang mga ito bago nya ipinatong sa tabi ang hawak.

Kinuha nya ang sandok na ginagamit sa paghalo sa kanyang niluluto at inabot ito sa akin.

"You wanna try?"

"oh sure ma!" I excitedly answered at agad na inabot ang sandok mula sa kamay nya, natawa naman ito sa inasal ko. Then she took a slight sideward step for me to take over her place.

Magaan kong hinalo halo hanggang sa magkalat ang mga ham.

"okay that's good, now it's time for seasonings. Add some salt for more taste" Tumango ako at inabot ang asin, binudburan ko ang niluluto.

"kulang pa po ba?" huminto ako sa pagbudbud ng asin at nilingon si mama dahil hindi ako sigurado sa timpla.

"yes, add more, kulang pa iyon anak" tumango ako at pinagpatuloy sa paglalagay ng asin.

"ohhh? Akala ko sobrang madami na" natatawa kong anas.

"opps, it's ample already, I added milk and cream kasi so it should be more salt to get the exact taste." she explained. Tumango tango naman ako.

"Next is the pepper" Sumunod akong magbudbud ng pepper. Nang matapos ay hinalo halo ko ulit ito.

"You're doing good hija, let it simmer for the potatoes to get tender but don't forget to stir to avoid burn." Tumango ako, I followed what she said. I let it simmer, still stirring occasionally.

Habang hinahalo ko ang soup ay nagulat ako dahil biglang may humalik sa aking pisngi kasabay non ang mabagal na pag gapang ng kanyang kamay sa aking tyan. I feel the sudden Stampede of butterflies racing within my stomach.

"Good morning" Bulong ng pamilyar na boses. I feel like my whole blood raises up to my face. I can feel the heat all over my face!

UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now