BLDG. 3

344 9 0
                                    

BLDG. 3

Hello admin, Ilang yrs ko ng gustong
magkwento dito about sa mga creepy experiences ko, tawagin niyo nalang ako sa pangalang Austin. Nangyari ito noong nakaraang december bago ang aming christmas party.

So ito na nga, Pumasok ako ng school kinaumagahan dahil kinabukasan may magaganap sa aming room na christmas party. Bago makapasok sa aming room which is aakyat ka pa hanggang (3rd floor). Kung hindi niyo naitatanong ang school pala namin ay ang pinaka maluwang 'di ko na po sasabihin kung saan at ang bldg. namin is sa pinaka likod which is (4th floor) sya dahil nga Senior High kami. Habang paakyat palang ako may napansin na ako sa (2nd floor) sa may pintuan ng cr na parang may nakasilip. Nagtuloy tuloy lang ako inisip ko nalang na baka imagine ko lang yon kasi sobrang aga pa nun at wala pa medyong estudyante.

Noong naka akyat na ako sa room namin, nakita ko ang aking mga kaklase na iilan lang i think mga 6 lang. Tinulungan ko silang mag ayos ng room at mag dikit ng mga designs para bukas. Hanggang sa nagsi datingan narin ang iba naming mga kaklase.

Pagdating ng hapon iilan nalang kaming natira i think (13 kami) dahil ang iba ay uuwi na raw ng maaga dahil hinahanap na sila. Kaya minadali na namin ang pag aayos at ito na nga inabutan na kami ng gabi (6:00pm) sa pag aayos. Inilabas ng isa naming kaklase ang speaker nya para daw hindi maging tahimik ang paligid dahil boring daw pag tahimik lang ang lugar. Pinigilan naman ito ng babae naming kaklase dahil hindi daw ito makakatulong sa aming pagdedesinyo sa aming room at baka makagambala pa daw kami ng hindi namin nakikita dahil gabi narin.

Hindi pinakinggan ng isa naming kaklase ang sinabi nung babae naming kaklase sakanya at ipinagpatuloy niya ang pag p-play ng speaker hanggang sa may narinig kaming nagdadabog sa (4th floor) at paingay ng paingay ito. Nagalit ang babae naming kaklase at pinatay ang speaker ng isa naming kaklase dahil papalapit ng papalapit ang ingay sa (4th floor) at biglang natigil ang ingay noong pinatay ang speaker. Nung time na yon (7:00pm) malapit narin kaming matapos. After ng aming pagdedesinyo naisipan narin naming magpahinga at umuwi na. Noong nag tayuan na kami after naming magpahinga ay inayos nanamin ang mga upuan at mga kurtina. Ito na nga ang nangyare lumabas na kaming lahat sa tapat ng aming room at nakaswitch pa ang ilaw ng room namin dahil sa takot walang may gustong pumatay ng ilaw sa loob ng aming room at naglakas loob akong pinatay ito at ang isa naming kaklase ay nagbiro, sinaraduhan ako sa loob ng room habang nakapatay ang ilaw nagtatawanan sila at nag iingay pa, habang ako ay nagmamakaawa na buksan na ang pinto at makaalis na dahil gabi narin at baka may magpakita pa saamin. Noong binuksan na nila ay isinarado nanamin ito, Biglang natahimik ang paligid ng tumingin ang babae naming kaklase sa kabilang hagdan, may tila ba mahabang buhok na maitim na lalaki at duguan ito papalapit mula saamin. Nagtinginan kami at sabay takbo pababa, noong malapit malapit na kami sa baba ay nakalock na ang gate ng bldg. dahil gabi na, sumigaw sigaw kami at narinig ng janitor iyon, dali dali syang pumunta saamin at binuksan ito at isinarado ito agad. Habang kami ay naglalakad mula sa main gate tinanong namin sa janitor kung ano ang aming nakita. Sinabi ng janitor na noong panahon nila ay may isang estudyante na iniwan ng kanyang kasintahan at naisipan nya nalang na tumalon mula sa (3rd floor) dahil sa taas ng kanyang pinagmulan ito ay namatay at duguan. Kaya gano'n nalang din ang kanyang pagpapakita sa tuwing may mga estudyanteng nagagabihan mula sa itaas ng bldg. na kanyang pinagtalunan.

Hanggang dito nalang mga ka spookify, thankyou po sa pagbabasa. Sana po naintindihan niyo, dahil first time ko lang po.

-Austin

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now