Ktv bar

175 3 0
                                    

Hello admin, sana maipost itong kwento ko na to.

"KTV Bar"

Taong 2011, nag aral ako sa alabang sa kursong HRM. Itong kwentong to ay galing pa sa prof. Hango ito sa karanasan nya. Umpisahan ko na.

Isa syang maintenance sa isang KTV bar di ko na sasabihin kung saan ito pero nung panahon nya napaka sikat daw ito at laging dinadayo mapa artista ay naglalagi dito, ngunit bigla nalamang itong bumagsak.

May isang babae na katrabaho ni sir dito, maputi, singkit, maganda at matangad . Isa syang waitress at medyo masungit ito pero nakakasundo mo naman sya katagalan. Tumagal sila dito dahil na rin sa sobra daming guest nila at maganda ang kitaan nila rito. Ngunit isang araw bigla nalamang di pumasok ang babaeng tinutukoy sa kwentong ito, lumipas pa ang tatlong araw ay walang nabalitaan sa babae. Pumunta na ang magulang nang babae para hanapin at ipagtanong kung ito ba ay pumapasok pa dahil nga nawawala ito nang tatlong araw na ang lumilipas.
Ngunit ni isa ay walang nakasagot dahil di raw ito nakita at hinahanap din nila ito sa trabaho dahil di na rin nag pumapasok.
Nang lumipas pa ang maraming araw ay di pa nila ito nakita, at walang balita kung saan sya naroon.
Pagkasaktong dalawang linggo ay tila may naaamoy silang di kanais nais, amoy patay na daga. Di nila mawari kung saan to nagmumula, sa sobrang maalinsangan ay hinanap nila kung ano nga ba ang kanilang naaamoy dahil matinis na ang pagkakamaalinsangan na to.

Sa di inaasahan natagpuan nila sa bodega ang isang bangkay, isang babae . Babaing magulo ang buhok at tila maraming galos. Nagkaroon nang imbestigador sa pangyayari sa bangkay . Kinilala nga nilang ito ang babaeng matagal nang hinahanap, ganun pa man sa examine ito ay ginahasa pero kumpirmang kahit patay na ito ay pinagsasamantalahan pa din nila kaya ganun nalang din nila ito itinago dahil gngwa pa rin syang paraosan.

Tatlo ang naging suspek dito. Ang una ay gwardya ang pangalawa ay technician at ang pangatlo naman isang mataas ang tungkulin sa KTV bar na ito. Ang sabi ay maagang pumasok ang dalaga, pero walang log ito sa gwardya, makikita mo sa logbook na may punit ito. Pangalawa ay tila di mapakali at di makausap nang maayos ang mga nabanggit na suspek.
Habang nasa kaso pa ang lahat nang ito, may kakaiba nang kaganapan sa KTV na un.
Katulad nalamang nang may naging guest silang pamilya. At may nag assist sakanila, nagtaka ang manager kung bakit sa isang kwarto ay may naka occupied na pamilya, agad niyang pinuntahan para alamin kung sino ang nag assist sakanila.
Pero ang sagot nang nanay sa pamilya ay may nag assist sakanila at iniwanan sila saglit para kuhanin ang order nila, kaya naman pinatawag lahat nang nakaduty na waitress dahil sabi nang nanay ay babae ang umasikaso sakanila. Ganun nalamang sila nagulat dahil ni isa sa kanila ay wala sa waitress na humarap saknila para asikasuhin. Nang pinadiscribe ito nang manager ay tila lahat sila ay tinaasan nang balhibo. Dahil ang serbedorang nag asikaso saknila ay ang babaeng pinagsamantalahan sa mismong lugar na yun. Hindi makapaniwala ang lahat nang nakaduty doon dahil sa mismong narinig nila sa kanilang guest. Kaya dito nag umpisang magparamdam ang babaeng ito para mag higanti.

Di lamang isang beses ito nangyari, dahil nasundan pa ito nang maraming beses na kababalaghan.
Tulad na lamang nung nagpaiwan ang manager nila sa mismong office dahil may tinatapos pa itong report. Nakabukas ang pinto nang office at may bintana itong salamin. Nagtataka sya dahil sa hallway ay papatay patay ang ilaw napapansin nya ito dahil sa mismong kabilang side lang un at makikita mo kung papatay patay ito. Binalewala nya ito dahil sa nilalabanan nya ang kanyang takot. Pero nanginig sya nang nakarinig sya nang himig nang isang babaeng nag hmmm.. Hmmmm. Hmmmmm... Basta yung mismong himig na nakakapangilabot. Di lumingon ang manager sa pinto, at nagfucos sya sa mismong gngwa nya. Di nya mawari pero butlig butlig na ang kanyang pawis. Sa hallway nagmumula ang himig na yun. Hanggang paulit ulit yun at biglang huminto ang pag himig nang boses babae. Inobserbahan ito nang manager at unti unting lumingon sa pinto, nang biglang sumigaw ito sa kanyang nakita at tumakbo palabas. At hindi na ito nakitang pumasok dahil na rin sa sobrang takot.
May isa pang pangyayaring ito'y nakakakilabot rin, dahil nga sa nangyari sa babae ay sya ang hinihinalang may gawa nang lahat nang ito, sa kaluluwa nyang di matahimik.
May bago silang manager ganun din ang karanasan nya pero this time is kasama nya na ang prof ko dahil may aayusin sila, at gabi ito nangyari. Ang style kasi nun ay pasikot sikot na hallway at para talaga syang hotel style din. Naglalakad sila papunta sa aayusin nilang bagay, nauunang naglalakad ang kanilang bagong manager. Nang last turn na para doon sa dulong pupunteryahin nila bigla nalamang nag stop ang manager nya at sumigaw ito ng TAKBOOO! syempre sa sobrang takot din nang prof ko kahit di nya pa nakita ito ay tumakbo na rin sya kasama ang manager nya. di makapagsalita ang manager nung tinatanong sya nang prof ko kung ano nga ba ang nakita nya . Kinaumagahan di na rin ito pumasok itong manager at di nalaman ng prof. Ko kung ano nga ba ang nakita ng kanyang manager hanggang ngayon. Unti-unting humina at hanggang nagsara ant KTV bar dahil sa mga kababalaghang nangyayari. Hanggang dito nalang po ang kwento ko sana po ay nagustuhan nyo po ang kwentong ito base sa karanasan nang aking prof. Maraming salamat.

-jl18

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now