Bahay

377 5 0
                                    

BAHAY

This is my first time to share a story, It happens year back 2019, kalilipat lang namin dito sa bahay. Nung una okay naman, wala naman akong ibang nararamdaman not until isang gabi, nakahiga ako hindi pa kasi nalalagyan ng kwarto yung bahay namin that time, wala ding mga kurtina. Yung paanan ko is dalawang bintana, sa likod ng bintana yung likod bahay namin sobrang dilim wala ka talagang makikita as in. Then yun na nga, nag cecellphone ako nang may sumitsit sakin galing sa bintana sobrang lakas ng sitsit niya na parang nandon lang talaga siya nakasilip. Napatitig ako non sa bintana trying to figure out kung may tao ba pero wala akong nakita. Pinasawalang bahala ko nalang na parang walang nangyari, pero maya maya may sumitsit na naman at dito na ko natakot. Nagtaklob na ko ng kumot at natulog na.

This story naman year 2020, same spot padin yung higaan ko pero this time nakatagilid ako at nakaharap sa pinto ng cr. Exact 3am na ko natulog non and kumain ako bago matulog, wala pa kong 20 minutes na natutulog nang may narinig ako na nagkakantahan sobrang ingay na para silang nagpaparty, at dito na bumigat nang bumigat yung pakiramdam ko and may nakikita akong babae na mahaba ang buhok, kulay itim ang mata at nakangiti siya sakin parang si momo kung kilala niyo yun haha ganon itsura niya. Dito na ko na aware na na ssleep paralysis ako my god sa 18 yrs in my life that time ko lang naranasan mag sleep paralysis kaya sobrang takot na takot ako nung nagising ako, pagtingin ko sa orasan 3:15 am palang, as far as I remember exact 3am ako natulog. Inisip ko nalang na puyat ako at busog bago natulog kaya na experience ko yun.

Eto naman year 2021 or 2022 nakadapa ako katabi ko mama ko at nasa paanan ko yung kapatid kong bunso 5-6 yrs old palang siya non, shet na malupit talaga nung may sumuntok sa pwet ko sobrang lakas as in to the point na napatingin ako sa kapatid ko. Nanonood siya ng tv so I asked her ""sinuntok mo ko?"" ang sagot niya lang sakin ""ha?"" so naisip ko non hindi siya yung sumuntok sakin, tsaka bakit niya ko susuntukin diba? sobrang busy siya manood ng tv non. So ang ginawa ko nalang kunyare walang nangyari haha.

This year naman to, sa baba ng sofa ako natutulog, and yung sofa doon siya nakapwesto sa baba ng bintana (same window padin😭) bago ako matulog tinali ko yung kurtina para pumasok yung hangin, sa kalagitnaan ng pagtulog ko naalimpungatan ako pero sobrang antok na antok ako na ayoko idilat mga mata ko, nagising ako nakatapat ako sa right side, and lumipat ako sa left side ""which is andon yung sofa"" mga anteh pagkaharap na pagkaharap ko palang sa left side may narinig na kong mga bata na tumatawa naghahagikgikan sila, siguro dalawa sila or tatlo? yung tawa nila galing sa sofa, parang nakaupo sila dun tas pinagtatawanan nila yung muka ko nung humarap ako sa left, minulat ko yung mata ko pero wala akong nakita at dahil nga sa sobrang antok diko nalang pinansin. Hindi ko siya kinuwento kala mama pero I was shocked nung netong nakaraang araw nagkwento kuya ko😭 may narinig daw siyang mga bata na naghahagikgikan at dun ko na kinwento yung experience ko, napatirik tuloy kami ng kandila nang wala sa oras haha.

Actually madami pa eh, like yung kapatid kong bunso may naghehello daw sakaniya nung nakapikit siya, pero hindi daw siya tulog. Yung mama at papa ko na may nakikita daw silang nadaan, pero wala naman.

-ange

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now